Halos hindi makagalaw si Niño sa kaniyang kinatatayuan matapos sila mag kumustahan kanina. He still can't believe that Aleah hug him, niyakap niya ako! kung dati ay sa mga magazines, TV, at billboards lang niya ito nakikita at tinitignan lang sa malayo, ngunit ngayon, ay nakakasama na niya ito. It's like sending him to the heavens already.
"we should meet more often pag nakabalik na tayo ng Manila. I could clear my sched para makapag-catch up naman tayo nina Ate Reggie at kuya Max, Niño" si Aleah.
Halos mamula na ang tenga ni Niño just thinking of the idea na magkikita sila ulit ni Aleah. Pano 'yon? Twice a month? Once a week? Puwede naman siguro MWF kundi TTh nalang. Maliligo na talaga ako araw-araw niyan.
"Niño? Niño is it okay? 'Di naman siguro kayo busy---"
"Nako! Sina ate Reggie at kuya Maxi busy palaging yung mga 'yon baka hindi sila makapunta. Pero ako, puwedeng puwede ko namang gawin ang trabaho ko sa bahay kaya anytime puwede ako, Aly, anytime, " halos mapunit na ang labi ni Niño lalo na nung nginitian din siya pabalik ng dalaga. Para na yata akong tanga kakangiti rito.
"So its settled then, i'll text you nalang kung kailan ako free" sagot naman ni Aleah na ngayon ay kasalukuyang naglalakad habang nasa likod ang mga kamay at masayang tinititigan ang kalangitan. She never felt this free before, yung puwede siyang gumala at maglakad-lakad na walang media, walang interviews, walang mga flashes ng camera.
"T-text? Bale magiging mag-textmate na t-tayo?" Hindi na magkamayaw ang puso ni Niño.
"Sure, why not" Aleah never fails to take his breath away. He didn't expect that. Parang nanghihina ang tuhod niya. Masyado yata siyang naging marupok. Ang rupok mo Niño!
"Yie! Pula-pula na ng tenga mo boi. Ganyan ka pala kiligin?" Pangaasar ni Dheo na biglang pinagitnaan ang dalawa at sabay na inakbayan ito dahilan para titigan siya ng masama ni Niño na halos murahin na nito sa kaniyang isipan.
"Hoy tol chill, biro nga lang" sabay tawa ni Dheo.
"Epal neto" bulong ni Niño habang wala namang kaide-ideya si Aleah sa nangyayari.
"Punta muna tayo sa flowershop ni Aleng Sita, ibibigay ko lang sa kaniya 'to" sabay taas ni Dheo sa isang paper bag na naglalaman ng mga buto ng halaman para itanim sa hardin nina Aleng Sita na siyang pinagkukunan nito ng paninda sa kanilang flower shop.
"Sige! It's been a while since I last met her. Dali!" Masiglang tugon ni Aleah at nauna nang naglakad sa kanila. Sumunod agad si Dheo, pero mas binilisan pa ni Niño ang kaniyang lakad at agad sumabay kay Aleah.
"Aleng Sita, heto na po ang mga inorder niyong mga buto kay Mang Jaime" bungad ni Dheo kay Sita na ngayon ay abalang nag-aayos sa mga paninda nito.
Inilibot naman ni Aleah ang kaniyang tingin sa loob ng shop, she was amazed on the variety of flowers they sell. there where tulips, daisies, carnations, sunflowers and especially different kinds of roses which is the shop's trademark.
"Salamat dito, Dheo!" si Sita. Agad namang napabaling ang atensyon ng ginang sa mga kasama ngayon ni Dheo na napapatingin din sa kaniyang mga paninda.
"Aba, sino itong mga kasama mo Dheo kay ganda't gwapo naman ng mga batang ito, aber!" sabay tayo ng ale at agad naglahad ng kamay bilang pagpapakilala.
"Ako nga pala si Sita, may-ari ng flower shop na ito, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Masiglang pagbati ng ginang na siyang ikinagulat ni Aleah at ikinatawa naman ni Niño. Parang kailan lang ay pinaghahabol sila ng ginang ng walis ting-ting noong mga bata pa sila.
"Aleng Sita, sina Aleah po iyan at Niño" biglaang pagsulpot ni Dheo sa tabi ni Sita at inakbayan pa ang ginang.
Halos mapanganga naman si Sita sa kaniyang nalaman at nabaling ulit sa mga panauhin sa kaniyang harapan.
ESTÁS LEYENDO
Our Broken Strings
Ficción General🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
