CHAPTER 2 : THE DEPARTED

23 2 18
                                    

BRYLLE

Ilang bahay pa ang layo namin mula sa bahay namin pero natatanaw ko nang madaming tao ang parang mga insektong nagkukumpulan sa harap ng bahay namin na hindi ko inaasahan.

"Ako lang ba o sadyang madami talagang tao sa tapat ng bahay natin?" tanong ko kay Mama.

Si Chris na ang sumagot bago pa makapagsalita si Mama, "Bro, madami talagang tao."

"Ano kayang meron?" natatakang tanong ni Elle.

"Malalaman natin yan maya-maya," sagot naman ni Chris habang nananatili namang tahimik si Mama.

Ipinarada ko ang sasakyan namin sa bakanteng lote na nasa tapat lang ng bahay namin, dito rin nagpaparada ng mga sasakyan ang ilan naming kapitbahay dahil malaki ito at abandonado na rin. Una na akong bumaba at sumunod naman sila sakin. Habang palapit ako sa bahay namin ay kusa namang tumabi ang mga kapitbahay namin para makadaan kami. Nang makalapit pa ko ay may isang isang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay namin at may dalawang lalaki at isang babae ang nakatayo sa labas ng sasakyan nila.

"Anong meron dito?" usisa ko sa kanila.

"Sir, kamag-anak po ba kayo ni Mr. Austin Rivera?" tanong ng babae na may dalang isang malaking plastic bag na may mga lamang gamit.

"Kapatid n'ya ko," sagot ko naman at iniabot n'ya sakin ang hawak n'yang bag samantalang ang dalawa n'ya namang kasama ay tila may ibinababa mula sa likurang bahagi ng sasakyan nila.

"Kabaong ba 'yan?" kunot-noong tanong ko.

"Yes po. Katawan po ni Mr. Austin Rivera," sagot n'ya naman.

"Katawan? Bakit, ano bang nangyari kay Austin?" tanong ni Elle sa mataas na boses.

"Wala na po siya," malungkot na sabi ng babae at agad-agad naman akong napatakbo papunta sa kabaong para tignan at laking gulat ko nang si Austin nga nasa loob nito.

Hindi ako nakakibo at napalingon na lang ako kay Mama nang marinig ko ang sinabi ng babae at nagulat ako nang makita kong nakalugmok na s'ya at umiiyak.

"Test," sabi ni Chris, "gusto namin ng test. Autopsy at DNA test."

Hindi ko alam kung saan namin kukunin ang perang kailangan para sa mga tests na y'on pero nang tinignan ko sila Chris at Elle ay nakita kong bakas din sa kanila ang pagaalala at tsaka tumango kaya pumayag na din ako.

"Sige, kailangan muna namin ng tests na nagpapatunay na s'ya nga ang kapatid ko at kung ano ang ikinamatay n'ya. Tsaka lang namin matatanggap na si Austin nga 'yan."

"At least keep those items, sir," sabi ng babae na tinutukoy n'ya ang bag na puro gamit.

Tumango ako at tsaka inalalayan si Mama papasok ng bahay. Sinundan naman ako ni Elle samantalang si Chris ay naiwan sa labas para kausapin sila. Pagpasok namin ay inabutan ko ng tubig si Mama at inaalo naman s'ya ni Elle.

Maya-maya pa ay pumasok na din ng bahay si Chris.

"Brylle," tawag n'ya at lumapit naman ako sa kan'ya.

"Anong sabi?"

"Kami na ang bahala sa expenses, sa ngayon alagaan mo na lang muna si Tita dahil masyadong mabigat na balita y'on at mas bibigat y'on kapag napatunayang si Austin nga 'yung bangkay na nasa loob ng kabaong."

"It was him, dude. Hindi ako pwede magkami dahil kilala ko ang kapatid ko," sabi ko sa kan'ya.

"Pero papalagpasin mo ba ang pagkakataon na makakuha ng mas reliable na answers? Alam kong madaming bumabagabag sa'yo. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo talaga, may time ka pa naman para magdecide."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The MobWhere stories live. Discover now