19: WALANG AGAWAN NG ASAWA

10 2 0
                                    

"Lintek, ang sinabi ko ipasa niyo sa una bakit nagsisitayuan kayo? I'll announce your scores later, huwag kayong atat!" Lalo kaming nagkandarapa sa pagpapasa ng mga exam papers namin sa unahan dahil sa mataray naming teacher na si Miss Shilva.

Sa bagay, kahit naman hindi siya magsalita, sa aura pa lang, alam mong maldita na talaga.

May PTA Meeting rin kasi mamaya kaya naman talagang pinagmamadali niya kami.

"Who checked Kairuz' paper?" strikta niyang tanong. May mali kaya akong check? Sa tingin ko wala naman.

"Corrected by: AsawaNiKnightVelasquezxoxo. Ganiyan ba ang turo sa inyo nung mga nakaraang taon?! Ha?! Ang dami niyong alam! At si Knight pa talaga! Kung sino man itong bruhildang nag-check, makikitayo!"

Manginig-nginig akong tumayo sabay takot na tumingin sa kumukulong hitsura niya.

"Ma'am wala naman po akong maling check diba?"

"Miss Leanne, yung problema ko is yung code name na ginamit mo!" Lumapit pa siya sa'kin dahilan para mangatog lalo ang mga tuhod ko. Napatingin ako sa may bintana at laking gulat kong naroon na pala si Mama.

***
Nakita ko kung paanong gumuhit sa mukha ng aking anak ang takot. Bwisit talaga itong si Shilva. Kahit kailan hindi na nagbago, pati estudyante pinapatulan.

"Wala kang karapatang gamitin si 'Knight'!" sigaw pa niya kaya lalo siyang nagmukhang tanga.

Sukbit ang handbag at suot ang aking branded stiletto ay taas-noo akong pumasok sa classroom ng anak ko nang walang pag-aalinlangan.

"Not my daughter, you bitch!" Saktong pagkakasabi no'n ay hinigit ko ang braso niya sabay hablot ng test paper niyang hawak.

"Oh, Jeandhel. Long time no see, wala man lang pasabi na susugod ka pala rito..." Hinawakan niya ang kamay ko't padaskol itong inalis sa braso niya. "Wala ka ba talagang respeto? Teacher ako ng paaralang ito, hindi ka ba talaga naturuan ng nanay mo kung paanong gumalang?"

"Naturuan naman ako ng nanay ko, nga lang mapili ako e. Mahihirapan yata akong bigyang respeto ang kagaya mong pangit na nga, pangit pa ang ugali. Ano naman sa'yo kung iyon ang ginamit ng anak ko? Bakit? Iyo ba si Knight Velasquez? Sa hitsura mong 'yan? Bibig na tinubuan ng mukha?!"

Tumaas lalo ang kilay niya, natatawa ako sa reaksyon niya't hindi ko na namalayang sasampalin na pala niya ako ngunit kaagad ko iyong kinabig papunta sa pisngi niya.

"Sampal mo, balik sa'yo."

"Shit. Akin lang si Knight!" Sigaw pa niya lalo, kaya naaamoy ko na ang mabaho niyang hininga.

"Hindi nga? Baka magpakamatay ka kapag nalaman mong sa'kin siya?"

"Tanga, hindi naman siya nag-e-exist!" Napahalakhak ako sa isinagot niya. "E bakit ganiyan ka makapag-react? Pati anak ko papatulan mo sa mga kahibangan mo? Sa bagay, kung pinanganak ka ng baliw, hanggang sa pagtanda dala-dala mo na 'yan."

Walang ano-ano'y nahaltak niya na agad ang rebonded kong buhok, walang mapaglagyan ang gigil sa sistema niya. Teacher nga ba itong kaharap ko?

"Fight! Fight! Pusta ako sa nanay ni Leanne, maganda e."

Naghihiyawan na ang ilang mga estudyante sa paligid na animo'y nanonood ng sabong. Wala akong pakialam, ang mahalaga sa'kin ay hindi maapakan ang ego ng anak ko.

"Huwag mo kong kinakanti, highschool pa lang alam mo na kung paano ako magalit!" Halos mabingi ako sa matitinis niyang galaiti.

Pinanggigilan ko rin ang buhok niya't tinulak siya pababa, dahilan para bumagsak siya sa sahig. "Galit ka na niyan?" Sa sinabi kong iyon ay mas nagngitngit siya sa galit.

"Gosh, you're fucking crazy as hell! Nag-evolve ka na rin pala after so many years," dagdag ko pa.

"Nagkamali ka ng taong sinugod!"

"Kahit bugbugin mo pa 'ko, at the end of the day, may Knight Velasquez akong kasama sa kwarto," nakangiti kong sabi hanggang sa maramdaman ko na lang ang hapdi sa'king mukha dahil sa lakas ng sampal niya.

Nagkukumuwala ako sa pagkakasabunot sa'kin nang biglang nanahimik ang buong klase.

"Daddy..." Halos huminto ang mundo ko nang tignan kung sino yung pumasok.

"V-Vest..." tangi kong usal habang pilit na inaalis ang kamay ni Shilva sa buhok ko.

Naramdaman ko na lang na pumagitna na siya sa'ming dalawa hanggang sa magkanda-ugaga siya kakatingin sa aking mukha.

"What the hell is this?" bulong niya habang inaayos ang buhok ko.

Tinignan ko nang masama si Shilva na ngayo'y nag-aayos na ng sarili saka malagkit na tinignan ang asawa ko.

"Sinisigaw-sigawan niya ang anak natin Hon, parang big deal sa kaniya na si 'Knight Velasquez' yung ginamit na codename ni Leanne sa pag-che-check ng papel ng kaklase niya," natutuliro kong sabi.

"How immature was that..." Bumaling siya sa anak namin hanggang sa ilapat niya ang tingin kay Shilva.

"Ang gwapo pala ng asawa mo oh, mala-Knight Velasquez nga..."

"Oh tapos aagawin niyo po?" sabat ni Leanne kaya napatawa ako nang wala sa oras.

"Don't worry I belong to your Mom and I love you both. Your teacher can't agaw-agaw me from her." Nakakabaliw niyang sabi sa'kin kaya nahampas ko na lang ang malaki niyang braso.

"Conyo mo talaga," mahinhin kong sabi sabay matalim na tinignan si Shilva.

"You two have to stop, nakakahiyang mga estudyante pa mismo ang mga nakakakita. Miss Shilva, we came here for a meeting not for a scandal."

"I-I'm sorry mister..."

"By the way, my truck's ready for our dinner Hon," biglang bulong sa'kin ni Vest na kaagad nakapagpanindig ng mga balahibo ko.

"Hoy yung bibig mo," puna ko na lang saka lumapit kay Shilva. Ang sama talaga ng hitsura niya sa malapitan.

Tinapik ko ang balikat niya't inayos ang sabog-sabog niyang buhok.

"Sabi ko naman sa'yo Shilva, masama ang mang-agaw. Pinapaalalahanan lang kita ngayon, tandaan mo..." Humalukipkip ako't tinaasan siya ng kilay, "Akin lang ang asawa ko."

"Edi sa'yo na!" Pananaray pa niya kaya't dinuro ko siya sa mukha. Ang lakas ng loob, aanga-anga naman. Bigla tuloy akong may naalala.

"Huwag mo akong mataray-tarayan jan, nakita kita sa mall, tinulak mo yung pull."

Lecheng teacher talaga 'to.

PLAGIARISM IS A CRIME. 
@jay.destro

That Golden Boy: Collection of Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon