OS-Kabanata 9

2.1K 71 17
                                    


"Ahhhhhhhh!" Sigaw ko matapos lumuhod ng camel at halos sumubsob ako sa buhangin. Rajan's only watching me while also filming.

Hindi niya naman ako masamahan dahil injured pa siya. Nasa Dubai na kami. Umarkila agad ng private car si Raj so we can explore the place. Siyam na oras ang byahe mula Pilipinas hanggang dito. Sumakit man ang likod ko sa tagal namin sa eroplano, it was all worth in indeed.

"You really love adventures," ngumuso si Raj habang papalapit ako sa kanya at pinapagpagan ang sarili ko. We are now at Dessert Safari in Dubai. Kanina bago kami pumunta dito ay nag explore pa kami sa kalawakan ng disyerto. Nag sand dunes, sand motorcycle at kung ano ano pa.

"Of course, this is the reason why we are here." Ngumiti ako. Walang mapaglagyan ang kasiyahan na nadadama ko ngaun.

Tipid na ngumiti si Rajan habang titig na titig akin. Humangin ng bahagya na may kasamang buhangin kaya sabay kaming tumakbo habang tawa ako ng tawa. Kalagitnaan ng April ngaun, the weather here is in between summer and winter. Sa ngaun, medyo mainit na. Kapag sinabi kong mainit, triplehin mo ang init kapag summer sa Pilipinas.

Dessert Safari is mostly closed kapag tag init.  The reason why? You will dry your self out sa init na binubuga ng disyerto. Mabuti nalang at inabutan namin na bukas pa ito.

"Do you want to watch the show or you want to go in another place?" Tanong ni Raj nang malalapit kami sa sasakyan. Ngumuso ako, there's a show later. Belly dancing and fire show. Nakakakita naman na ako noon sa Boracay so we decided to go. Besides, nag hahati na ang liwanag at dilim.

Gusto kong sulitin ang pag kakataon na ito para malibot ang bansa. Tatlong araw lang kami dito kaya imposible na malibot namin ito kaya dapat, mas iprarioritise ko ang iba pang tourist spots.

"Uh, lipat tayo." Sagot ko. Tumango si Raj at tinawag ang driver namin na Pakistani.

"Al-salamu alaykum," bati ng driver. Kumunot ang noo ko. Tumingin sa akin ang driver. Napawi lang ang tingin niya ng tumikhim si Raj.

"Wa alaykumu s-salam," sagot ni Raj. Bahagya akong napanganga sa kanya. He speaks Arabic? Ngumuso ako at lalong namangha habang nakikipag usap si Raj sa driver. "Shukran," salita ulit ni Raj sabay hila sa akin sa loob ng sasakyan.

"Wow," unang salita ko. Namamangha ako kay Raj at hindi ko mapigilan iyon. Kumunot ang noo ni Raj while he twiched his lips. "Why?" Tanong niya.

"Ano pa hindi mo alam?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti si Raj at umiling. "Basic." Pagyayabang niya kaya umirap ako na ikinatawa niya.

Pagsakay namin ng sasakyan ay maingat niya akong inalalayan kahit hindi naman dapat. Mukhang siya nga ang dapat alalayan pero dahil nagagalit siya, hindi ko nalang ginagawa. Well, I can help not to stare at him. I appreciate this. I appreciate his effort even the smallest things he's doing for me.

Halos isang oras ang byahe namin. Mangha mangha ako sa dinadaanan lalo na ng napunta kami sa syudad. Si Raj ay tahimik lang habang nilalaro ang labi gamit ang daliri.

Matataas na building at magaganda. Hindi ako nagkamali na pangarapin makapunta dito. Hindi ko alam kung sa kaliwa o sa kanan ko ibabaling ang ulo ko para lang matanaw ko lahat ng buildings na nadadaanan. Para silang art works na nasa museum na matayog na nakatayo at nagpapayabangan.

Locals here were wearing abaya's. Tapos yung iba parang normal na nasa pinas ka lang. This is an open country so we are not obliged to wear those abaya's. One of the thing here is kahit ano ang suotin mo ay wala lang sa kanila. It's normal that some are looking. Pero hindi ito katulad sa Pilinas na kung hindi ka pagpyepyestahan  ng chismis ay mamanyakin ka naman at mababastos.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now