I CAUGHT MY BOYFRIEND HOLDING SOMEONE ELSE'S HAND

20 10 0
                                    

I'm in my apartment together with my boyfriend. Naka-suot siya ngayon ng pang-couple jacket naming dalawa at mukhang may pupuntahan.

"Babe, saan ka pupunta?" I asked as I stared at him.

Mukhang nagmamadali siya sa mga 'kinikilos niya at mukhang may importante siyang lakad. Gabi na, saan naman kaya siya pupunta?

"May pupuntahan lang ako saglit," sagot naman niya sa akin habang may hinahalungkat na kung ano.

Inilapag niya muna 'yong cellphone niya sa lamesa na nasa harapan ko at pumasok sa aming k'warto para maghanao. Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya bumabalik kaya't naisipan kong buksan na lang ang cellphone niya, baka sakaling malaman ko kung saan siya pupunta.

I picked his cellphone and turned it on. I know his password kaya't nabuksan ko agad ito. I browsed on his messenger and shocked nang makita ko ang nasa pinakaunahan ng messages niya.

"Sa plaza, 10:30PM. I love you." It was a girl who he texted.

Bigla na lang siyang dumating kaya't agad ko  itong pinatay at ibinaba para hindi niya ako mahuli. 'Yon lang ang tangi kong nakita at wala ng iba pa.

"Babe, alis na ako. Balik ako later, okay?" He tehn kissed me on my forehead before going outside.

Sino ang babaing 'yon? Bakit nag-i love you ang boyfriend ko sa kaniya? Pinagpapalit niya na ba ako?

Kung anu-anong pumasok sa isipan kong mga katanungan na wala namang kasagutan. Is he cheating?

At first, hindi ko ito pinaniwalaan kasi nga alam kong loyal sa akin ang boyfriend ko at hindi niya ako ipagpapalit. I love him, so I have to trust him.

Makalipas ang mga ilang mga minuto ay binabagabag pa rin ako nito. Kinakagat ko ang aking mga daliri at nago-overthink sa nangyayari. Hindi ko matanggap, gusto kong malaman. Gusto kong punan ng sagot ang mga katanungan na nasa aking isipan. Hindi pwedeng uupo na lang ako rito nang walang ginagawa!

I stood and wear the other pair of our couple jacket and my jeans. Wala ng time kaya't nagmadali na ako. Time check: 10:20PM, 10 minutes bago sila magkita.

Isinabit ko na ang yellow-slingbag ko sa kaliwang balikat ko at saka umalis sa aming apartment.

After minutes of ride on the bus, I finally arrived at the plaza. I started searching for them sa labas, but I didn't found them. Pumasok ako sa loob, I checked the time and it was already 10:35PM. They should met each other right now.

Nagmadali na akong hanapin sila and I suddenly stopped when I heard people shouting outloud. They begun looking up in the sky kaya't nakisabay naman ako. And surprisingly, I saw a beautiful firework display. A perfect romantic moment for a couple.

I abruptly looked straight infront of me nang mamukahan ko ang couple jacket na suot ng boyfriend ko. I was stunned and surprised. Eyes widen, I saw him... napakahigpit ng hawak niya sa kamay ng babaing nasa tabi niya. My tears we're about to fall but I tried to hold it back.

I think I already got the answers to my questions. Yet I'm still not contented. Sobrang sakit! Ang sakit, sakit! Ang bigat sa pakiramdam. Para akong dinurog ng pinung-pino. I trusted him, pero ano 'tong nakikita ko? Sa harap ko pa mismo.

Kinalabit ko siya sa kaniyang likuran at sa kaniyang paglingon sa akin ay sinampal ko siya nang napakalakas. Kulang pa 'yan sa nararamdaman kong sakit.

People stared at us dahil sa agaw atensyong sampal ko sa kaniha. He got surprised and was about to speak nang inunahan ko siya.

"Break na tayo! Magsama kayong dalawa ng babae mo!" I didn't let him explain, tama na ang nakita ko. I then left the place and went back to our apartment.

DAILY CUP OF TEAWhere stories live. Discover now