Chapter 18: Damian Academy (East)

50 5 0
                                    

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.


East Academy

"Nakahanda na ba ang kwarto ni Miss Williams?",tanong ni headmaster Lincoln sa isang palvelija. Ito ang isang kategorya sa isla na naglilingkod sa akademiya bilang mga katulong sa paglilinis at pagluluto.

"Opo headmaster. Naihanda na po namin ang lahat.",sagot ng pinuno ng mga palvelija. At nagbigay galang ito para makaalis na sila.

Inilibot ng headmaster ang kabuuan ng magiging kwarto ng valittu o ang nakatakda sa aklat ng Belger Island na pelastaja o tagapagligtas.

Kailangang pangalagaan ang batang iyon. Siya na lamang ang huling miyembro ng pamilya ni Headmaster Damian na mayroong apat na elemento.

Sa ngayon ay hindi pa niya ito alam na siya ang tagapagmana ng buong Belger Island. Ang mga magulang niya sa ngayon ay hindi pa matukoy kung nasaan. Iyon pa ang hinahanap ngayon ng council, pero ang nasa isip ng lahat ay nasa West ito at hawak ngayon ni Lucio. Pero nararamdaman ko na nasa safe naman ang mga ito at nasa mga mabuting kamay.

--------------

Hogwarts Academy

Katherine's POV

I'm all set. Nakakalungkot lang dahil sa aalis ako dito sa Hogwarts. Pero pansamantala lang naman ang lahat ng ito. Pag natapos na ang pagsasanay ko at natapos na ang gulo, makakabalik din ako dito.

Napabuntong hininga siya ng malalim. Wala pa rin si Lucas, saan na kaya ito? Di ba sabi bi ni headmistress ay kasama ito na maghahatid sa kaniya. Hindi naman pwede na nagsimula na siya agad sa kaniyang misyon ng hindi man lang nagpapaalam sa akin.

Isang katok sa pinto ang pumukaw sa kaniyang pagmumuni. Napagbuksan niya ang dalawang palvelija na magbubuhat ng mga gamit niya.

"Magandan gabi Miss Williams, kailangan na po nating umalis. Naghihintay na po ang headmistress sa baba.",sabi ng isang palvelija. At binuhat na ang maleta niya, siya naman ay kinuha na rin ang backpack niya at sumunod na sa dalawang palvelija.

"Ahh..okay. Nandoon po ba si Lucas sa baba?",hindi nakatiis na tanong niya sa mga ito.

"Wala po siya sa baba Miss.",sagot ng isa sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad.

Malungkot na nagpatuloy na lang din siya sa pagsunod sa mga ito. Hindi na nga siguro muna magpapakita sa akin si Lucas. Baka after na lang ng misyon niya sya magpapakita.

Naabutan nila na naghihintay na nga si Headmistress Elle, si Sir Grey at si Miss Lindsay. May mga sampu hanggang labinlimang vartija pa ata kaming kasama, mga double element guardians, mostly water, earth and wind overseer ang mga ito.

"Tayo na Katherine.",sabi ng headmistress sa kaniya. Nagpalinga-linga siya baka dadating pa si Lucas. I know naman na hindi ko rin makikita si Macey dahil hindi naman nila pinaalam ni headmistress ang tungkol dito pero si Lucas. Bakit wala pa siya?

BELGER ISLAND (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin