"kaya pala malalaki tiyan nila eh" si Dheo na tumatango pa na tila may napatunayan sa kaniyang mga pinag-iisip. Aleah just rolled her eyes when she heard Dheo's remark. Natawa naman si Niño at sinabayan pa ang kalokohan ni Dheo.

"Reggie ayos ka lang? kanina ka pa balisa riyan " tanong ni Maxi bago niya ito tinabihan. Kanina niya pa ito nakikitang hindi mapakali, siguro dahil natatakot itong malaman ng iba pa nilang mga kasama ang sikretong tinatago niya.

"Bhie, alam na ni Ezekiel ang totoo" nababahalang bulong nito sa kaibigan, pero nang makita niya ang ginawa nito kanina, pakiramdam niya ililihim nga nito ang sekreto niya. Pero hanggang kailan?

"A-ano?! Paano niya nalaman? P-parang 'di naman ah..." aniya at napabaling pa sa gawi ni Ezekiel na kausap ngayon ang ilan sa mga pulisya.

"Siguro kanina, noong kausap namin si SPO I Rogelio. P-pero nangako naman ako sa kaniya na sasabihin ko sa iba ang totoo sa tamang panahon... p-pero, Bhie... natatakot ako" Reggie's voice almost quivered.

"Mas mabuti pa't kausapin mo mamaya si Kiel, Bhie. Pagtuonan mo muna ang sarili mo ng pansin ngayon. Magpahinga ka na muna, okay? Ako na ang bahala kung sakaling may mangyayari man" Maxi assured habang mapupungay ang matang tinitignan ang kausap.

"Bhie, 'wag mo akong titigan ng ganiyan baka ma fall ako" si Reggie.

 Maxi just flinched on what Reggie said with disgust plastered on his face. "Ewan ko sayong babae ka, ginagawan mo talaga ng malisya ang pagkakaibigan natin" na siyang ikinatawa naman ni Reggie.

"Miss! Maraming salamat pala sa pagligtas kay Reggie kanina ha!" si Dheo nang matanaw ang paglapit ni Rica sa kanila. Balak na sana ni Rica na umalis nang di namamalayan kaso tinawag pa talaga siya ni Dheo. Napatingin naman sina Reggie at Maxi sa lakas ng boses ni Dheo.

"Ah... eh... wala 'yon! Niligtas niya rin kami kaya maliit na bagay lang iyong pagtulong ko" nahihiyang sambit ni Rica patungkol sa sinabi ni Dheo.

"Uy Rica, pakilala kita sa mga kaibigan ko" sabay hila ni Reggie kay Rica palapit sa kanila.

"Ahmm Rica Cristhea Sanchez nga pala. Rica nalang. Nagagalak ko kayong makilala!" pagpapakilala nito sa kanila, bago nagpakilala ang lahat sa kay Rica.

They had a little chat after. Masaya namang nakikipagusap si Rica sa kanilang lahat, lalo pa't madali lamang silang pakisamahan. It's been a while since she was surrounded with people her age. Halos matatanda na kasi kasama niya sa trabaho at palagi niyang nakakasalamuha. One time nga nakita siya ng kapitbahay nila dati na may kasama siyang matandang katrabaho, akala nila tuloy sugar daddy ko 'yon. Loko talaga 'yun si Aleng Marites.

"Uy Ezekiel! Kumusta? Anong sabi nila?" bungad ni Niño sa kaibigang kakarating lamang.

"They are still doing some investigation and it may take some time, baka dito na rin tayo magpalipas ng gabi. We'll just wait for their update tomorrow" si Ezekiel matapos nitong ibaba ang kaniyang telepono after his sudden call. Biglang napabaling si Ezekiel sa gawi ni Rica dahilan upang matuod ang dalaga sa kaniyang kinatatayuan.

"Kiel, si Rica nga pala!" masiglang pakilala ni Reggie sa kaibigan. Pinakatitigan naman ni Ezekiel ang dalaga at agad niyang napagtanto na iyon ang babaeng kausap niya sa Terminal, yung babaeng nasa information desk.

"Yeah, I met her once. Nice to see you again, Rica" si Ezekiel sabay lahad nito ng kamay sa kaniya.

Her heart immediately skips a beat ng makita ang nakalahad nitong kamay sa kaniya. Nang inangat niya ang tingin at nagtama ang mga mata nila, tila nagsimula nang magpalpitate ang puso niya sa bilis ng tibok nito, maybe because of her anticipation on shaking Ezekiel's hand. 'Di pa siya ready sa 'gantong mga opportunities.

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now