Dies

47 2 2
                                    

JILL'S POV

Walang imik at halinhinan kaming hinainan nang mag asawa ng isang masaganang hapunan. Parang kinukurot ang sikmura ko sa gutom nang ilapag nila sa harap ko ang umuusok na inihaw na karne ng baboy at manok.

Nakakapanghina rin ng sistema ang mabangong amoy ng bagong sinaing na kanin. Hindi rin nagpahuli ang iba’t ibang klase ng prutas na halos umukupa sa di-kalakihang lamesa.

Di ko namabilang kung ilang ulet akong napalunok sa pagkasabik na matikman ang lahat ng mga nakahain.

BOODLE FIGHT!  

“Oh?” Napamaang kong sinundan ng tingin ang dalawang may edad na matanda ng magsimula itong maglakad ng dahan dahan paatras. Ang bawat isang braso nila ay nakalapat sa kaliwang dibdib habang nakayuko naman ang bawat mga ulo.

“E sila hindi mo ba aayaing kumaen?” siniko ko si Yakob na abala sa pagkuha ng pagkaen sa harap niya.

“Matapos ang nangyare kanina sa tingin mo may mukha pa silang ihaharap sayo?” pabulong na sagot niya habang nasa pagkaen pa ang atensiyon.

“Madali akong magpatawad Yakob.” mahinahong tugon ko dahilan para matigilan siya sa ginagawa. “Pero matagal akong makalimot.” segunda ko na ikinaikot ng mga mata niya.

Kumaen kana hindi muna mababago ang mga isip nila lalo na ngayong nalaman na nila kung sino ka talaga.” mabilis niyang nilagyan ng pagkaen ang harap ko.

Kasalanan mo ‘to e!” duro ko ng hintuturo ko sa noo niya.

“Bakit ako ang sinisisi mo----” nanahimik kami pareho sa pagpasok ni Adlaw bitbit ang isang bilog at may kalakihang tila mangkok ngunit gawa ito sa kahoy at may lamang malinis na tubig.

“Para iyan sa kamay mo..” pabulong na sambit ni Yakob sa tabi ko. Tinanguhan niya pa ako na tila nabasa ang iniisip ko.

Nag aalangan at kagat labi naman akong sumunod sa sinabi niya.

Nakakapanibago lang biglaang magandang pagtrato nila. Di naman kaya ako lasunin ng pamilyang ‘to dahil sa pinaggagawa ko kanina?

“A-Adlaw.” mahinang tawag ko na ikinalaki ng mata niya bago magyuko ng ulo. Tawagin mo ang mga magulang mo at sumabay na kayo sa aming kumaen.”

“H-Ha?” natulalang sagot niya habang pinaglipat lipat ng tingin sa amin ni Yakob.

Tikhim lang ang isinagot ni Yakob saka dahan dahang tumango kay Adlaw.

“M-Masusunod.” nagpipigil ng ngiting sagot niya at patakbo itong lumabas ng bahay. Napapailing naman si Yakob matapos magbitaw ng mababaw na buntong hininga.

Habang nag aantay pinagtuunan ko muna nang pansin ang kabuuan ng tinutuluyan naming bahay. Hindi ito nalalayo sa mga bahay na nakikita ko noon sa mga larawan ng mga liblib na probinsiya.

Gawa sa pawid ang bubong, de-tukod ang mga bintanang gawa sa kawayan at mga pawid.

Ang naglalakihang mga haligi naman ay mula sa naglalakihang katawan ng malalaking puno na tila niliha pa sa kintab.

Ngunit masiyado naman atang malaki ang bahay na ito para sa apat na tao. Mula sa kinauupuan ko natatanaw ko ang dalawang pintuan ng silid na may mahahabang puting tali na pinalamutian ng mga puting sea shells na nagsisilbing kurtina sa bawat bukana.

Si Malakas at Si Nagma-MagandaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt