Chapter 4- I'll make you fall in love with me

54 2 0
                                    

Chapter 4

Kanina pa itong si Sabrina na parang nanay ko kung makaratrat sa pinaggagawa ko.Pinapagalitan na naman ako sa panlalandi ko sa Engineer ko.Paano ba naman kung dati wala akong oras puntahan sya ngayon madalas na akong pumunta sa school nila.

"Sinasabi ko sayo Silver hindi ka seseryosohin nyan." Ayan na naman sya paulit-ulit nalang.Nakakarindi na.

"Mahuhulog din sya sa akin Sab okay?"

"Asa ka naman.Umasa ka ka lang at kung mahuhulog man yan sayo lolokohin ka pa rin."

"Alam mo napakanega mo noh?

"Pinagsasabihan lang kita dahil best friend kita tanga." Nasabihan pa nga ng tanga.Ito talagang babaeng ito walang ka filter-filter ng bunganga pagdating sa akin.Sobra pa sa nanay ko.

Ang mommy ko nga tuwang-tuwa may boyfriend ako.Sya halos araw-araw pinagsasabihan ako.Sawang-sawa na siguro syang makita ang pangmumukha ko sa school nila.

"Kapag sinaktan ka nyan huwag kang iiyak-iyak talaga sa akin.Tanga ka e."

"Oo na ako na tanga!happy?" Minsan nga lang maging tanga hindi pa suportahan.Sabagay sino ba naman tangang ganoon.

"Bahala ka nga,papasok na ako may klase pa akong isang subject." Tumango nalang ako sakanya at nagpaiwan para hintayin ang paglabas ng boyfriend ko.

Hindi naman nagtagal nakita ko na rin syang palabas sa room nila.Agad naman syang napasimangot ng makita ako.Lumapit agad ako sakanya at hinawakan ang kamay nya.Wala naman syang nagawa.

"Wala ka bang klase ha?"tanong nya na umiling ako.

"Maaga kami natapos kase may urgent yung isang professor namin," sagot ko sakanya.

Nakatingin naman sa amin ang mga kababaihan na kulang nalang patayin ako sa pagtingin.Well mainggit lang kayo sa akin.Hanggang tingin lang kayo.

"Bored na bored ka ba sa buhay at ako ang kinukulit mo ha?"

"Gusto kita e." Itong lalaking ito napaka-manhid.Hindi ako magsasayang ng oras dito kung hindi ko sya gusto.

"Hindi kita gusto."

"Ay saket nun ha." Isa pa itong walang filter ang bunganga ha.

"I'm just telling the truth."

"Well okay lang yan.Mahuhulog ka rin naman sa akin.I'll make you fall in love with me," matapang na sabi ko sakanya.

"Tss."

Nag-order na sya ng makakain dahil gutom na ata sya.Nilantakan ko naman ang pagkain na inorder nya pagdating nya sa lamesa.

"Baket ka nakatingin ha?naiinlove ka na ba sa akin ha?bilis naman mabuti yan," sabi ko sakanya at pinagpatuloy ang kinakain ko.

"Ang panget mo." Aba itong lalaking ito sya lang nagsabi sa akin nyan.

"Hoy ang kapal mo ha."

"Ang takaw mo pa inubos mo ang pagkain ko."

"Ang bagal mo kase kumain."

"Tss.Kasalanan ko pa." Aba kasalanan nya talaga nag-order hindi man lang dinamihan.

"Ang liit din kase ng inoder mo."

"Para sa akin lang kase yan.Hindi ko sinabing lantakan mo."

"Napaka-selfish mo naman.Girlfriend mo ako kaya pakainin mo ako."

"Ay ganoon ba iyon ha?"sarkastikong nyang tanong.

"Malamang Engineer."

"Kaya mo ba ako nagustuhan dahil engineer ako?rereto nalang kita sa iba huwag na ako ang kulitin mo."

"Ikaw ang gusto ko huwag mo akong ireto sa iba."

Enter me, Mr. Engineer Where stories live. Discover now