Chapter 6

4.8K 296 18
                                    


NAALIPUNGATAN si Sissy sa tunog ng pumaradang motorsiklo. Agad siyang dumilat at napabangon. Hinablot niya ang wristwatch niya. Alas tres y'media na at mukhang kararating pa lamang ni Jet. Sinabi na nito sa kaniya kaninang umaga na hindi ito makakapunta sa Biker's Grill kaya ang uncle Bob niya lang ang naghatid sa kaniya pauwi.

Tatlong araw na ang nakalilipas mula ng una silang magkita. Mula noon, kahit hindi ito masalita o ngumingiti man lang ay hindi nito nakakaligtaang ihatid siya sa school at isabay pag-uwi pagkatapos ng trabaho niya. It was weird. Pero kahit ganoon ay nakakaramdam siya ng katuwaan na nagsasayang ito ng oras ng ganoon para sa kaniya. Kahit wala itong sinasabi ay hindi siya nakakaramdam ng uneasiness sa sitwasyon nila. Kahit papaano kasi ay naiintindihan na niya ito ng kaunti. Grumpy man ito, kadalasan ay mukhang palaging manininghal, mukhang walang pakielam sa iba at mukhang mambubugbog anumang oras ay mabait naman ito. Patunay niyon ang pag-aalala nito sa kaniya kahit hindi nito aminin.

Nagpalipas muna siya ng labing limang minuto bago siya tumayo kahit kanina pa niya nais buksan ang pinto ng bahay niya upang salubungin ito. Huminga pa siya ng malalim upang kalmahin ang nagririgodon niyang puso na kanina pa ito nais makita. Pagkatapos ay marahan niyang binuksan ang pinto niya upang sumilip.

Ang nakita niya ay nagpahigit ng hininga niya kasabay ng pinong kirot sa dibdib niya. Nakaupo sa sahig si Jet, nakasandal sa pader na naghihiwalay sa mga pinto nila. Kahit madaling araw na at patay na ang mga ilaw sa paligid ay maliwanag pa rin doon dahil sa bilog na bilog na buwan.Nakatingala ito sa langit na parang may malalim na iniisip habang humihithit buga ng sigarilyo. Pagkatapos ay umangat ang isang kamay nitong hindi niya namalayang may hawak ng beer in can at uminom mula roon.

Sa isang iglap ay may nakita siyang isang parte ng pagkatao nito na natatabunan ng aroganteng asta nito kapag may mga tao. He's lonely. Naisip niya tuloy kung mag-isa na lamang din ba ito sa buhay na gaya niya. Bigla rin tuloy siyang nakaramdam ng kahungkagan habang nakatingin dito. Bagay na noon pa man ay pilit niyang sinusupil sa kaibutiran niya.

Wala sa loob na napalabas siya ng pinto nang makita niyang nasaid na nito ang laman ng lata at inilapag na nito iyon sa sahig. Nang marahil ay maramdaman nito ang presensiya niya ay napalingon ito sa kaniya. Nang masalubong niya ang mga mata nito ay may parte niya ang nais umiyak. He looked lost. Ngunit naipagpasalamat niya na napigilan niya ang sarili. Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Naalipungatan ako nang marinig ko ang motor mo kaya sumilip ako. Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya rito at lumapit dito.

"Nagpapaantok," sabi nito makalipas ang ilang segundong pagtingin sa kaniya. Inalis nito sa kaniya ang tingin at inihulog ang natitirang sigarilyo nito sa loob ng lata ng beer na wala ng laman. "Bumalik ka na sa pagtulog. Maaga pa ang pasok mo bukas," pagtataboy nito sa kaniya. His face suddenly looked distant.

Hindi siya tuminag. As if iiwan kitang ganiyan. Huminga siya ng malalim at walang pakielam na umupo sa tabi nito. Naramdaman niyang nagulat ito sa ginawa niya at napatingin sa kaniya. Bahagya niya itong nginitian. "Nawala na rin ang antok ko kaya magpapaantok lang rin muna ako," sabi niya rito at tumingin din sa walang katao-taong kalsada sa harapan nila. Sumandal siya sa pader.

Nagbuga ito ng hangin pero hindi na nagreklamo. Muli siyang napatingin dito nang kumilos ito at magbukas na naman ng beer in can. Nanlaki ang mga matang tumingkayad siya upang silipin ang kabilang side nito. May malaking plastic bag doon na may lamang maraming beer in can. Kung tama ang bilang niya ay isang dosena iyon. Napatitig siya rito nang walang anumang ininom nito ang laman ng kabubukas lang nito na para lamang iyong tubig.

"Balak mong maglasing?" manghang tanong niya.

"Hindi ako naglalasing. Nagpapaantok lang ako. Besides, it's just beer," walang buhay na sabi nito at muling tumungga.

TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKERWhere stories live. Discover now