Chapter 16 - Epal na ex

29 1 0
                                    

Chapter 16
Epal na ex

Kanina pa kami hindi nagkikibuan.Natapos na rin silang mag-usap ng ex nya kaya nandito na ulit sya sa akin.Wala naman kwentang kasama.Hindi ata marunong magsalita o mag-explain man lang.

"Silver,I'm sorry."

"Hindi magsama kayo ng ex mo.Hindi ako pa yung masama dun?ako pa yung napahiya sa harapan ng ex mo?baket ka pa nandito?"

Akala ko pa naman mapapatalbog ko ang ex nya.Ako pala ang napatalbog.Ako ang napahiyang nagwalk-out dahil pinaalis nya ako.Dahil gusto nila ng privacy mag-ex.

"Pag-aawayan pa ba natin 'to?"

"Aba kasalana ko pa gano'n?matindi ka rin no." Nakakainis talaga ang apog nito oh.Explain ang kailangan ko hindi sermon nya.

"Nag-usap lang kami.Wala akong ginawang masama."

"May sinabe ba ako?"

"Pero galit ka kaya ayaw mo akong kausapin."

"Anong gusto mo maging masaya ako?ngitian kita?"

"Ex ko lang yun."

"Iyon na nga e ex na pero baket kailangan pang mag-usap ulit at tinaboy pa ako?" May ex rin naman ako pero hindi naman ako gano'n.

Ang arte rin kase ng ex nya.May paiyak-iyak pa.Gusto pa ata ng comeback.Kakalbuhin ko talaga sya kapag nilandi nya si Drake.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Wala.Wala akong sinasabe."

"Hindi ba tayo matatapos dito?she's just my ex,oh come on pati ba naman iyon pag-aawayan natin." Hindi talaga tayo matatapos.Ex mo pwede ko pang tapusin para huwag syang epal.

"Uuwi nalang ako."

"Kakarating mo palang."

"Anong gusto mong gawin ko rito?bantayan pa kayo ng ex nyo?ayaw mo nun diba?ayan may privacy na kayo!"

"Silver."

"What?"

"You're being childish."

"Anong childish dun?"

"Your attitude.You don't need to be jealous, you're the one my love why can't you trust me?"

"I trust you,but not your ex." Mukha nya palang malandi na nga e.

Umuwi na akong hindi nagpahatid sakanya. Mag-aaway lang kami ng mag-aaway kapag hindi pa ako umuwi.Hahaba lang ang away na wala namang patutunguhan.

"Inaway mo talaga dahil lang dun?" Kausap ko si Sabrina sa phone.Akala ko kakampi ko sya dahil best friend ko sya pero sermon ang nakukuha ko sakanya.

"Maliit na bagay lang yun Silver para awayin mo yung tao.Nag-usap lang sila wala naman silang ginagawang mali."

"Pinaalis nya ako nung sumingit ako sakanila.Napahiya ako sa ex nya.Para akong tumalikod na talunan at nagwagi ang ex nya."

"Baka naman kase nakakaistorbo ka daw hahaha." Kung nandito lang sya sa tabi ko nasakal ko na sya.Hindi ko alam saan ko napulot na best friend 'to e.

Hindi alam ang salitang comfort.

"Nakakatuwa yun?" Inis kong sabi sakanya na mas lalo akong tinawanan.Parang sinabe kong tumawa ka pa lalo ha.Iyong todo na.

"Relax okay?Hindi naman nya aagawin sayo ang boyfriend mo.Nag-usap lang sila.Baka mamaya mawalan ka pa ng engineer dahil lang dyan hahaha."

"Oo,mahal ko at ideal man ko sya.Pero hindi pa ako gano'n katanga kung lolokohin lang nila akong dalawa ng ex nya."

"Ang OA mo no?nag-usap lang sila lolokohin ka na agad."

"Ewan ko sayo wala kang ambag." Binabaan ko nalang sya at nahiga nalang para itulog nalang 'to.

Enter me, Mr. Engineer Where stories live. Discover now