CHAPTER 17

185 10 2
                                    

Lorenz Pov.

"Oh pag kain mo" agad ko namang kinuha sakaniya.

"Ang kalat naman dito saka madamo." Sabi niya habang pinag mamasdan ang buong garden.

"Kaya nga lilinisan natin mamaya" biglang saad ni Jin.

"Tama nayan kumain nalang tayo." Pag aawat ko.

Umupo si Troy at Kriss sa kabilang bench at kaming tatlo naman  ang nandito sa kabilang bench ako ang  nasa gitna nila jin at Jane.

Nang matapos kaming kumain ay niligpit namin ang aming pinag kainan.

"Tara na balik nalang tayo mamaya para mag linis bago tayo umuwi." Tumango naman silang lahat.

Nagsimula na kaming maglakad paalis ng garden at agad na nagtungo  papuntang room.


"Saan kayo galing" bungad samin ni Margaret ng nasa may pintuan na kami

Naka harang siya sa pinto kaya hindi kami maka daan.

"Sa labas ng school" pag sisinungaling ko.

"Nag ano naman kayo sa labas ng school" tanong niyang muli

Napapagod na akong tumayo ah gusto ko ng umupo.

"Kumain kami sa Restaurant" pag sisinungaling kong muli.

Nag iinit na ulo ko. Gusto ko na umupo pero naka harang tong si Margaret sa pinto.

Huminga ako ng malalim  para mapakalma ko ang sarili ko at baka hindi ako makapag pigil.

"Bakit hindi niyo manlang ako sinama" naka cross arm niyang tanong.

Daming tanong naiinis na talaga ako gusto ko nang umupo. Pag talaga ako hindi makapag pigil sisigawan ko to.

"Ah sorry nalimutan ka namin isama ito kasing si Jin biglang nag ayang sa Restaurant kami kumain diba Jin" pag sisinungaling naman ni Troy.

"O-oo" utal niyang sagot.

"Naalala lang kasi namin na hindi kapala namin kasama eh nung nandun na kami." Si Jane.



"Ini----" hindi naituloy ni margaret ang sasabihin niya.

"Puwede bang papasukin mo muna kami nangangalay na ako tumayo dito oh gusto ko na maupo kaya kung puwede umalis ka jan sa pintuan ng makadaan kami."sigaw kong sabi kay Margaret.

Kaya lahat ng mga kaklase namin ay napatingin samin.

Napatungo si Margaret kaya lumapit si Jane sa kaniya.

Hinawakan naman ako ni  Troy at jin sa mag kabilang balikat. Ngunit tinanggal ko din iyon at pumasok sa room ng walang pasabi at umupo sa pwesto ko.

"Anong tinitingin tingin niyo jan" sigaw ko sa mga kaklase ko ng makita ko silang nakatingin sakin.

Kaya nag iwas tingin sila sakin maliban kay Princess na nakatingin pa din sakin.


"Oh anong tinitingin tingin mo jan ha" sabi ko kay princess at inirapan niya lang ako.

Napatayo ako. "Hoy babae ka wag mo akong mairap irapan jan ha."duro ko sa kaniya.

Tumayo siya ng masama ang tingin sakin. at hinawakan naman siya ni Camille sa braso.

at tumayo din si Alexander na iniharang ang broso niya kay princess.

Wow feeling superhero ah.


Napangiti naman ako ng maangas sa kaniya.


"Bro. kung galit ka kay Margaret wag mo nang idamay si Princess."

Mag sasalita na sana ako ng unahan ako ni Troy.

"Ah guys ako na humihingi ng sorry  nabadtrip lang to pasensiya na lalo na sainyo princess at alexander sorry" hingi niya ng paumanhin.

Tumango naman si princess at Alexander at inalalayan pa niya talaga si Princess umupo ano yan may sakit para alalayan.

"Bro. maupo kana please lang"  napatingin naman ako kay kriss at umupo na ng maayos.

"Pano ba naman kasi binadtrip nung isa jan daig pa imbistigador kung mag tanong." Parinig ni Jasmine.


Kaya napatingin kami sa kaniya.

"Puwede ba Jasmine Tumahimik ka nalang." Pagpapatahimik ni jane Kay Jasmine.

"Okay" naka ngiti niyang sabi na parang nang aasar pa.


"Bro. Bakit ka biglang na badtrip ayos ka naman kanina ah." Tanong sakin ni Kriss.

"Sinong tao naman ang hindi mababadtrip non. pagkadating pa lang natin tinanong na tayo agad hindi manlang muna tayo pinapasok bago tanongin. saka daigpa niya imbistigador kung mag tanong kaya sinong hindi ma babadtrip non saka hindi na ako makapag pigil." mahabang paliwanag ko.

"Kahit na bro. Dapa----"

"Wag mo akong sabihan kung hindi uupakan kita."pag puputol ko sa sasabihin niya.

Lumapit na samin si Jane at umupo sa tabi ko.

"Sir baki---"

"Jane wag muna ituloy" pag babawal ni troy. Kaya umayos na lang ng upo si Jane.

Walang nag tangkang mag ingay sa mga kaklase ko hanggang matapos ang klase.

Kaming lima nalang ang natira dito sa room. Dahil ang mga kaklase namin ay nakauwi na.

Ayos na ako ngayon. hindi na ako badtrip.

"Sir mag lilinis pa ba tayo ng Garden.?" Napatingin naman ako kay Jane na ngayon ay nakatingin sakin at nag iintay ng isasagot ko.

"Oo mag lilinis pa tayo" mahinahon kong sabi.


Continue reading.........

MY POOR GIRL CRUSH GOING TO BE MY GIRL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon