"Nanjan pala kanina si Raj," salita ulit ni tita Salve. Mabilis akong napalingon sa kanya ang murang puso ko ay parang napupunit na naman.

"Ano po sabi?" Nagkunwari akong naghahanap ng pagkain sa loob ng ref. Napanganga pa ako ng makakita ako ng dalawang bagel at dalawang cup ng hot chocolate.

"Wala naman. Hinanap ka lang. Sinabi ko nalang na tulog kapa. Nag iwan din siya ng bagel at hot chocolate. Nanjan sa loob ng ref."

Tumango ako sa kanya.

Patuloy na naghalo si tita Salve. Kinuha ko ang phone ko para tignan ang mga messages. Unang lumabas ang message ni Raffy na inignora ko.

Tahimik kong binuksan ang messages ni Raj.

From Raj

Tulog kapa?

Papunta ako.

Sorry to missed your bagel and hot choco yesterday. I brought you double today though. Have a great day to you!

Ngumuso ako ng ilang segundo. Pinoproseso ang mensahe niya. This is the most thing I like with him. He is true to his words at napaka-thoughtful niya.

Hindi naman ako pwede kiligin dahil wala naman nakakakilig sa ginagawa niya. Siguro, kailangan kong kimkimin yung nararamdaman ko sa kanya. Na kahit ako mismo ay hindi sinasadyang maramdaman.

Unang dahilan ko na din ay alam kong hindi ako ang tipo niya. Para sa kanya ay isa lang akong bata na kailangan ng aruga at pagkalinga.

Kailangan kong intindihin ang mundo niya. Kung iyon lang ang paraan para mahawakan siya at manatili siya sa buhay ko, iignorahin ko nalang yung feelings ko. Hindi ako dapat umasa sa kanya. Una palang ay alam kong hindi niya talaga ako tipo at wala akong mapapala sa kanya. I should not put any meaning to his actions kasi para sa kanya normal lang iyon.

Sa huli, pinili ko nalang wag siyang replayan. My heart still wounded. Kahit tanggap ko iyon at aksidenteng narinig, masakit pa din.

Pagkatapos kong kumain ay binalikan ko si Alice na nakahiga na ngaun sa kama ko habang may katext.

" Done?" Bungad niya pag pasok ko. Tumango ako sa kanya. "Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sabay upo sa tabi niya.

Napaayos ng upo si Alice."Nakalimutan mo?"
Tanong niya na tila ba nalungkot at dismayado. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Alin?" Tanong kong nagtataka.

Madrama siyang umirap."So, nakalimutan mo nga na Birthday ko ngaun." Her voice is in between hurt and dismay. I was speechless! Nakalimutan ko nga!

Ngumuso ako. "Sorry, I was just busy." Sagot ko. Pilit kong kinukumbinsi si Alice na busy lang ako kaya ko iyon nakalimutan.

"This is the first time you forgot my birthday! How could you!" Dismayado pa din siya kaya napabuntong hininga nalang ako at hindi na sumagot pa.

"Anyway, pinili ko na isusuot mo."

"Ha?" Nagtatakang tanong ko. Muli, umirap si Alice na ngaun ay tila sobra na ang pagkairita.

"May party ako Gotica!" Iritado na talaga siya at tsaka ako nilayasan. Napahampas ako sa noo. Sa dami dami kong pwede kalimutan ay ang kaarawan pa ng matalik na kaibigan.

From Raj

Are you coming?

Biglang mensahe ni Raj. Coming saan? Ni isa sa mensahe niya simula kapahon ay wala akong nireplayan. Wala naman kaming usapan at imposible naman isama niya ako sa totoong mundo niya.

Nahiga ako ulit at naghintay ng oras para ayusin ang aking sarili. Alas kuatro y media na ng napagpasyahan ayusin ang sarili.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Napatitig ako sa message ni Jace. We are not talking since last year. Why would he message me now?

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now