CUATRO

119 10 3
                                    

JILL'S POV


**WHOOSSHH**

"WAAAAAAAAHHHHHHHH!!"

"KKKYYYYYYYAAAAAAAAAHHHH!"

Tulala akong nakatanaw sa kawalan habang nagpapaligsahan naman sa palakasan ng pagsigaw ang dalawang katabi ko. Talaga kayang siya nakita ko o namamalikmata lang ako? Anong ginagawa niya doon? Masiyado naman atang malayo ang lugar na ito sa pinagta-trabahuan niya para mapadpad pa siya dito? Talaga bang sumanib sa kanya niya ang nakakapangilabot na nilalang na yun? Bakit nababalot sa itim na apoy ang ulo niya kanina?

Kinikilabutan talaga ako sa naaalala lalo na kung paano umakap at sumanib sa kanya ang nagbabagang aninong yun. Uggh!

Huwag kang judgemental. Kastigo ng utak ko, sabagay sa bilis ng mga pangyayare baka kahawig lang niya.

"WAAAAAAAAHHHHHHHH!!"

"KKKYYYYYYYAAAAAAAAAHHHH!"

Weird, pati pandinig ko ayaw naring makisama blurred na rin. Pero sa kabila ng mga buwis buhay na eksena namin kanina nagpapasalamat parin ako kahit papaano buhay parin kaming tatlo.

"WAAAAAAAAHHHHHHHH!!"

"KKKYYYYYYYAAAAAAAAAHHHH!"

"MANAHIMIK KAYO!!" sa gigil ko pinaghahampas ko silang dalawa. Oo nabibingi na ako pero hindi dahilan yun para magsigawan parin sila na parang nasa VIP SEAT kami ng BTS concert. Naiintindihan ko namang shock parin sila pero ako din naman diba?

Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano ng maamoy ko ang pamilyar na car air freshener sa loob ng sasakyan. Yun nga lang para kaming sardinas na nagsisiksikan sa iisang lata. Masikip pero malambot naman ang upuan sa back seat. Medyo madilim pero ang mahalaga malayo na kame sa panganib.

"A-Are we still alive?" si Jack habang hindi makapaniwalang kinapa-kapa ang sarili niya.

"Buhay paba tayo?" ani Art na inulet lang sa tagalog lang ang sinabi ni Jack.

"W-Where are we?" hindi ito mapakali dali-dali itong sumilip sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Nasaan tayo?" sumilip din si Art sa bintana sa tabi niya.

Hindi ko alam kung may hang over sila o sadiyang ito ang nagiging epekto sa tuwing nalalagay sa peligro ang mga buhay nila. .

"JILL!!" sigaw ni Jack. Napaatras ang ulo ko sa lakas ng boses niya.

"JILLIAN!!" sigaw rin ni Art.

Naiinis na pinagpapalitan ko ang tingin sa kanilang dalawa. Mukhang mas okay pa yung kanina yung parang may bara lang ang tenga ko.

""J-JJJJIIIIIILLLLLLILL!!" chorus ng dalawa dahilan para magtakip ako ng palad sa magkabilang tenga..

"Kingena! Ano lalagyan ko pa ba nag subtitle para mas lalong magkaintindihan tayong tatlo!?!" bulalas ko sa inis. Kingenang mga'to nabingi lang ako pero hindi ako navuvu! "Manahimik kayo dahil kung magsisigawan kayo malalaman nilang nandito tayo."

"I'm sorry, but where are we----"saka lang siya natauhan ng muling mapagmasdan ang loob ng sasakyan. "Oh my god! This is my car! This is my car!" di parin maka get over sa napagtanto. "Where is my god damn keys!" natatarantang dugtong niya. "Where is it?!"

Si Malakas at Si Nagma-MagandaWhere stories live. Discover now