OS-kabanata 32

1.2K 33 1
                                    

"Ayos ka lang?" Halos mapalundag ako ng kalabitin ako ni sir Brent. Kakadating ko lang sa office dahil tinapos ko ang online class ko kanina. Hindi ko namalayan na nanatili pala akong nakatayo at nakatulala.

I was busy watching the spot where Rajan is always seating and resting. The spot where he is always sitting when he was always here.

Medyo lutang pa ako dahil may exam ako na hindi nasagutan kanina. Nitong mga nakaraang araw ay medyo literal na wala ako sa sarili. Ilang beses na din akong napagalitan ni sir Brent dahil sa mga mali sa trabaho. Marahil at nagsawa na siya kaya ganito siya akin ngaun.

"Ayos lang ako-o sir.." halos mag-kandautal utal ako sa pagsagot. Umiling si sir Brent sa akin at tinuro ang sofa. Umupo siya sa pang isahan upuan at ako naman ay umupo sa katapat na upuan.

"You are not okay. Is there something wrong? And lately, I've noticed that Rajan is not showing himself here. Ano problema?" Diretsong tanong niya. Dumikwatro pa siya at tinitigan ako. I can see his genuine concern about me.

Isang bagay why I'm staying here at Ibanez. They also made me feel like I'm their friend or their family. Kahit kase malayo si sir Anton o si Bree, at times tumatawag sila para mangamusta sa opisina at ako na din syempre.

"Maliit na problema lang sir.." sagot ko sa kanya. Tumaas ang kilay sa akin ni sir Brent na tila ba hindi naniniwala sa akin.

"Maliit na problema.." inulit pa niya ang sinabi ko.

"It's doesn't look like small though. Tell me what's the problem." Sabi niya. Ngaun ay mas naging seryoso na siya at mas sinusuri na niya ako.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. I don't know if it is appropriate to tell him pero ano ba ang tama? Nahihiya ako sa nangyari sa akin. Nahihiya ako sa situation. I can't still stomach the thought that Rajan is my brother and we have a son.

It's disgusting and against the law. How could this thing happened to me again? At mas malala pa ito sa mga pinag daanan ko noon. Bakit ako binigyan ng ganitong buhay? Bakit ako nagmahal ng hindi naman dapat?

I want to blame the world for what happened to me. But then, at the end of the day. I realized that somehow, the pain that the world has given me is also the happiness I will always cherish.

"Do you know incest, sir?" Tanong ko sa kanya. Saglit na natigilan si sir Brent at tumaas ang kilay na tila ba malalim ang iniisip. Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa. He burst out into laughters kaya napakunot ang noo ko sa kanya. He continued to laugh kaya umiwas ako ng tingin. Bigla akong nahiya sa sarili.

Part of me felt offended. Here I am almost lost my sanity for fighting the battle I shouldn't be fighting. Naramdaman niya siguro ang pagtahimik ko kaya tumigil siya sa pagtawa.

"Sorry. I just remember Anton and Bree's story. You know.. the incest thingy." He said. Naging pormal na ulit siya ngaun.

Hindi pa din ako sumagot pero nakatingin na ako sa kanya. I hate the fact that he is reading me. Alam ko iyon. Sa halos isang taon ko dito ay nakilala ko na si sir Brent. He may look like not serious but he is indeed a good observer.

"You know what? Anton and Bree grew up as siblings. As in magkapatid. Magkasama sa bahay. Pinalaki ng isang magulang."salita niya. Napanganga ako sa kwento ni sir Brent.

Hindi ko alam iyon. So ano nangyare? Paano naging sila? Litong lito ako pero hindi ko maiboses ang nasa isip ko. Even if it's bothering me. Mas bother pa din ako sa situation ko ngaun.

"You know, they fell for each other. Hindi pa nila alam na hindi talaga sila totoong magkapatid ay minahal nila ang isa't isa." Kwento niya. He is still watching me. Alam kong nag iingat siya ng salita. Kahit na nagkukwento siya sa akin ay alam kong binabasa pa din niya ako.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now