OS- kabanata 49

992 47 4
                                    

"Mama, yabyu!" Sigaw ni Riley na masayang masaya. Bahagya pa akong natawa ng lumitaw ang bungal na gilagid niya habang sinusundan ang camera.

Tumulo ang luha ko at mabilis na pinatay ang video ng pinakamamahal kong anak. I never thought that I would face a tragic situation like this. Akala ko noon ay ang paghahanap ng pagmamahal at pag kamatay ni tita Salve ang matindi ko nang mararansan. I was wrong all along.

Kapag magulang ka pala at nawalan ka ng anak ay ang pinakamasakit mong mararanasan. Hindi ko nakita ito buong buhay ko simula ng dumating Riley. Tama nga ang sabi nila. Mas okay na maglibing ng magulang kaysa maglibing ng anak. Dahil kapag nangyari ito, para ka na din pinatay. Ito ung sakit na parang habang buhay mong mararamdaman.

Lahat ng ikutan o gawin ko ay si Riley ang nakikita ko. Isang buwan na ang nakakalipas simula nawala si Riley sa buhay namin pero hindi ko pa din matanggap kahit kaonting bahagi sa pagkatao ko. Hindi ako nakausap kahit maliit lang.

Gumalaw ang tyan ko ng sumipa ang bata sa sinapupunan ko. Lalo akong naiyak at nalungkot. Natakot na maramdaman ulit ang pagkawala ng anak. Halos nakalimutan ko na  nagdadalang tao ako. At sa araw na mga lumipas ay tinaboy ko ang mga tao sa paligid ko. Kasama na sa mga tao na iyon si Raj.

Hindi ko matanggap na siya ang kasama ni Riley nang mangyari ang insidenteng iyon. Nandun siya pero ala akong magawa.

Umuuwi ako ngaun sa condo ni Raj pero hindi siya dito umuuwi. Nevertheless, araw araw niya akong pinupuntahan dito para kamustahin. Tumigil ang buhay ko. Lahat ng mga pangarap na gusto kong abutin para kay Riley ay naglaho nalang bigla.

Mahinang mahina ako. The sadness and longingness is killing me slowly.

Hinawi ko ang kurtina mula sa kwarto ko para makakita ng liwanag. Halos araw araw akong nakatago sa dilim. Ngaun araw, naisipan ko na mayroon din buhay sa sinapupunan ko na mahal na mahal din ni Riley.

Hinimas ko ang medyo may kalakihan ng tiyan. Pitong na buwan na ito at hindi ko pa din napapatignan sa OB o ano.

Bumuntong hininga ako ng makarinig ng may nag doorbell. Lately, walang pumupunta sa akin maliban kay Alice at Raj. Kahit nandito sila ay hindi ko sila maharap ng maayos. Alam kong mali ako sa parte na iyon pero gusto kong maintindihan nila yung sakit ng nararamdaman ko. I'm not ready yet. I don't want  to be ready and I'm scared to let go of Riley.

Binalot ko ang sarili ng roba at lumabas sa silid. Medyo maginaw na dahil buwan na ng disyembre.

Dahan dahan akong naglakad sa pinto para buksan ito. Nagulat ako na isang babae na nasa mid 40's ang bumungad sa akin. He look so serious yet so professional.

"Is Rajan Duke Esquivel is here?" Tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko at tumitig sa kanya. Bumalik lang ako sa realidad ng tumikhim siya.

Ang damig naglalaro sa utak ko. Sino ang babae na ito at bakit niya hinahanap si Raj?

"He's is not here," malamig kong sabi. Tumango ang babae sa akin. Diretso siyang nakatingin sa akin. Her face is stoic.

"You are?" Tanong niya. Natigilan ako saglit. Walang mintis Ang eye to eye contact namin ng babae. Sino nga ba ako? Ano ba ako ni Raj? But then, kailangan ko isalba ang sarili mula sa insulto na naramdaman.

"His wife." Sagot ko. Walang reaksyon akong nakuha sa babae. Ang tangin ginawa niya lang ay tumango. May pakiramdam pa nga ako na parang may duda siya sa akin. Umirap ako ng palihim sa kanya.

"Bakit mo hinahanap si Raj? Para saan?" Ang kanina ko pang iniisip ay hindi ko na napigilan itanong sa kanya. Bumuntong hininga ang babae at tumingin sa loob ng unit na tila ba may hinahanap. Ganun pa man, nakaramdam ako ng hiya ng maalala na nasa labas pala siya ng pinto. It's not appropriate to talk outside pero may parte pa din sa akin ang nagsasabi na hindi ko siya kilala.

But then, mukang hindi naman siyang masamang tao kaya inaya ko siyang pumasok sa loob ng bahay. Tahimik siyang sumunod sa akin. Hindi manlang  nag abalang ilibot ng babae ang mga mata niya sa loob. Tila ba hindi ito ang unang beses niyang magpunta dito. Umupo siya sa may sala at sumunod naman ako sa kanya.

"Coffee?" Tanong ko. Umiling lang siya at marahan inayos ang buhok.

"No thanks, I'm done." Sabi niya. Nanatiling tahimik tila pinagmamasadan ako. Tumango ako at umupo din sa katapat niyang upuan.

"By the way, I'm attorney Lizel Cayetano. Lawyer ni Rajan." Pakilala niya. Mukang nagtataka pa din siya sa akin. Binalewala ko nalang iyon at wala ako sa mood para mag explain sa kanya.

"Ano po ginagawa niyo dito?" Tanong ko. She looks hesitant to say anything at tila ba nag iiisip. Sa huli, pinili niya bumuntong hininga.

"I guess you deserve to know this since you are Riley's mother." Panimula niya. Nakuha niya ng buo ang atensyon ko ng binanggit ang pangalan ng anak ko. Mabilis akong umayos ng upon at binigay Ang buong atensyon sa kanya.

"Ano kinalaman ni Riley dito?" Tanong ko. Umayos din ng upo ang babae. Bawat bukas ng bibig niya at simpleng galaw niya ay sobrang maayos at propesyonal.

"We conducted an investigation about the past incident happened at the basement. The reason why..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Tila ba tinitimbang kung ano Ang magiging reaksyon ko. Alam ko iyon. Nanatili akong kalmado at interisado sa lumalabas sa bibig niya.

"What happened?" Tanong ko. Gustong gusto kong ituloy niya ng buo at hindi humihinto. Tandang tanda ko ang sasakyan na halos araruhin ako at kumuha sa buhay ng anak ko. Even the plate number is clearly inside my brain and memory.

"We found out the owner of the car. Pero hindi yung owner ang nagdadrive that night. His car was rented and we found out that the driver is connected to," Pabitin niya ulit sabi. Kinunot ko ang noo ko habang nagkatingin kami. Hindi ako kumibo nanatili akong nakatingin sa kanya naghihintay ng sasabihin.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Galit pa din ang nanaig sa puso at hindi ko alam kung matatangal paba ito. Ang tanging nagpapanatili sa akin na kalmado ay ang batang nasa sinapupunan ko. I don't wanna lose another child. Baka hindi ko na iyon kayanin sa pangalawang pagkakataon.

But then, Hindi ibig sabihin noon ay makakalimutan ko na si Riley. I love him to death at walang makakapagayos ng nararamdaman ko.

"Kanino connected ang driver ng sasakyan? Kilala niyo? Nahuli naba?" Sunod sunod na tanong ko. Gusto kong magbayad siya! I will do everything to take him down.

Nanatiling nakatingin sakin si attorney at tila tinitimbang ang nararamdaman ko. "I'm fine. Just please tell me the truth. I want justice for my son." Halos mag makaawa ako sa kanya.

Bumuntong hininga ulit siya at tumango. "Alright. The driver was connected to Camille Esquivel, one of her body guards. Rajan's mom." Sagot niya.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now