Nueve

33 1 0
                                    

JILL’S POV

* *W H O O S S H H* *

Lihim akong napangiti. Sa kauna-unahang pagkakataon may isang nilalang rin akong nakasamang hindi dumuwal o nagtawag ng uwak pagkatapos mag teleport. Ang weird lang sa pakiramdam na para akong pwersahang kinakaladkad kung saan.

Well at least ngayon alam ko na ang pinanggagalingan ng mga reaksiyon nila Artemio.
Napansin kong hawak niya pa rin ang kaliwa kong braso dahilan para mapanatili ko ang balanse paglapat ng mga paa ko sa malamig at malaking bato.

Malamig at malaking bato? Awtomatiko akong napairap ako sa kawalan ng makita kong isang pares na lang pala ng tsinelas ang suot ko. At pag angat ko ng tingin para siyang batang dahan dahang kinikiliti at pinipigilang huwag matawa nang magtama ang tingin naming dalawa.

Yung tipo ng ngiting ang lakas makahawa dahil pati ang mga mata niya kumikinang sa saya.
Natutulala ko siyang pinagmasdan. Si Yakob na ba talaga 'to? Sino yung nakakatakot na lalaking nagliliyab ang kayumangging mga mata sa galit kanina? Hindi ko maiwasang pangilabutan sa tuwing naaalala ko ang nakakatakot niyang aura.

“J-Jill--Jillian si Yakob ‘to!” gamit ang kanang braso inalog alog niya aang kanang balikat ko. Bumalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang nakakainis niyang tawa.

“I-Ikaw! Ikaw!” hinubad ko ang nag iisang tsinelas na suot ko at pinaghahampas ko siya sa inis.

Natatawa naman niyang ipinansanggalang ang isang braso habang iniilagan ang bawat pagtama sa mauugat niyang mga braso.

“M-Magpapaliwanag ako.” hinawakan niya ang mga kama ko saka ito dahan dahang ibinaba sa pagitan namin.

“Talagang magpapaliwanag ka bago basagin ko yang pang-nguya mo!” gigil na tugon ko na lalo niyang ikinatawa. 

“Kahit kailan napakamainitin talaga ng ulo mo.” napapangising tugon niya na parang nakakatawa ang mga sinabi ko.

May amnesia ba siya? Sinong hindi mag iinit ang ulo, sa takot ko akala ko katapusan ko na kanina. Pisti!

Sa gitna ng paghingal hindi ko tuloy maiwasang lihim na pagmasdan ang maamo niyang mukha. Pakiramdam ko talaga pinagti-tripan lang ako ni Jack.

Pero infairness, ang sarap niyang titigan sa liwanag, lalo na sa malapitan.
Siya yung tipo ng lalake na na lalong guma-gwapo habang tinititigan mo ng matagal. Mula sa inosente nitong mga mata na tila nangungusap kung makatitig, ang bilugan at maamo nitong mukha na binagayan ng katamtamang tangos ng ilong.

Bukod sa angkin nitong taas at magandang tindig, mapapako ang mata ng kahit sinong mapapatitig sa maugat at matitipuno nitong braso animong babad ito sa gym.

Takaw tingin din ang makinis at matipuno nitong dibdib pababa sa namimintog at pawisan niyang six pack abs. Sa madaling salita tall, dark and handsome kaya lalo siyang naging kaaya aya sa mata ng nakararami. Sa laki ng pagkakahawig nila ni Jack bakit wala akong maalalang tinitigan ko siya ng ganito katagal? Oo gwapo nga siya, mayaman, makinis at inglesero pero wala siyang binatbat sa lakas at dating ng lalaking kaharap ko.

Ang tanong ko lang lahat ba nang nabuhay na lalaking kayumanggi kasing hot niya? Ang mga babae ba saksakan ba ng seksi at ganda?

Teka, may mga babaeng Kayumanggi nga ba?! Parang wala akong maalalang may nabanggit sila Tsang Inday sa mga kuwento nila.

Ngunit hindi maitatago ng perpektong mga katangiang iyon ang pagod sa mga mata niya kung pagbabasehan ko ang pangingitim nito. Idagdag mo pa maruming kasuotan niya ngayon at mangilan ngilang galos sa braso.

Si Malakas at Si Nagma-MagandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon