"monica" i said as a greeting. 

[Monica's POV]

nabato ako sa kinatatayuan ko ng Makita ko si Zeke sa elevator. Of all the people, bakit siya pa? Please wag niya lang akong tanungin tungkol kay Trixie.

"kamusta?" tanong ko. Trying hard to act normal.

"eto ayos naman. Ikaw kamusta? Mukhang wala kang maayos na tulog ha."

oo wala talaga. Kasi nasa bahay si Trixie kaninang madaling araw.

Pero di yan yung sinabi ko.

"may minarathon kasi akong drama sa DVD"

Liar!

"siguro maganda yang drama na yan at kailangan pa talagang pagpuyatan"

*ting!

Pagbukas ng elevator lumabas na ko agad bago pa niya maisip na magtanong tungkol kay Trixie.

"Monica!"

ano nanaman Zeke?

Huminto ako at lumingon sa kanya.

"mukhang nagmamadali tayo ha. Saan ang lakad?"

hmmm.. Saan ba? Alagad ng mga palusot, bigyan mo naman ako ng ideya kung saan

"sorry. Magkikita kasi kami ni Seth ngayon eh. Eh late na ko. Sige Zeke ha. Ingat!" saka ako tumakbo palayo.

[Zeke's POV]

magkikita daw sila ni Seth? Eh diba sabi nun sa akin kanina busy daw siya. Di ko tuloy alam kung dahilan lang ba yung ni Seth o sadyang iniiwasan lang ako ni Monica.

"Sir Zeke, saan po tayo?"

"sa ospital"

**

pumasok ako sa kwarto ni Sir Lucio at nakitang natutulog pa siya. Umupo muna ako sa sofa habang hinihintay siyang magising. Ayoko namang gisingin siya.

Ti-nry ko ulit tawagan si Trixie pero gaya ng mga unang attempt ko, wala pa ding sumasagot. Ilang oras na lang matatapos na tong araw na to pero di pa din niya binibigay yung sagot niya sa akin.

"Zeke" sabi niya. Bakas sa boses niya yung panghihina.

Lumapit ako sa higaan niya bago tanungin kung ayos lang ba siya. Tumango naman siya para sabihing oo.

"gusto niyo daw po akong makausap?"

"Zeke. Do you know Yannie's reason for committing suicide?"

"hindi po eh. Kung alam ko man po sasabihin ko yun sa inyo"

"I know her reason that's why I want to talk to you.

Zeke, alam kong nagbibilang na lang ako ng oras. Pero ayokong umalis na miserable si Yannie. Zeke, I want to give her to the man who can make her happy"

"ano pong ibig niyong sabihin?"

"Zeke please do me a favor. Marry Yannie"

pakiramdam ko binuhos sakin ang isang drum na malamig na tubig. Oo mahal ko si Yannie but that love is not enough for me to marry her. Hanggang kapatid lang. Nothing more, nothing less.

"Sir, ask me anything wag lang po yun. Di po ako yung taong makakapagpasaya sa kanya"

"yes you are Zeke. Pumayag na siya. Ikaw na lang ang hinihintay"

"Sir--"

"bakit may iba ka bang gusto Zeke?"

kung mayroong tamang pagkakataon para umamin, ito yun.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now