Agad naman natauhan si Reggie sa naging tanong ng kapatid at agad napabaling kay Ezekiel na nag-iwas lamang ng tingin sa kaniya. Meanwhile, Ezekiel on the other hand still can't believe that he's going to play along with Reggie's lies.
"A-ano kasi..." she stuttered.
"Mr. Cero, nariyan pala kayo" biglaang sulpot ni SPO I Rogelio sa kanilang gilid at napatingin pa ito sa kanila. Biglang nakaramdam ng kaba si Reggie sa biglaang pagdating nito. Halos pati paglunok ay nahihirapan siyang gawin dahil sa nararamdamang takot di lamang para sa sarili kundi takot baka mabunyag ang pinakatatagong sikreto niya sa harap mismo ng kaniyang mga kaibigan.
" Gusto sana naming magpasalamat sa maagarang pagtawag niyo ho sa amin. Kung hindi dahil sa inyo, hindi sana namin mahuhuli ang mga kawatang iyon. Alam niyo ho makailang beses na rin 'yan silang nambiktima ng mga bus at ninanakawan ang mga pasahero, kaya buti na lang at nahuli na rin namin sila sa wakas" masigla nitong pagsasalaysay kay Ezekiel habang tintapik-tapik pa nito ang balikat ng kausap habang malakas na tumatawa.
" Did you find the person we're looking for?" diretsahang tanong ni Ezekiel. Like hell he cares if they catch those bastards. Nay Blessy's sake is what matters to him right now.
"'Di po ba iyong matanda ang hinahanap niyo?" sabay turo nito matapos makabawi mula sa pagkakatawa.
"Hindi ho. Akala ko rin po na siya ang mamu namin kaso nakumpirma ko pong hindi siya iyon" si Reggie ng makita niya kung saan nakaturo ang pulis.
"Ah...ehh... mukhang di pala iyan ang hinahanap niyo. Di bale ho! Kasalukuyang nagsasagawa ang mga kasama ko ng operasyon sa paghahanap ng ilan sa mga sibilyang nawawala at pati na rin sa mga kasabwat ng mga suspek dahil sa nangyaring gulo kanina, baka nasama ho ang hinahanap niyo roon" saad ng SPO I kina Reggie.
" Nasa panganib ho ang mamu namin. Baka may gawin ang lalakeng iyon sa kaniya bago pa sila makarating ng Cebu." Nababahalang tugon ni Aleah. "Mamu Blessy is already old, she can't stand traveling with that guy, and now, maybe they're already on the run? Mamu's health is at stake here" dagdag pa niya.
"Huwag ho kayong mag-alala, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya, makita lang ang taong hinahanap niyo" the cop assured.
"Sir, puwede ho tumulong ang ate ko, sakatunayan nga, siya ang may hawak ng—"
"No Niño. Ako na ang bahala rito. Let Reggie rest. I'll handle it.... Officer, if you may?" Ezekiel cut Niño off, sabay muwestra niya sa daan patungo sa iilan pang kasamahan ni SPO I Rogelio.
Nakita ni Ezekiel ang nababahalang mga mata ni Reggie. Napabuntong hininga na lamang siya at inanyayahan ang pulis na mag-usap muna tungkol sa kaso ng kanilang mamu at tinanguan na lamang si Reggie bilang paalam.
"Sigurado ka ba, Kiel? Puwede naman kaming tumulong" suhestiyon pa ni Niño, subalit umiling lamang si Ezekiel. Agad iginiya ng pulis si Ezekiel papunta sa mga kasamahan din nito at doon niya ibinahagi ang mga impormasyong nasa kanila para mas lalong mapadali ang paghahanap sa kanilang mamu.
"Bakit kaya laging malalaki ang tiyan ng mga pulis" wala sa sariling tanong ni Dheo.
Napailing na lamang si Niño sa tanong nito sabay tawa. Samantalang si Reggie naman ay natuwa dahil mukhang bumalik na yata ang Dheo na kilala niya.
" Hoy Deboldo! Bilisan niyo riyan at magpapa dispidida raw si Chief sa bahay nila! Punta kayo ha!" sigaw ng isa sa mga kasamahan nitong mga pulis. Siniko naman ni Dheo si Niño.
"Talaga ba?" tanong ng kausap nitong pulis.
"Oo raw! May pa cake pa nga eh! Punta ka ha!" tugon nito.
YOU ARE READING
Our Broken Strings
General Fiction🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
Chapter 10
Start from the beginning
