SAIS

82 5 2
                                    

JILL'S POV


*W H O O S S H H*

"Da Fuck!"

Sabay kaming nalaglag ni Lucas sa back seat ng biglang apakan ni Jack ang preno ng sasakyan niya. Kingena, ba't di ako masanay sanay?!

"Jillian!?" nagulantang na tawag ni Art kinusot kusot pa nito ang magkabilang mata na tila hindi makapaniwala.

"Art---tulong." inabot ko ang kamay ko at hinila niya ako hanggang sa makaupo. Napansin kong naka park na ang sasakyan sa gilid ng may kadilimang kalsada.

"J-Jill---I think I'm gonna throw up." napakapit si Lucas sa braso ko.

"Not inside my car!" angil ni Jack mula sa harap ng buksan ang ilaw.

Sungit naman nito! Tumunog ang pinto sa tabi ko at saka ko naman inalalayan ko si Lucas na tumayo.

"Jill! Bakit hindi ka pa dumerecho sa bahay nila Tito D?"

"Gusto ko munang i-check ang lagay niyo." nahihiyang sagot ko.

"Psh!" singhal ni Jack sa harap. Hindi ko nalang pinansin, may karapatan siyang magalit sa pagtakas ko sa kanila kanina. Ugh! Nung isang araw pa pala.

"Beks sino yang otokong bitbit mo!?" turo niya sa labas. Napangiwi akong bumaling sa kanya. Mas inuna niya pang itanong kung sino ang lalaking kasama ko kesa kamustahin ako.

"Mahabang kwento." tipid na sagot ko habang na kay Lucas ang atensiyon ko. "Wag niyong sabihin sa bahay ang punta niyo!?" hinarap ko sila at si Jack lang ang matapang na sumalubong ng tingin ko.

"We're planning to save your relatives." pinag diinan niya ang dalawang huling salita.

"For what Jack? Baka naman iniisip niyo isa 'tong masayang adventure?! Kailan pa kayo naging mga bayani?! Kingena kung ako lang masusunod ayoko na sanang magpakita sa inyo e."

"Grabe ka naman beks gusto lang naming makatulong..at hindi naman yun nagpapakabayani..." taas noong sagot ni Art. Prangkahan na walang patutunguhan kung magpa-pabebe kami pare-pareho.

"Ano lang, nagpapakahangal?!" supalpal ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mo kung ano ang madalas kinahahantungan ng mga nagpapakabayani?!" paalala ko sa kanya. Oo, hindi masama tumulong pero kingena naman, kilalanin naman sana muna nila yung makakalaban nila. Mga Aninja yun anu namang laban nilang dalawa?

"Well that's a better plan than doing nothing?!"sarkastikong sagot ni Jack na nasa labas ang tingin.

"Ahh---so plano niyong magpakamatay ganun ba?" pareho silang hindi nakaimik ngunit kunot ang mga noo. "Hindi naman masama tumulong pero kingena naman, huwag namang padalos dalos beh, hindi binyag o birthday party ang pupuntahan niyo, jusmiyu."

Wala sa kanila ang nakaimik. Alam nila ang estado ng buhay ko ngayon, maituturing na akong ulilang lubos at kung mamamatay ako katapusan na ng lahi namin sigurado kahit wala naman akong planong magkaanak. At hindi naman sa wala akong utang na loob, kaya nga ako ngayon nandito dahil kahit papaano concern parin ako sa mga ex-relatives ko.

Tsaka, bakit ba lahat gustong magpaka bayani? May reward kapag mamatay ka ng mas maaga? O bored ka lang sa buhay mo kaya gusto mo ng maraming life changing challenges? Pisti!

Si Malakas at Si Nagma-MagandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon