syntax-03

47 6 2
                                        

Thanks, Que. Natawa ka, a? Haha.

—x

"Lalalalalaaaa." Rinig na rinig ko ang boses kong kasingganda ng mukha ni Anne Curtis na binudbod ng maraming make-up kaya ang ending e napasobrahan at pumangit.

"Anong oras na, Synda? At bakit ngayon ka lang nagdilig ng halaman?" tanong ni Auntie sa 'kin nang makalabas na siya ng bahay. Hawak ko ngayon ang hose na ilang metro lang ang haba, mga 10 meters, 5 or 15. Ay leche! Ayoko nang magbilang, nakakadugo ng pwet sa hirap.

Nginitian ko lang siya tsaka hinawi ang aking buhok na para bang ang lakas ng hangin. "Yes, what is it?" tanong ko tapos nagblink ng tatlong beses.

Tumaas ang kanyang kilay tsaka mas mabilis pa sa alas-otso ang pagkarehistro ng kanyang tanong sa aking utak. "A-e, pasensya na Auntie at nabingi ako saglit," pagsisimula ko sabay iwan sa hose at dumiretsong naglakad papasok ng bahay.

"Teka!" pagpipigil niya "At saan ka namang patungo?" nakataas-kilay pa rin niyang tanong.

Talaga 'tong si Auntie, hindi ko alam kung saan pinaglihi - kung sa anorexic na balyena ba o sa nagmemenopause ng butiki. Ang hirap kasi ispelengin, minsan okay tapos bukas makalawa, hindi na naman. Pero 'yong taas-kilay powers n'ya talaga, hindi mawawala - para bang superpower niya na no'ng bata pa siya. I wonder kung no'ng bata pa siya, gano'n ang itsura n'ya nang kuhanin siya ng nurse. Tumili ba sila o natawa?

"At anong gagawin mo do'n sa loob?" tanong n'ya.

"Titignan ang oras," sagot ko tsaka patuloy na naglakad patungong loob.

Agad kong naramdaman ang kanyang limang-kilong kamay sa aking ulo. "A-aray ko ho!"

"Aba kang bata ka, ang tinanong ko ay kung ba't ka nagdidilig? Minsan tanga ka rin, ano?"

Aba, tinawag pa akong tanga.

"A-e, kakasabi n'yo lang anong oras na e," sagot ko habang hinihimas ang aking precious ulo. Hay nako, baka lalong bumaba IQ ko nito.

Napabuntung-hininga s'ya tsaka nakapamewang.

Isa pa 'yan sa mga gawain n'ya. Pamewang pa more! #AkalaBagayHindiNaman

"Ayusin mo na 'yang pagdidilig mo, Synda. Aalis na muna ako at maghahanap ng pera," sabi niya tsaka naglakad.

Sinundan ko siya ng tingin na para bang CSI na sinisiyasat ang damit n'ya na kay iksi na parang isang daliri lang ang pagitan mula sa kanyang maitim na pwet na konting galaw lang ay kita na.

For sure, 'edi wow!' na ang masasabi ng mga customer n'ya.

Minsan parang tanga rin 'tong si Auntie. Hindi nakokontento sa karelasyon niyang Arabo, naghahanap pa ng ibang lahi. Aba, ano nalang ang itsura ng anak nito, hybrid ng mga foreigner? Astig, a. Baka maging kamukha na 'yan ng takong ni Barbie imbis na maging kamukha ni Barbie.

Napahilot na lang ako sa aking sintido.

"Lalalala," ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagdidilig at hinayaan ang hangin na dalhin ang aking magandang boses. "Ano ba ang mayroon sila, na hindi matatagpuan..."

"Ganda ng boses, a," bigla akong napatigil nang biglang marinig ko na naman ang boses ng lalaking akala ay si Belo.

Kahit madilim ay naaaninag ko naman ang kanyang nakakabwisit na mukha na pumapasok sa aming gate.

"Aba, trespassing ka, a!" sigaw ko.

"E alam mo ba ang ibig sabihin ng trespassing?" tanong n'ya at natawa nang umabot nalang ng dalawang minuto at hindi ako nakasagot. "Hindi naman pala, e. Kaya pwede akong maglabas-masok lalo na ngayong wala ang Tita mo," sagot n'ya na parang nagbabanta.

"Correction, Auntie hindi Tita. Sosyal mo naman," tawa ko.

"Sinisira mo mood, a. Nagpapapogi points ako, e. Tapos ikaw, ayaw. Sabihin mo nalang kasing you like me parang 'I like you too' ang sagot ko." Nakakangitngit na siya minsan, nagdidilim na ang paningin ko. Mas madilim pa sa gabing 'to.

"Aba, hangin, a!"

"Kung magiging hangin lang ako, at magugustuhan mo. Okay na okay," kumindat pa siya.

Yuck, parang mukha lang ni Goliath ang kausap ko.

"Mukha kang tsonggo, alam mo ba 'yon?"

"Mukha ka ring saging kaya bagay tayo."

"Walang'ya ka, a! Sa ganda kong 'to, saging? In your dreams!"

Napahawak siya sa kanyang tiyan sa sobrang pagtawa. "Grabe ang reaction mo, a. Three pages back-to-back pa."

"Gawin mo namang 1 ream para mas astig," sagot ko.

"'Yan gusto ko sa 'yo, e. Nakuha mo agad, bagay talaga tayo Error."

"'Yan lang talaga ang hindi ko magets. Umalis ka na nga at baka tagusan ka pa," sabi ko sabay talikod sa kanya para ipagpatuloy ang pagdidilig ko.

Hindi ko narinig ang yapak ng kanyang paa palabas kaya tumingin ako ulit sa aking likuran.

"Aba!" napamura ako ng palihim dahil ang baho!

"Grabe ka naman, ang baho! Umutot ka 'no?" tanong ko nang paputul-putol dahil hindi ko nakayanan ang atomic bmomb n'ya. Grabe naman 'to magpasabog, ang intense!

Ang lakas ng halakhak n'ya na parang aabot na sa kabilang barangay sa sobrang lakas. "May utot bang mabango?" tanong n'ya.

"Pakialam ko! Umalis ka na nga! Ang b-baho, grabe! Ugh!" pagrereklamo ko. Nabitawan ko ang hose tsaka ni-lock ang gate. Nakakainis, grabe! Bubuga pa ng masamang hangin, dito pa. Grabe naman ang taong 'to.

"Error!" tawag n'ya.

"Ano na naman!" sigaw na tanong ko. Tinapunan ko s'ya nang napakasamang tingin. Walang'ya 'tong taong 'to, wala man lang respeto sa pagkatao ko. Walang kahihiyan!

"Kailangan mo talagang magpasalamat sa 'kin," ngiti n'ya.

"At sa tingin mo kailangan ko pang mag-thank you pagkatapos ang napakabaho mong atomic bomb?" sigaw ko.

Napatawa na naman siya nang malakas. Walang-sawa talaga 'tong matawa.

"Nakabenepisyo ang mga tanim sa 'kin. Carbon dioxide ang ibinuga ko, Error. Kailangan nila 'yon," sabi n'ya tsaka naglakad palayo. "Bye, babe."

"Chupe! Wala akong pakialam sa carbon-ara mo! Che!" sigaw ko sabay tapon no'ng kinuha kong maliit na bato.

"Hindi target. Haha!" tawa niya.

Nakakainis ang lalaking 'yon. Bukas bibili talaga ako ng vodoo doll at ipapakulam ko siya. Nakakainis na, a. Umabot na talaga ako sa sukdulan. Humanda kang Puberty Hubert ka, makakatikim ka ng bangis ni Syntax. Grahahaha!

Malalim ang aking iniisip pero buti at nahimasmasan na ako.

Bumalik ako sa pagdidilig ng halaman at sa aking pagmumuni-muni ay naalala ko ang kanyang sinabi. Nakakatulong ba talaga ang Carbon ano ba 'yon.. Carbon paper? Carbon something.

"Carbon. CO2 ata 'yon, a. Oxygen, nilalabas ng halaman para sa tao. CO2, nilalabas ng tao para sa halaman," alala ko sa aming leksyon no'ng elementarya.

Ni-off ko na ang hose tsaka inayos ang pagkakaayos nito. Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa aking tiyan kaya lumapit ako sa mga halaman at inisa-isa ko 'tong inilabas.

Baka effective 'to. Sabi ko sa aking sarili tsaka napangiti. Ang ganda rin pala sa pakiramdam mailabas ang masasamang hangin sa loob mo. Masarap pa sa pakiramdam, natulungan mo pa si Mother Nature. Kering-keri na.

Pinapag ko ang aking damit tsaka nag-ayos sa aking cat walk papasok sa loob ng bahay. Bumuntung-hininga ako tsaka ngumiti.

"Napatunayan ko na namang may pag-asa pa ang aking IQ. Pangmiss U na 'tong ginawa ko, o. Saving mother Earth," sabi ko tsaka tumawa ng mahina.

Tomorrow, I shall do the same thing. Save plants, save everyone.

Syntax CheverWhere stories live. Discover now