05: PASHNEA

16 3 0
                                    

I'm busy watching Encantadia when my phone beeped suddenly, I checked if I got any messages then there's one.

"Nicole, birthday ni Ron bukas imbitado tayo!" text message ni Lean sa'kin, bestfriend ko.

Hala, nawala sa isip kong birthday na pala ng ultimate crush ko bukas.

Tumingin-tingin pa 'ko sa screen ng TV dahil mababasa na ni Pirena yung sulat na itinago ni Gurna sa kaniya. Wrong timing naman kasi 'tong kaibigan ko.

"Hoy! Pupunta ka pa ba? Bilisan mo hintayin kita dito sa bahay. Mag-mask at face shield ka!" text niya na naman kinaumagahan dahil hindi na 'ko nakapag-reply kagabi dahil tutok ako sa panonood.

Suot ang floral heaven top at skater skirt, nagpahatid na ako kay papa papunta sa bahay nina Lean. Medyo nagulo pa nang bahagya ang aking buhok dahil sa malakas na hanging sinasalubong ko sa loob ng tricycle. May travel pass naman na kami, mabilis naagapan ni papa dahil konsehal siya sa aming baranggay.

"Lakas ng porma mo ah, mukhang ika-crushback ka na ni Ron niyan," masayang bati ng kaibigan ko nang makapasok ako sa gate nila.

Agad rin kaming nakarating sa bahay nina Ron, nang sunduin kami ng ilan pa naming mga kaklaseng imbitado rin sa 19th Birthday niya. Maraming mga tao na ngayo'y abala na sa pagkain.

Naghurimintado bigla ang puso ko nang magtama ang mga paningin naming dalawa. Lalong lumakas ang karisma niya sa suot na white polo na long sleeves na tinupi hanggang siko, naka-maong pants at topsider na sapatos.

"Nicole?" Halos matulala ako sa hitsura niya na naputol lamang nang tawagin niya 'ko. Mahiya-hiya akong bumati, "H-Hi Ron! Happy Birthday sa'yo!"

Nagpakawala siya ng ngiting kay sarap sa paningin. May nag-abot pa ng regalo sa kaniya kaya bigla kong naalalang wala pala akong maibibigay. Shet nawala sa isip ko.

"Uhhmmm, pasensya na Ron. Wala akong regalo k-kasi... naiwanan ko kanina sa tricycle ni papa," pagdadahilan ko na lang para hindi nakakahiya.

"Be my gift then," diretso niyang sabi, dahilan para tumambling ang damdamin ko.

"H-Ha?" maangan kong tanong ngunit hindi na niya ako sinagot, sa halip ay hinapit niya ang baywang ko para alalayan akong maglakad papasok sa bahay nila.

Grabe, ayokong mag-assume pero talagang mapapaisip ka talaga sa mga gestures niya. Pero hindi ko maitatangging nakakilig palang makalapit nang ganito sa taong gusto mo.

Pinaupo niya ako sa dining room nila, hindi naman ako makatanggi dahil pinilit na rin ako ng mommy niyang pumunta rito. "What do you want to eat?"

"Teka, nakakain ka na rin ba?" tanong ko, umiling naman siya, "Kaya nga dito kita dinala e, para sabay tayo."

Halos mapatakip ako ng mukha dahil pakiramdam ko'y namumula na 'ko. Shet, bakit siya ganiyan?

"Ang sarap magluto ng mommy niya 'no?" wika ni Lean habang patuloy sa pagkain ng baked mac. Saktong dating niya'y siya ring alis ni Ron dahil may mga bisita pang nagsidatingan upang i-entertain ang mga ito.

Lumingon-lingon pa 'ko sa paligid para walang makarinig sa sasabihin ko, "Masarap ba? Ang tabang nga e, wala akong malasahan."

"Masarap kaya, pati yung cake tikman mo sakto lang yung tamis." Isinubo ko rin yung mocha cake sa plate ko pero wala talaga akong nalasahan.

"Matabang naman e..." Napuno ng pagtataka ang mukha niya sabay spray ng pabango sa palapulsuhan at pinaamoy sa'kin.

"Walang amoy," saad ko.

Maya-maya'y dumating si Ron at lumapit sa'min. "May problema ba?"

"Si Nicole kasi, walang malasahan, wala ring pang-amoy," malakas na sabi ni Lean at nanlaki agad ang mata ng mga tao sa paligid.

Halos mamutla si Ron sa narinig. "Shit," iyon na lang ang kaniyang nasabi at agad na tumayo para ipaalam sa mommy niya.

Lumapit sa amin ang mommy niya at nginitian niya kami, "Anak..." baling niya kay Ron, "Magpa-isolate na rin tayo, kahapon pa rin ako walang panlasa, si Marites na kasambahay natin talaga ang nagluto."

PASHNEA!

PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesWhere stories live. Discover now