Chapter 19

974 13 0
                                    

Hindi ako maagang papasok ngayon. Sasabayan ko yung usual na pasok ni Trixie. Gusto kong makita yung lagay niya.

Kinuha ko yung cellphone ko tapos nagtype

To: Trixie<3

trix, Leslie to. asan ka na? Reply ka agad. Nakitext lang ako.

maya maya nagreply naman siya agad,

From: Trixie <3

on the way na ko. Sorry Les ha. Pabigat nanaman ako. di bale may saklay naman ako e, hehe. may benefit naman pla to e. ang bilis kong nakasakay sa jeep. hintayin mo ko malapit sa bilihan ng tiket Pureza ha.

Nakuha niya pang maging masaya sa kalagayan niya.

Parang hindi ko ata kakayanin na makita siyang nakasaklay. Umalis na ko ng bahay para maabutan sya.

Kunware ako si Leslie at nakitext lang ako kasi siguradong di yun magrereply pag nalaman niyang akin yun.

Inabangan ko si Trixie sa mismong pasukan ng istasyon. Pero mas nauna sa kanya si Leslie.

Sinamaan lang ako ng tingin ni Leslie pero umalis din siya agad.

Pagkatapos nun, nakita ko agad si Trixie. Nagpapacheck ng bag niya. Ngumiti lang sya dun sa lady guard na nagcheck nung bag niya.

Nakangiti niya pero bakas sa mukha niya yung hirap na pinagdadaanan niya sa saklay na yun.

Napatingin siya sa direksyon ko kaya nawala bigla yung ngiti niya. bigla siyang nag straight face.

Umalis na sya. Parang doble na hirap at sakit na nararamdaman nya yung nararamdaman ko. Ang sakit sakit na makita yung taong mahal mona nahihirapan ng ganun pero wala kang magawa.

Buti pa si Seth. May chance siyang iparamdam kay Trixie yung presence niya

Halatang dinala muna niya si Trxie sa ospital bago siya umuwi. Kaya siguro mas pinili niya si Seth.

Trixie's Pov

nung nakita ko si Lance, ewan ko pero parang ang blangko ng pakiramdam ko.

Ganito yung feeling, para nakakita ka ng complete stranger. Syempre, di mo nga sya kilala di ba kaya emotionless ka. Haha. Nakatingin din sya sakin pero blanko din yung mukha niya.

Hindi ako ngumiti or anything. Basta dumirediretso lang ako ng lakad. For sure, yung girlfriend niyang mukhang bratz yung hinihintay niya. Iwas na lang para iwas gulo na din.

"LES!" sumigaw ako nung nakita ko sya.

"grabe. Wag ganyan nakakahiya" sabi niya sakin kasi sumigaw ako at pinagtitinginan na kami ngayon.

"kanina ka pa?" tanung ko sakanya.

"kadadating dating lang"

"kala ko pa naman kanina ka pa nandito dahil dun sa text mo. Tapos hindi ka pa nagreply sa text ko" sabi ko naman sa kanya.

"ha? Hindi naman kita tinext ah?" sabi niya sakin.

"sige ganyan ka. Natouch pa nga ako kasi nakitext ka pa para sakin"

" ha? Hindi ah. May load kaya ako. Bakit pa ko makikitext? Wait text kita ha." 

tapos nareceived ko yung text ni Leslie.

"oh anu naniniwala ka ng may load ako?"

hala e sino pala yung nagtext sakin?

"tignan mo eto yung text niya oh" pinakita ko sa kanya yung phone ko.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now