45: I PUSHED MY BEST FRIEND OFF THE BRIDGE

Start from the beginning
                                    

As days passed, I don't know but I found myself losing my passion to write. Iniwasan ko rin muna si Angeline, dahil sa tuwing nakikita ko siya makakaramdam na agad ako ng insecurities.

Like, gabi-gabi kong iniisip kung baka talagang mas magaling siya kaysa sa'kin. Na baka hindi talaga para sa'kin itong field na pinasok ko. Na baka nagsasayang na lang ako ng oras para ipagpatuloy yung nasimulan ko.

Lagi kong kinukuwestiyon ang kakayahan ko sa tuwing maalala ko siya.

"Denise! Ano ba kasing problema?! Magsalita ka naman oh. Bakit parang nilalayuan mo na 'ko? May nagawa ba 'kong masama sa'yo?" habol niya sa'kin habang papunta ako ng gym.

Hinarap ko siya. "You did nothing wrong to me. Ayaw lang muna kitang makasama..."

"H-Ha? Diretsuhin mo na nga 'ko—"

"As long as I see you... As long as I feel your presence, hindi ko alam kung bakit parang nanliliit ako sa sarili ko. I lose my confidence sa tuwing katabi kita. I'm always behind at your spotlight Angeline. Na pati pagsuporta sa'yo ipinag-dadalawang isip ko pa..." Huminga ako nang malalim. "Nai-insecure na 'ko sa'yo alam mo ba? Palaging ikaw na lang ang bida, ikaw lagi ang pinupuri, lahat-lahat nakiki-ayon sa'yo."

Hindi makapaniwala niya 'kong tinitigan. "Itatapon mo na lang yung pinagsamahan natin gano'n ba?"

"Mas gugustuhin kong itapon na lang kaysa lamunin ako ng inggit dahil sa'yo."

***

Makailang-ulit kong hinampas ang manibela ng aking kotse dahil sa mabagal na daloy ng trapiko. Napaka-accident prone talaga nitong Quirino Highway kaya hindi na rin bago sa'min na magtiis sa bigat ng traffic ngunit talaga namang may kakaiba palang hatid ang pagkakataong ito.

"WHAT THE HELL?!" Na-i-preno ko agad ang minamanehong kotse nang makita ang isang pamilyar na babaeng isinasampa ang paa sa gilid ng tulay na talagang nakaagaw ng atensyon ng mga motorista.

Tch. Papansin.

"HOY ANGELINE! BUMABA KA NGA DIYAN!" bulahaw ko at awtomatikong napalingon siya sa gawi ko.

Napatingin rin sa'kin lahat ng tao sa paligid na kinukumbinsi rin siyang bumaba. Agad ko silang hinawi hanggang sa tuluyan na 'kong makalapit sa kaniya.

Tiningnan ko pa muna ang tubig na rumaragasa sa ilalim ng tulay hanggang sa magtama ang mga paningin namin.

"Pabayaan mo na 'ko Denise. Umalis ka na rito!" naiiyak niya pang pagtakwil sa'kin. "Aalis ka o..." Nanlaki ang mga mata ko't napapitlag ang mga tao sa paligid nang lumundag siya bigla.

"PAPANSIN KA TALAGA EH 'NO? BAKIT HINDI KA NA LANG TUMALON AGAD?!"

"Sinabi ko bang pumunta ka rito? Pero nakakatuwa lang kasi may pakialam ka pa rin sa'kin..." Napangiti siya na may halong sakit. "Alam mo bang tinanggihan ko lahat ng offer na ma-i-publish lahat ng librong isinulat ko? Baka kasi bumalik tayo sa dati. Baka mawala na yung inggit mo..."

"Tigilan mo na 'to Angeline pwede ba?" naluluha kong sabi sa isiping gano'n nga ba talaga ako kahalaga sa kaniya?

"It's true that when you started to focus on your goals, you're going to lose some friends. And that's a sign of growth..." bulong niya pa sa sarili na para bang nasa hangin ang kausap niya.

"I felt damn insecurities kaya lumayo ako. Wala kang pagkakamali rito kaya bumaba ka na jan." Tila hindi niya 'ko naririnig at nagpatuloy siya sa pag-iyak.

"UMALIS NA TAYO RITO!" talagang galit na sigaw ko pa't hindi siya nakinig kaya naman lumapit ako lalo sa kaniya hanggang sa may kung anong umugong sa tenga ko't agad na nahawakan siya sa binti.

"AYAW MONG MAKINIG?! OH HETO!" nanginginig ang mga binti kong pinwersa ang sariling mai-tulak siya.

Ilang beses pa 'kong napalunok habang nakikita kung pa'no siyang hinahatid ng ere patungo sa bibig ng rumaragasang tubig.

I squeezed my eyes shut, biting my lip.

Nagkakagulo ang mga tao sa paligid, may nagsisigawan, humihingi ng tulong at may ibang napapamura pa.

Wala na 'kong nakitang bakas ng katawan niya't agad akong nanghina dahil sa ibayong sakit na nararamdaman ko hanggang sa lamunin ako ng dilim.

***

"D-Denise..." Mabigat kong iminulat ang mga mata habang dinadama ang hapding tila humihiwa ng ulo ko.

Agad na dumapo ang tingin ko kay Angeline na naka-upo sa wheel chair, may suot siyang neck brace ngunit hindi 'yon alintana upang gawaran niya 'ko ng ngiting nagpapalakas ng aking loob.

Araw-araw siyang nagpupunta rito upang makipag-kuwentuhan sa'kin ng kung anu-anong bagay na masaya naming naranasang dalawa.

Isang buwan raw akong nawalan ng malay kaya't laking pasasalamat niya nang malamang gising na ako.

Masayang-masaya akong nakikitang nakaka-recover na siya mula sa mga severe injuries na kaniyang natamo mula sa pagkakahulog niya sa tulay.

"Denise, may ginawa akong story no'ng hindi ka pa nagkakamalay..." balita niya habang ini-aabot ang isang simpleng notebook.

Hirap man ang mga bibig kong makapagsalita nang mabilis ay isa-isa 'kong binigkas ang mga unang katagang nakasulat.

"I... PUSHED... M-MY... BEST FRIEND... OFF THE... BRIDGE." Tila hinuhugot pataas ang hininga ko ngunit hindi ko 'yon ipinahalata sa kaniya.

Nagpatuloy ako't unti-unting bumabalik yung mga araw na una kaming nagkasama. Hindi ko mapigilang mapaluha habang inaalala yung masasakit na pangyayari nang makaramdam ako ng inggit sa kaniya.

Nang ibalik ko ang paningin kay Angeline ay humahagulhol na siya't kaya napatawa ako nang biglang kumabog nang mabilis ang puso ko.

Gumuguhit ang hapdi sa ulo't dibdib ko na parang isang maling galaw ko lang ay maaari akong malagutan ng hininga.

Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

"NURSE!" sigaw niya't maya-maya lang ay pumasok ang isang doktor sa kwarto ko.

Ibinalik ko ang tingin sa notebook. "I thought... that is the end of me... A mulfunctioning ten-wheeler truck was approaching... Ilang segundo lang... ay maaari kaming durugin niyon... Bababa pa sana ako... nang itulak ako ni Denise."

Nanumbalik sa isip ko yung malakas na ugong na aking narinig ng araw na 'yon. Marami ring nasugatan dahil inararo kami ng nasabing truck.

"DENISE!" Isa-isang rumesponde ang mga doktor at nurse dahil nagsimula ng manginig ang buong katawan ko.

I may not be a perfect friend for her pero natatakot akong mawalan ng kaibigang kagaya niya dahil bihira na lang makakita ng totoo't masasandigan sa lahat ng problema.

"Thank you..." walang boses kong sabi kay Angeline na hindi magkamayaw sa kakatingin ng lagay ko.

But I gave my everything to keep myself going pero hindi na nga yata talaga kaya ng katawan ko...

A tear invades from my eyes before everything went blank.

I pushed my best friend off the bridge from the thought she'll have greater chance to survive.

I pushed her off the bridge because I'm afraid to be left.

I pushed her to keep her alive.

Little did I know, I'll just leave her again in the end, parting our ways and bid her

"Goodbye."

PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro
Photo credits to the real owner.

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesWhere stories live. Discover now