"Aw I love you too, Bhie!" pabirong tugon ni Reggie sa kaibigan.

"Tigilan mo ako Reggie Faith ha! Magkaka-wrinkles na ako neto dahil diyan sa kagagahan mong babae ka!" sabay hawi nito sa kaniyang imaginary bangs.

" Ate! Don't do such reckless acts. Akala namin napano ka na, lalo na nung nagsigawan na ang mga tao sa putok ng baril sa loob ng bus!"si Aleah na ngayon ay kababalik lang mula sa pagtulong din sa ibang mga pasahero at pinagsibihan agad ang ate niya.

 Reggie just flashed her apologetic smile to her friends. She knows they were just concern about her safety but she really was indeed reckless... as always.

"Ako mismo bubogbog sa'yo ate kung uulitin mo pa 'yun!" sikmat ni Niño sa kapatid.

"Aray naman, Aleah! Biro nga lang eh!" nang tinampal ni Aleah ang braso ni Niño.

"You shouldn't joke like that, Niño! That was serious!" pangangaral pa nito sa kaibigan dahilan para matakot si Niño at agad humingi ng tawad sa sinabi sa ate niya.

"Sorry. pramis 'di na talaga to mauulit" paghingi ulit ni Reggie ng paumanhin.

"Reggie!" biglang sigaw ni Dheo na humahangos na lumapit sa kanila. Bakas sa mukha nito ang pag-alala para sa kaibigan.

"Dheo! Akala ko pa naman natakot ka—" agad naputol ang sasabihin sana ni Reggie nang biglang yumakap si Dheo sa kaniya dahilan para magulat siya sa ginawa nito.

"Sorry, Reggie... Sorry" seryosong bulong nito sa kaniya. Hindi naman mawari ngayon ang mukha ni Reggie sa gulat at pagkalito sa naging kilos ni Dheo sa kaniya.Lalo na ang paghingi ng tawad nito sa kaniya.

"Hoy, Dheo! Buhay pa ako oh! Kung makareact ka para naman akong mamamatay!" sambit niya sa kaibigan sabay tapik nito sa likod ni Dheo.

"Muntik ka na talagang mamatay, Reggie! Kaya tigilan mo kami!" singhal naman ulit sa kaniya ni Maxi.

"Ano ba 'yan, para kayong si mama!" si Reggie. Agad humiwalay si Dheo sa pagyakap at halos maluha na itong nakatingin sa kaniya.

"Hoy Dheo, baka pinaplastik mo ako riyan ha? Hmm may plano ka mamaya no? huwag kang mag-alala, sayo na yung oreo sa van" sambit ni Reggie trying to lighten the mood pero talagang seryosong nababahala talaga si Dheo sa kaniya.

 Ngumiti lamang si Dheo sa kaniya at tinulungan na lamang siya sa paggagamot sa ilang sugat na natamo.

Napabaling si Reggie kay Maxi na may gulat na expresyon sa mukha. Nakuha naman agad ni Maxi ang naging reaksyon ni Reggie and just nod and shrugged as a response.

 Maybe Dheo was genuinely concern about Reggie's safety. Well, we all are. Natural lang na mabahala para sa kaibigan. Sino ba naman ang hindi mababahala, halos saluhin na ni Reggie ang bala para magpaka-superhero lang. Gaga rin ang isang 'to, hay nako!

"Alam niyo mabuti nalang talaga at tinulungan ako ni Rica! Kung hindi baka nabaril na talaga ako ng tuluyan kanina" pagsasalaysay pa ni Reggie at binalingan ang dalaga na nakaupo sa di kalayuang monoblock katabi ng sa kaniya. Nabaling naman ang lahat kay Rica and saw the girl getting restless because of their sudden stare.

"Ay talong! Nako sorry po" paghingi ni Rica ng paumanhin sa nurse na nasagi ang ulo dahil sa dala nitong malaking backpack.

"Oy miss! Salamat sa pagligtas dito kay Reggie ha!" sigaw ni Dheo kay Rica sabay turo kay Reggie na ngayon ay nakangisi lang. 

Ikinagulat naman ng dalaga ang biglaang pagpansin ni Dheo sa kaniya dahilan ng kaniyang pagkataranta ulit.

"Ate Reggie, ano na ang balita ninyo kay Mamu" tanong ni Niño nang makabalik sila ni Ezekiel mula sa kaninang kumpulan ng mga tao. 

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now