CHAPTER 1 : GRADUATION

67 7 15
                                    

BRYLLE

"Where are you going?" marahas na bulong ko habang hawak ang kapatid ko sa braso n'ya.

"Let me go, Brylle. I already knew where he is," pabulong n'yang sagot habang winawagayway ang isang lumang notebook.

"He left a few years ago and we never heard of him since then. Where could he possibly be that he could not contact us? He's dead, Austin, he's dead!" giit ko.

"Because he's not in this world! Now, let me go!"

"Brylle? Austin? Kayo ba 'yan?" tawag ni Mama mula sa hagdan kaya't napalingon ako at s' ya namang naging pagkakataon ni Austin na umalis dahil distracted ako. Nang malapitan ako ni Mama ay wala na si Austin.

"Brylle, anong ginagawa mo d'yan? Aba'y gabing gabi na at gising ka pa,"

"Ma, umalis si Austin. Sabi n'ya, alam n'ya na daw kung nasaan si Papa. May hawak s'yang lumang notebook e," sabi ko.

"What!?" gulat n'yang sabi at tsaka binuksan ang pinto para silipin si Austin pero wala na s'ya.

Agad na isinara ni Mama ang pinto at tsaka nagmadaling pumunta sa kwarto n'ya kaya sinundan ko naman s'ya. Alangan namang tumayo lang ako d'on sa pinto, diba?

"I'm calling the guards, hindi pa y'on nakakalabas," sabi ni Mama.

"I'm going to my room, maaga pa pasok ko bukas."

"Okay, good night."

Pagbalik ko sa kwarto ko ay agad akong nagtungo sa bintana at tinanaw si Austin, di pa nakakalayo 'yon. Mahigit isang oras pa 'kong naghintay at baka bumalik rin kasama ni Mama pero pinangunahan ako ng antok at hindi na nahintay pa.

Kinabukasan, maaga akong nagising pero walang bakas ni Austin sa bahay. Pagbaba ko ay inabutan ko si Mama na nasa dining table at tila hindi pa natutulog.

"Good morning, Ma. Asan si Austin?" bungad ko sa kan'ya at tsaka kumuha ng almusal.

"Hindi sa gate lumabas si Austin. Walang nakita ang guard," parang pinagsakluban ng langit at lupa si Mama nang binanggit n'ya ito.

"Saan naman dadaan si Austin?" natatawa kong sabi.

"Once again, I lost someone dear to me. Once again, I cannot do anything to stop them."

Hindi ko masyadong binigyang pansin ang drama ni Mama noon kasi late na ko sa school at nagmamadali akong umalis. Ngayon, tatlong taon na mula nang huli kong nakita ang kakambal ko.

•••

"Congratulations, Brylle!" bati sa akin ni Elle nang magkasalubong kami sa hallway ng building naming.

"Congrats din sa inyo ng kuya mo," sabi ko at tsaka ngumiti habang nakatayo sa harapan ko ang magkapatid.

"Anong plano mo after graduation?" tanong naman ni Chris.

"Hmm. Siguro susubukan kong maghanap ng trabaho sa mga private schools dito sa malapit. E kayo?"

"Babalik na kami sa bahay namin sa Manila after graduation," sagot naman ni Elle.

The MobWhere stories live. Discover now