Chapter 17 - Pride

33 1 0
                                    

Chapter 17
Pride

One week na kaming hindi nag-uusap simula nung away namin.One week nang hindi ako pumupunta sa school nila.At one week na iyon hindi man lang sya tumawag o nagtext man lang.Pataasan ata kami ng pride.Inaamin ko naman na kasalanan ko dahil maliit na bagay lang yun.Wala naman silang ginawa pero parang sa loob-loob ko gusto kong magpasuyo.Pero wala ako pa ata ang manunuyo.

"Sabay na tayong kumain?" aya sa akin ni Luke na tumango nalang ako.Sumunod lang ako sakanya.May kinukuwento sya pero lutang ako ngayon.

"Okay ka lang ba?" tanong nya nang hindi na makatiis.Kanina nya pa siguro napapansin na wala ako sa sarili.Pinag-iisipan ko kase paano mag-sorry bukas kay Drake.Lulunukin ko na pride ko ako naman ang nang-away e.

"Ah oo,okay lang ako may iniisip lang."

"Ano bang problema mo?baka makatulong ako."

"Ah wala naman."

"Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?"

"Medjo.Nagselos ako sa ex nya kaya gano'n."

"Alam mo kase minsan naiinis kami kapag walang tiwala sa amin ang girlfriend namin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nasasakal kami kapag sobrang selosa na ng babae sa amin.At kalaunan nagsasawa kami sa ganong ugali."

"Hindi pwede magselos?"

"Hindi naman yung punto ko pero ilugar nyo ang pagseselos nyo."

"Oh sige, nagseselos ako taga Davao City," pamimilosopo ko sakanya.

"Seryoso nga kase."

"Sineryoso ka ba?" Lahat nalang sila kinokonsensya ako.Oo ako na ang mali kaya magso-sorry na nga.

Wala man lang akong nahanap na kakampi ko.Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

"Kung ako sayo makipag-ayos ka nalang sa boyfriend mo.Huwag mong pairalin ang pride mo dahil lang sa selos na yan."

"Oo na nga magso-sorry na nga."

"Good then."

"Salamat sa pangongonsensya ha?"

"Welcome." Hayop talaga.

Wala pa rin ako sa sarili hanggang sa bumalik kami sa klase.Iniisip ko paano mag-sorry sakanya bukas.

Pauwi na akong nagprisinta pa si Luke na ihatid ako pero umayaw na ako.Baka maissue pa kami e.

Mag-isa nalang akong umuwi.Pagka-uwi ko dumiretso agad ako sa kwarto.Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Sab.

Hihingi ng advice kung anong gagawin ko bukas.

"Alam muna ang mali mo?" Bungad nya agad sa akin.Ginayuma ata sila ni Drake na kamping-kampi sila.

"Oo na kaya magso-sorry na nga ako bukas dyan."

"Hay salamat naman at nauntog ka na Silver."

"Paano ako magso-sorry bukas?"

"Aba malay ko sayo.Baket ako tinatanong mo dyan?"

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan."

"Alam ko na."

"Ano?" excited kong tanong sakanya.Sa wakas may masasabe na syang matinong bagay.

"Akitin mo sya total dyan ka naman magaling e."Binabawi ko na ang sinabe ko.Wala pa rin syang kwentang kaibigan."

"Ewan ko sayo!"

"Nag-suggest lang naman ako malay mo magbago isip mo gagawin mo rin yan."

"Hindi ko gagawin yan bruha ka." Malandi ako pero sa mapapangasawa ko pa ibibigay ang virgin ko noh.

Binabaan ko nalang sya ng tawag.Sabe ko na nga ba e wala rin akong mapapala sakanya.Ano nga bang alam nya sa panunuyo e hindi pa sya nagkaka-jowa.

Bahala na nga bukas.

Enter me, Mr. Engineer Where stories live. Discover now