"Synda!" naparolyo ako ng aking mga mata nang marinig na naman ang tawag ni Auntie. Napabalik ako sa aking dinaanan at nakita siyang nakahawak na ng toothbrush. "Wala ka bang balak magsipilyo?" tanong n'ya.
Napatingin ako nang mataimtim sa kanya at napaisip, kailangan ko pa ba talagang mag-toothbrush? "Sabi pa ng ommercial sa Colgate, three times a day dapat magsipilyo," pagpapaalala n'ya.
"P-pero, late na po ako."
Inilapag n'ya sa may mesa ang kanyang sipilyo tsaka lumapit sa 'kin. Napaatras naman ako dahil kita kong babatukan na naman ako nito. I have the sense - assumesense. I can forsee the future... like her forehead.
"At anong nirarason-rason mo? Aber?"
Ayan na. Ayan na. Papalapit na ang katapusan ko.
"Sinda!" sigaw n'ya at ayan, hudyat na ng end of the world.
Ang bango ng hininga.
"Three times a day lang po, a. Hindi naman po sinabing after every meal. E, mamaya po tatatluhin ko na po," napayukong sabi ko.
"At anong kagaguhan 'yan?"
Napatakbo ako dahil hampas na talaga ang abot ko.
"Paalam na po! Good bye, Philippines!"
Ngiti ang isinukli ko, ngiting-matagumpay.
***
Tahimik akong naglalakad sa hallyway ng university. Tahimik pero abalang-abala sa pakikipagngitian sa mga gwapong nadadaanan. Like hey, who doesn't want a handsome man?
Napatigil ako sa harap ng classroom namin lalo na nang makita ang hinayupak na mukha ng lalaking iniwas-iwasan ko. "Good morning Error," sabi niya pa.
I rolled my eyes at itinulak siya, "Walang good sa umaga ko, Puberty. Hmp!"
"Grabe," he teased while following me "ikaw ata ang mayroon ngayon, a. Tama ba ako?" ngiting-ngiting sagot n'ya.
Umupo ako sa pinakadulong bahagi ng row at inayos ang mga notebook ko.
"Uy, hindi namamansin. Mayro'n nga," he laughed.
Gago 'to, a.
"Aray!" HInampas ko nga.
"Serves you right."
Hinimas-himas n'ya 'to tsaka bumaling ulit sa 'kin. "Sakit no'n, a! Ikaw batukan ko, e."
"Try me," now it's my turn to tease him. "Puberty stage."
"Ah, gano'n.."
Minsan natatakot ako sa mga banta n'ya pero madalas natatawa nalang ako dahil kadalasan palpak. Once, he told me na tatapunan niya ako ng itlog then at the end of the day, siya naman pala ang matatapunan. Gunggong kasi e, instead of sending me the message, ang sikat na presidente pa ng class ang nasend-an n'ya. Wrong sent!
Natatawa talaga ako kapag naaalala 'yon, sobrang katangahan talaga ang pinairal ng taong 'to.
"Like I'm super scared," umakto pa akong natatakot pero nang tumayo s'ya tsaka naman dumating ang professor namin.
"Humanda ka mamaya," sabi niya sabay eye-to-eye sa 'kin.
I'm scared. I mouthed him sabay hagikgik. If I know, palpak na naman 'yan.
The class started and it went on with a blur. Minsan boring talaga ang class namin sa Philosophy nevertheless, marami naman akong natututunan... at isa na do'n ang maging pilosopo.
I was known for my corny jokes, while I knew people because they laugh at my jokes and then tsaka nila sinasabing hindi raw nakakatawa. Like who doesn't know what a joke means, it means "funny" so effective pala ang jokes ko.
Natapos ang klase at lumabas na ako ng room para maghintay sa next schedule.
Kinuha ko sa may bag ko ang COR tsaka tinignan ang next class. Math 1. Gosh, math na naman. Nerve-wrecking.
"So..." napahinto ako sa narinig ko. Nakasandal siya sa dingding sa gilid ng room. Wow, hinintay pa ako ng mokong.
Ibinalik ko sa bag ang dala kong COR tsaka napacross-arms na nakatingin sa kanya.
"And so?" napataas ang isa kong kilay. "Magpapahiya ka na naman?" I smirked.
Sa tanang buhay ko, s'ya lamang ang taong naglakas-loob na lumapit sa 'kin at asarin ako. Akala n'ya siguro uurungan ko s'ya e sa hindi uso sa 'kin ang umurong. Laban lang kung laban. Naka-Enervon C kaya ako.
"Akala mo lang 'yon," tawa n'ya.
"So, anong gagawin mo?" tanong ko tsaka inilabas sa bag ang pen at notebook ko.
"A-anong ginagawa mo?"
"Naglilista." I saw how shocked he was. "Baka pumalpak ka na naman. Ililista ko lang. Checklist kumbaga."
"A-ano?" iritadong sagot n'ya.
I tell you, ako ang mananalo dito. The nerves of this man.
"Come on, sabihin mo na. Nakalagay na ang 1st bullet ko, o." I smilingly said. Siya naman seryosong-seryoso na tinitignan ako. Lumapit s'ya sa 'kin kaya habanag lumalaput s'ya ay napapaatras ako. "And what are you planning to do?"
Nanginginig man ang kaloob-looban, mahigpit pa rin ang hawak ko sa ballpen at notebook ko.
Naramdaman ko na ang malamig na dingding sa may likuran ko.
Goodness, what was he trying to do?
"Ano ang gagawin ko?" Ikinulong n'ya ako gamit ang dalawang bisig n'ya. Nakatapak sa magkailang gilid ko ang mga palad n'ya. He smirked. "Hahalikan ka."
Lumaki ang mga mata ko.
Ang kapal ng labi ng taong 'to.
"Walang'ya ka!" Hinampas ko siya ng dala kong notebook nang paulit-ulit, and for the final touch, kick his balls!
"A-aray! Nakakadalawa ka na, a! S-syntax!" sigaw n'ya nang makatakbo na ako. Pero bago pa man ako nakalayo, hinarap ko siya ulit sabay sigaw ng:
"Only Belo touches my lips, you douchbag! Ble!"
Natatawa akong tumatakbo habang nagfa-flashback ang itsura n'yang napaimpit sa sakit.
YOU ARE READING
Syntax Chever
Random{ filipino } Si Syntax ang pinakamaganda sa lahat. May sapak ang hindi maniniwala.
