Kung anong kabaliwan ang pumasok sa kukote ng taong nagsusulat nito, aba hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung anong klase ng bulate ang meron sa loob ng hypothalamus nito o kung meron ba talaga itong utak. Basta ang alam ko, Syntax ang pangalan ko at Chever ang surname ko. Saklap 'di ba? Pinagkaitan na ata ako ng panahon, kung kelan sana tumanda si Kris tsaka naman nagkanuknukan ng kawalangyaan 'tong pangalan ko. Tatawa siya for sure.
Background laugh please.
"Ahahaa-hahaa-hahaa. Oh my gosh, Darla. I'm gonna eat some food pa. And now I'm laughing so hard. Please tigil na," halos gusto ko nang sampalin nang paulit-ulit ang nasa loob ng telebisyon namin. Sino ba ang may ganyang klaseng tawa? Kaninong pelikula ba ang imbis na matakot ka ay matatawa ka dahil sa kanya? Ayoko na magsalita pa, baka isigaw pa ni Bimby if he can crack my egg.
Leche. I'm a girl for whoever's sake.
"Synda!" sigaw ni Tiyang na parang may megaphone na laging hawak-hawak.
Iniangat ko ang aking ulo at tinignan ang pintuan namin na inaanay na. "Bakit?" striktang tanong ko.
"Bakit mo pinagtatawanan ang TV, ha?" sigaw niya ulit.
Kung hindi ko lang alam na magkadugo kaming dalawa ay tiyak paghihinalaan ko na siyang kapatid ni Lutas Pit. Grabe kasi, binudbod na ang lahat ng foundation sa buong mukha pero nagmumukha pa ring frying pan sa rami ng mantika.
"Sagot!" halos napabalikwas ako sa aking kinauupuan sa labis na gulat.
Nakalagay ang dalawa kong palad sa aking mga tuhod, "Tiyang..."
"Ano'ng Tiyang?"
"Este, Auntie..." maarteng walang panty. "Natawa lang naman ho ako dahil nilagyan nila ng asin 'yong niluluto nila. E 'di ba po, ang asin ay para sa mga tao lamang? Hmm?" nakangiti ko pang sagot. Ang galing ko talaga!
"Aba! T-teka," panandaliang tigil n'ya tsaka nakapamewang "ano ang tingin mo kina idol, aswang?"
"Uhuh," tango ko "correction, engkanto ho."
Isang malakas na hampas ang inabot ko mula sa kanya.
"Auntie! Ang sakit ho!" pagmamaktol ko habang hawak ang aking ulo na kay perpekto. Siya naman halos nagmumukha nang pwet ng kaldero na kanina pa kumukulo sa sobrang inis.
"Ahehe, sensya na. Oo na, j-joke lang po 'yon," pangungumbinsi ko sa kanya habang ngingiti-ngiti. Ayaw ko mang tigilan ay kailangan dahil baka bugbog ang abot ko nito, sayang ang feslak at baka may ma-turn off sa 'kin mamaya. Mahirap na, kagandahang infinity, e.
"Huwag na huwag mo na 'yong uulitin, Synda kun'di kkkeekkk," huwaw naman maka-sound effects ang pamatay-leeg ni Auntie. "Naiintindihan?" sigaw niya.
"Yes, my dear," mahinahong sagot ko habang nakapikit ang aking mga mata at nagbitiw ng napakalalim na buntong-hininga. As ever, hindi pa rin siya nananalo sa ganda ko.
Chever-ness, smile.
"Ayyy! Ay na." sabat niya habang nakataas ang kamao bago siya umalis ng kwarto.
"Chaka talaga 'tong si Tiyang... amoy ihi na naman. Makapaghanda na nga lang," sabi ko sa 'king sarili nang mahina tsaka naglakad papuntang harap ng salamin para magpaganda.
Ando'n pa naman si dream boy, naghihintay, nag-aabang na makita ang mukha ko. Ang maaliwalas na mukha ko. Yiii.
Kilig na kilig kong tinapos ang aking pagde-daydream tsaka ang paliligo. Konting wisik lang, improved kagandahan na. O 'di ba, sino lang ang may ganyan? Si Syntax Chever lang.
"Dalian mo na! Late ka na!"
"Leche, always late ang magaganda. Chever pa!"
YOU ARE READING
Syntax Chever
Random{ filipino } Si Syntax ang pinakamaganda sa lahat. May sapak ang hindi maniniwala.
