Chapter 18 - Ako ang nasurprised

70 1 1
                                    

Chapter 18
Ako ang nasurprised

Pagkatapos ng klase ko dumiretso na ako sa school nila.Oo na desidido na akong makipag-ayos.Hindi ko na pahahabain ang away na 'to.Pero nandito pa ako ngayon kausap ang best friend kong walang ambag.

Hindi ko kase makita kanina pa si Drake kaya sya ang kinukulit ko.Siguro may klase pa kaya maghihintay nalang ako.Nagre-review pa ang katabi ko.Tutok na tutok talaga sa pag-aaral samantalang ako puro landi ang ginagawa.Joke lang tinatapos ko naman ang kailangan sa school bago ako lumandi.Napatay ako ni mommy kapag bumagsak ako.Baka sisihin p si Drake jusko.Madadamay ang walang alam.

"Wala bang umaaligid sakanya na babae habang wala ako rito?" pangungulit ko ulit sakanya na inis nya akong binalinga.

"Oo meron."

"Sabrina hindi nakakatuwa yan."

"Sinasagot kita tanga kaya buti naisipan mong mag-sorry dahil baka maagaw na ang engineer mo."

"Gaga ka may lumalandi talaga?sino yan at kakalbuhin ko.Abangers din e no."

"Sino pa ang ex nya."

"Ex?as in ex nya talaga?"

"Oo."

"Huwag mo akong binibiro ng ganyan." Hindi talagang magandang biro.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"So habang wala ako laging pumupunta rito ang ex nya?"

"Oo,pero pinapaalis din sya ni Drake. Mapilit ang babaeng iyon.Ilang araw hindi tinantanan si Drake kahit lagi syang tinataboy nito."

"Dapat lang sakanya yun." Akala nya ata dahil napag-away nya kami maagaw nya na sa akin.Pwes nagkakamali sya."Wala na bang ibang umaaligid sakanya?"

"Napakaselosa mo pa rin.Wala na nga syang babae simula nang maging kayo.Wala ng lintang didikit-dikit sakanya."

"Good,ngayon hanapin mo akong hanapin sya." Wala na syang nagawa nang hinila ko sya patayo.

Sabe nya tapos na ang klase ni Drake ng ganitong oras.Pero baka nasa basketball court sila nagpa-practice dahil may game sila.Hindi man lang sinabe sa akin para nagpagawa ako ng banner.

Inis na inis na sa akin si Sabrina pero wala syang magagawa dahil kukulitin ko sya hanggang mamaya kapag hindi nya ako sinamahan maghanap kay  Drake.Anong malay ko ba sa school nila kaya dapat samahan nya ako.

Nakarating na kami sa basketball court.Lalapit na sana ako ng mataman ko ang ex nyang linapitan sya ng ex nyang at inabutan ng tubig.Hindi na sana kukunin pero puro kantyaw ang mga kasama nya.

"Whoo chicks bro!"

"Ex nya yan tanga!"

"Muling ibalik ang tingin ng pag-ibig!" kantyaw pa ng mga ka-team mates nya na patawa-tawa lang syang sinasaway ito.

Tuwang-tuwa lang?so ganito pala ang ginagawa ng malandi na 'to nung wala ako.

Lalapit na sana ako ng halikan sya nito.Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa nangyari.Hindi ko alam ang gagawin ko.Tatalikod nalang ba ako o susugurin ko ang kalanding ginagawa nila.Napatigil naman sila ng masulyapan ako ni Drake.

Tumalikod agad ako kahit tinatawag nya ako.Nilunok ko lahat ng pride ko pero ito lang pala ang mapapala ko dito.

"Silver!"

"Ano ba?let me go." Naabutan nya ako kaya pilit kong inaalis ang kamay nya.

"Let me explain."

"No need nakita ko na ang lahat.Hindi ako bulag kaya bitawan mo ako."

"I didn't even respond to her kiss that bullshits." Inaalis ko agad ang kamay kong hawak nya at tinalikuran sya.

Magsama sila ng ex nyang malandi.

Enter me, Mr. Engineer Kde žijí příběhy. Začni objevovat