Chapter 11 [end]

8.6K 463 59
                                    


"JORDAN! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin iyan kung kailan event na?" frustrated na tanong ni Sissy dito. Sa gabing iyon ang company party na inorganize upang pormal na ipakilala sa lahat si Jet bilang vice president for operations at isa rin sa tagapagmana ng kumpanya. Magsisimula pa lang ang pagtitipon ay hindi na niya magawang makalapit kay Jet dahil kaagapay nito ang mga boardmembers. Hinihintay pang dumating ang mga magulang ng mga ito bago simulan ang programa.

Pero bigla siyang hinatak ni Jordan patungo sa parte ng pavilion na walang masyadong tao upang kausapin. At malaking problema ang hatid nitong balita.

Nagkibit balikat ito. "Dahil kani-kanina ko lang rin nalaman. It turns out na hindi lang ang pagdating ni Jet sa kumpanya ang balak i-announce ni papa ngayong gabi. He also intends to announce my engagement... with you. He's bothered by my age at dahil nakarating sa kaniya ang mga balita tungkol sa ating dalawa at gusto ka naman niya kaya naisip niya iyong gawin," sabi pa nito.

"Pero hindi puwede iyon! Besides I plan to... I plan to say no. I'm sorry," hinging paumanhin niya. Gusto niyang magalit sa sarili niya dahil hindi niya nasabi iyon dito ng maayos.

Ngumiti ito. "I know that," sagot nitong ikinaawang ng mga labi niya. "Alam ko na hindi mo tatanggapin ang alok ko. I knew it the moment I saw you and my brother for the first time on the lobby. Hindi man kayo aware na dalawa pero may kung ano sa pagitan niyo na alam kong hindi ko kayang sirain. Though I admit I gave him a little push para umakto siyang tunay na lalaki at hindi spoiled na bata," paliwanag nito.

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. "Pero paano ang announcement? We can talk to chairman about it right?" aniya rito.

"Pwede naman. Pero hindi niyon maalis ang kumakalat na chismis ngayon sa kumpanya. Think about your position too Sissy. This is a chance to clear all those rumors," paliwanag nito.

Hindi siya agad nakahuma. Nang mga nakaraang araw ay bumalik na sa dati ang samahan nila ni Jet. Masaya silang dalawa at palagi silang magkasama. Pero dahil doon ay nagkaroon ng mga usap-usapan sa kumpanya tungkol sa kaniya. Dahil ang alam ng mga ito ay siya ang mapapangasawa ni Jordan dahil lang nagpropose ito sa kaniya ay hindi naging maganda ang tingin ng mga ito sa kakaibang relasyon nila ni Jet. Hanggang sa magkaroon ng tsismis na namamangka raw siya sa dalawang ilog, sa dalawang may-ari ng kumpanya. Sa isang iglap ay sumama ang tingin sa kaniya ng iba. May mga nagsabi pa na gold digger daw siya at sinasamantala ang posisyon niya upang masilo ang isa sa mga may-ari. Come to think of it, marahil ay iyon din ang dahilan kung bakit gustong iannounce ng papa ng mga ito ang engagement niya kay Jordan. Para mawala na ang chismis na iyon.

"But still, paano matatapos ang chismis na iyon sa pag-aanounce ng engagement kung hindi naman ako magpapakasal sa iyo?" tanong niya rito.

Hindi nawala ang ngiti nito. "You'll see," sabi nitong hinaplos pa ang buhok niya.

Habang nakatitig siya rito ay hindi niya naiwasang itanong. "Jordan, you don't really love me do you?"

Hindi nagbago ang ekspresyon nito. "Bakit mo naman nasabi iyan?"

"I just feel it."

Bahagyang lumawak ang ngiti nito at pinagpatuloy ang paghaplos sa buhok niya. "But I like you."

Saglit pa ay may isang staff na lumapit sa kanila. Dumating na raw ang Chairman at ang asawa nito. Dahil doon ay nagpaalam na si Jordan na sasalubungin nito ang mga magulang nito. Siya naman ay bumalik na sa sentro ng pagtitipon. Katulad nang mga nakaraang araw ay ramdam na ramdam niya ang kakaibang tingin ng mga tao sa paligid niya sa kaniya. At tulad ng dati ay mas pinili niyang ignorahin iyon dahil wala siyang balak makipag-away o ano pa man.

TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKEROpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz