OS- Kabanata 17

2.5K 113 36
                                    

" Are you okay?" Tanong ni sir Brent. Nakita ko pa na napatingin si sir Anton sa rear view mirror kaya napayuko ako.

How could I be okay? I want to say it back kay sir Brent pero bastos naman iyon. Jusko naman! Talagang unang araw ko sa trabaho ay yung taong iniiwasan ko pa ang makikita ko? Bakit naman ganito ako pag laruan ng tadhana? Gusto ko lang naman mag-aral at magtrabaho para kay Riley pero bakit ganito ang napasok ko?

I know seeing Raj is inevitable pero sana naman ay yung oras na handa ako. Hindi yung ganitong binibigla ako!

"Hey... pinapawisan ka." Salita ulit ni sir Brent. Hindi ko nga alam kung bakit butil butil ang pawis ko kahit ang lakas ng aircon ng sasakyan nila.

"Ayo-s lang po," sagot ko, utal utal. Nanatili ang mga mata sa akin ni sir Anton habang nakakunot ang noo. Umiwas ulit ako ng tingin at nagpanggap na tumitingin ng mga bill boards sa daan.

"You look like you're not okay, though." Malamig na salita ni sir Anton. Binalewala ko sila at hindi na umimik pa. Mayroon silang pinagtatalunan na hindi ko naman masundan.

Gusto kong magsalita at magdahilan. Gustong gusto ko tumalon sa sasakyan. Ang tanging nagpipigil lang sa akin ay kahihiyan. At saka, nanghihinayang ako sa opportunity na ibigay sa akin. Sabi ko nga, hindi naman maiiwasan na makita ko si Raj. I just didn't imagine that it will happen this fast.

"Did you buy the Pacific air shares?" Tanong ni sir Anton kay sir Brent. "Yes, yes, brother!" He said mockingly. May kung ano siyang pinapanuod sa laptop niya kaya naagaw niya ang atensyon ko.

Hi there guys! Welcome to my vlog. I'm Louise Katerina Zapeda! Blah blah blah

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Lakan. Titig na titig sa kanya si sir Brent habang fineflex ni Lakan ang travel tours niya. Nakitaan ko ng sakit at galit ang mga mata niya na hindi manlang kumukurap kay Lakan na apura ang pagsasalita sa video. Gustong gusto ko magtanong sa kanya pero ayokong pangunahan siya.

"How about-" pinutol ni sir Brent si sir Anton sa pagsasalita halatang nairita. All of a sudden his good mood changed into grumpy.

"Calm down, everything is okay. Chill your tits, dude. Hindi mawawala ang company ni Bree." Iritado niyang sagot. Bree... napanganga ako ng marinig ang pangalan ng girlfriend ni Raj. Great! Hindi ko alam na pinasok ko pala ang mundo nang taong iniiwasan ko.

"Tsss, tigilan mo na yan. Not worth it." Iritado din sagot ni sir Anton. Huminga ng malalim si sir Brent. Kumuyom ang kamao niya na binitawan ang Ipad na hawak niya sabay igting ng panga.

"So you mean, Bree is worth it? Stop being hypocrite Anton and mind your fucking business."

Hala! Nag aaway ba sila? Nagkatinginan sila ng masama habang parehong umiigting ang panga. Nakakatakot. Mabuti nalang at nasa front seat si sir Anton.

Kase feeling ko kung magkatabi sila ay isa na sila kanila ang tumumba. Naguguluhan pa ako kaai hindi ko maintindihan kung normal ba sila nag uusap o nag aaway na.

"Nag aaway po ba kayo?" Hindi ko mapigilan magsalita. Mabilis silang nagkalas ng tingin sa isa't isa sabay tingin sa akin ng masama. Mali! Maling mali na nag salita ako. Pakiramdam ko sa tingin nila ay bubugahan nila ako ng apoy kapag kumibo pa ako.

Oh, oh... hilaw akong ngumisi at umiwas ng tingin. Damn it! I felt like I crossed the line and I'm being so nosy. Masisisi ba nila ako? Eh naririnig ko sila. Tapos yung driver chill lang na parang walang pakielam. At higit sa lahat.. kilala ko yung taong pinag uusapan nila. So somehow, part of me got curious.

"Gaano tayo katagal pa?" Binasag ni si Brent ang katahimikan. Medyo naipit kasi kami sa traffic. Medyo tumitirik na din ang araw at halata na ang kainitan sa labas.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now