syntax-04

41 7 8
                                        

Isa akong dakilang bully. 'Yong supervisor ko nga no'ng nasa OJT pa lang kami ay hindi lumilipas ang araw na hindi ko binabasag ang trip n'ya. I'm one tactless woman daw. Like duhhh, as if naman hindi ako tao. I must build my own identity just like other people does.

Pero iba ang trip ko ngayon.

Good girl, e.

"Good morning, Ma'am."

Ngiting-ngiti namang sumagot si Ma'am sa 'kin tsaka sinara ang pintuan.

Late-comer, as always.

"Late ka na naman, Miss Irur?" tanong n'ya habang nilalapag ang mga dala n'yang gamit kagaya ng libro na naka book-bind pa - hindi ata uso ang copyright infringement sa kanya; mga notebook na alam kong notes na naman ang laman (aba, syempre. Tanga lang!); lapis na mongol 2 at hindi dalawa kun'di apat; notebook na naman, libro, at suklay.

"Never been a good example, huh?" tanong n'ya ulit.

Umupo ako sa nakapangalan na ata sa 'king upuan, inayos ang aking sarili tsaka tinignan s'ya.

Nakatingin na rin sa 'min ang mga kaklase ko.

"Best example po, Ma'am."

Aakma na sana akong sumagot, e. May sumingit pa. Kamukha n'ya talaga lahat ng kulubot sa singit ng kapitbahay namin. Tss.

Kita sa mukha ng lahat na nagulat sila sa biglaang pagsagot ng isa naming kaklase. Tinignan ko siya ng makahulugang tingin - hindi tinging mapang-akit, ano ba. 'Yong tinging matatakot siya at magpapasalamat dahil isang magandang kagaya ko ang tumitig sa kanya. As if naman, gwapo. Pero gwapo naman talaga, slight lang. Ako rin, malandi, slight lang din.

"May silbi po siya," sagot ng lalaki kaya nagtaka ang professor namin.

Nakataas na ang kilay ko sa sobrang lito. Iba rin ang trip ng lalaking 'to, a.

"What use, aber?"

"She can be used as a bad example."

Kung hawak ko lang ang ballpen ko ngayon, kanina ko pa ini-shoot 'yong sa bunganga n'ya. A bad example, huh?

"Akala mo, ha."

Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilang tapunan s'ya ng notebook ng katabi ko.

"Aray!" napadaing ang lalaki.

"Uy, ano ba! Baka nasira na ang pagmumukha ni Suho do'n. Huhuhu," umiyak pa ang katabi ko. Napatayo ako at tyempo namang kukunin ko na naman sana ang isa n'ya pang notebook ay hinablot n'ya 'to. "P-pati ba naman si D.O.? Hindi ka na nakuntento?"

A-ano raw? Suho? Diba pagkain 'yon? DO? Kapatid lang ni XO?

Napailing tuloy ako. Ang mga tao talaga ngayon, kahit mga pagkain pinapangalan sa tao. Tsk.

"Miss Ir-"

Hindi ko pinatapos ang pagsasalita ni Ma'am, kinuha ko ang aking bag tsaka isinabit ang isang strap sa 'king kaliwang balikat. Ginaya ko lang ang mga istilo ng mga mukhang gwapong lalaki na nadadaanan ko. Pauso ata, e. Lumabas na ako ng room nang wala man lang paalam sa kanila.

Bahala na si Batman.

"H-hoy!" sigaw nila pero isang lingon ko lang at kumaripas na sila ng takbo pabalik.

Umirap ako sa nakita kong PDA sa gilid ko.

"Magbe-break din kayo 'no!" singhal ko

Tumigil naman sila sa paglalandian.

"Hmpf!"

Naglakad ako na para bang akin lang ang hallway, catwalk kung catwalk, e.

"A-ba, aba, Error!" tawag ng ungas. Nilagpasan ko lang s'ya at napansin kong suot n'ya pa ang bag n'ya. "Tapos na ang klase?"

"At pumasok ka pa ano?" tanong ko sa kanya.

He smiled.

"At hindi ka na nahiya 'no?"

"Hindi ka nga nahiyang maunang umuwi, o." Sagot n'ya at itinaas ang kanang palapulsuhan n'ya at pinatingin sa 'kin "Alas-nwebe y trenta pa o. Trenta minutos ka lang umupo sa upuan tapos alis agad? Dyahe, a?" ngiting-ngiti n'ya pang dagdag.

Kapal, a.

"Mukha mo. Alis na nga ako! Naaalibadbaran ako sa mukha mo," sabi ko at nagsimulang maglakad.

"Aba. Mukha pala, a."

Kanina inis ang nararamdaman ko, ngayon, halos pumutok na ako sa sobrang galit sa lalaking 'to.

"Puberty! I hhatttteeeee you!"

"Hahaha. Love you too, Error!" sigaw n'ya nang makalayo na.

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang hand sanitizer. Eww! His germs!

Alam n'yo ba ang ginawa?

Ang walang'yang 'yon! Hinalikan ako sa pisngi!

First kiss ko 'yon, a!

He stole it!

Ipapa-vodoo ko siya bukas na bukas!

Ugh! The nerves!

Syntax CheverWhere stories live. Discover now