23

37.7K 2K 918
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

"So ang sinasabi mo sa akin ay inalok mo lang ng kape ang pangit na 'to tapos pumatol ka na? My ghad, bakla! Hindi ko sukat akalain na magagawa mo akong traydurin. Paano mo nagawang makipag-kangkangan sa kalaban, Lotte? Kinulang ka ba ng itatanim na patatas kaya pinatos mo na siya?

Sa kadaming otoko doonez sa bayan diyan ka talaga sa follower ng yawa nagpakamot ng landi? Alam kong tigang na tigang ka na pero bakit siya?! I'm so disappointed with you, Rapunzel. Puputulin ko na iyang buhok mo, masyado ng mahaba."

"But mother Gothel..."

Itinaas ko ang aking kamay sa kanyang mukha.

"Stop, stop in the name of love. Huwag ka ng magdahilan pa, Sanchay. Huwag na huwag kang babalik sa pamilya natin kapag nabuntis ka ni Dao Ming Si. Binalaan na kita. Si Mei Zuo lang ang para sa'yo!"

Maarte siyang napatakip ng bibig at tila naiiyak akong tiningnan.

"Pero, ina! Ama, tulungan niyo naman ako." Nilingon niya si bossing na tahimik lang na nanonood sa aming dalawa at saka hinila ang dulo ng suot-suot nitong t-shirt.

"Makinig ka nalang sa nanay mo, Chuckie." Ang seryosong sabi ni bossing kay Charlotte at saka marahas na tinanggal ang kamay nitong nakakapit sa kanyng t-shirt at pinagpagan.

"Hoy, grabe ka sa nanay! Ke-ganda ng lahi ko tas iyan lang ilalabas ng aking puke? Tapos ikaw pa ang ama? Ayoko nga!" Napapadyak ako saka humalukipkip. Inirapan ko rin sila. Chour! Attitude ka, sis?!

Malakas akong hinampas ni Charlotte kamuntikan pa akong matumba. Mabuti nalang at nakakapit ako sa upuan. "Ang arte mo naman, bakla! Grasya na nga ang lumalapit tinatanggihan mo pa."

Kinuha ko rin iyong banga sa gilid ko at hinampas iyon sa kanya hanggang sa mawalan siya ng malay. Charot. "Grasya? Iyan?" Tinuro ko pa ang mukha ni bossing. "Tinalsikan ba ng gata ni Gavin iyang eyesight mo at wit ka ng nakaka-sight ng maayos? Hindi mo ba nakikita ang mga sungay ng lalaking 'yan, bakla ka. Magsimba ka rin kasi paminsan-minsan."

Inis na hinawi ni bossing ang kamay kong nakaduro sa kanyang mukha.

"Ikaw pa talaga ang may ganang umayaw? Hoy! Pasalamat ka nga at natiis kitang pakasalan. Alam mo bang madami ang naghahabol sa mukhang 'to?!"

Ha! Ano daw? Malakas akong humalakhak sa mukha niya. Naalala kong hindi pa pala ako nag-toothbrush ng magtakip siya ng ilong.

"Oo, madami nga. Mukha ka kasing criminal." Ang sagot ko sa kanya saka siya pinasadahan ng tinging mapanghusga.

"You-" Akmang susugurin niya ako pero mabilis siyang napigilan ni Charlotte.

Nginisihan ko muna siya bago tinalikuran. Wala naman akong pake kung kay Gavin nakahanap ng kaligayan ang baklang si Charlotte. Pero sa oras na sinaktan ng babaerong Gavin na 'yon ang baklitang si Charlotte sisiguraduhin kong pagsisisihan niya talagang may itlog pa siya.

Pumunta ako sa kwarto namin para tingnan ang kyotang si Frank. Nadatnan ko siya doong nakatulala sa kawalan habang nakahiga.

Tumabi ako sa kanya saka siya niyakap at pinugpog ng halik. "Good morning, baby ko. Ang bango-bango naman ng junakis kong ito. Amoy ihi."

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon