Chapter 3 - Meet my family

61 2 0
                                    

Chapter 3

Ilang araw ko ng kinukulit si Drake sa school nila.Pilit ko syang pinapapayag na magdate kami.Inis na inis na sa akin si Sabrina sa pinaggagawa ko.

Minsan lang naman ako lumandi hindi man lang ako suportahan.Dati wala akong oras para pumunta sa school nila pero ngayon araw-araw na akong sa school nila.

"What do want to eat?"

"Ikaw," mapang-asar kong sagot na inismiran lang ako.Sa ilang araw na pangungulit ko sakanya na magdate kami pumayag na rin sya.

Siguro bwesit na bwesit na sya sa akin pero wala na syang magagawa.Wala kang kawala sa aking engineer ka.

Napatingin ako sa mga bulaklak na mga binenta na agad ko namang nilapitan.

Hawak-hawak ko ang red roses samantalang ang katabi ko parang inip na inip na walang balak bilhan ako.

"Hindi mo bibilhin?" tanong nya napairap nalang ako.Dapat sya ang bibili noh.

"Hindi hihintayin ko ang araw na kusa kang magbibigay sa akin ng pulang rosas," saad ko at mabilis umalis sa flower shop. Nakita ko nalang na nakasunod sya.

Kumain muna kami sa jollibee nang mapagod kami maglibot.Sya na ang nagbayad ng kinain namin.

"Uuwi ka na ba?"tanong nya na kinasimangot ko.

"Atat na atat akong umuwi ha?"

"Malamang tss.Hatid na kita." May pagkamabait rin pala e.

"Sige," saad ko nalang at pumasok sa kotse nya.Tinuro ko kung saang subdivision ako nakatira at hinilig ko ang ulo para makaidlip ng sandali.Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko.Kahit puro sya pagsusungit kanina masaya naman.

Alam kong mahuhulog rin sya sa akin at wala na syang kawala.

Nagising ako nang naramdaman kong may yumugyog sa ulo ko.

"Gising na nandito na tayo," saad nya na sobrang lapit nya sa akin na agad rin lumayo.

Bumaba na ako sa kotse nya dahil wala syang balak magpaka gentleman para buksan ako.Nagulat naman ako sa pagsigaw ni mama pagkakita sa akin.

"Anak saan ka ba nagpupunta ha?ginabi ka na," nag-aalala nyang tanong sa akin na napabaling naman agad sya sa katabi kong si Drake. Over acting talaga si mommy.Akala mo highschool pa ako kung ituring.

"Sino sya?"

"Boyfriend ko po mommy," I said.

"Boyfriend okay pero..."Parang hindi pa nagsisink in sa utak nya.

"What?may boyfriend ka na Silver sa wakas!" tuwang-tuwa nyang sabi at nilapitan si Drake.

"Gaano na kayo katagal hijo?"pangungulit nya rito na napigilan nya nang mag-aya si daddy na pumasok muna sya kaya wala syang nagawa.

Sumabay sya sa amin magdinner na patuloy pa rin sa pangungulit si mommy.

"Kelan kayo ikakasal?" tanong bigla ni daddy na sabay kaming nabilaukan ni Drake.

"Ano ka ba naman Robert magtatapos pa sila,"sabi ni mommy na nakahinga naman ng maluwag si Drake.Akala nya ata tuluyan na syang matatali sa akin.Well huwag muna ngayon saka na kapag hulog na hulog na sya sa akin.

Nang matapos kaming kumain ay sinamahan ko na sya palabas para makauwi na sya dahil alam kong nakulitan na sya ng sobra sa mga parents ko.

"Good night," saad ko at hinalikan sya sa pisngi at mabilis na akong pumasok.Saka na sa lips dahil sya dapat ang gagawa nun.

Enter me, Mr. Engineer Where stories live. Discover now