Chapter 7

4.9K 295 20
                                    


"LET'S live together," biglang sabi ni Jet kay Sissy na muntik nang magpasamid sa kaniya. Nasa loob sila ng apartment nito at kumakain ng almusal.

Tiningnan niya ito upang siguruhin kung seryoso ito o baka sa unang pagkakataon ay nagpapatawa ito. Pero nang makita niya ang kaseryosohan sa mukha nito ay bigla naman siyang napaisip sa suhestiyon nito. "Kailangan ba iyon?" tanong niya rito.

"Well, you practically live in my apartment anyway," sabi nito. Hindi siya nakasagot. Tila natigilan naman ito at hinawakan ang kamay niya. "No offense meant. Sa tingin ko lang sayang ang ibabayad mo buwan-buwan sa apartment mo. At least if you will live here hindi mo na poproblemahin ang renta mo," dugtong nito.

Tipid siyang ngumiti. Alam naman niya na kabutihan lang niya ang gusto nito. Sa loob ng mag-iisang buwan na niyang relasyon dito ay natutunan na niyang basahin ang mga kilos at pagsasalita nito.

Isa pa ay wala naman siyang mairereklamo rito. Since that wonderful night, he became gentler to her. Napapangiti at minsan ay napapatawa na rin niya ito. Tama rin ito nang sabihin nito na halos doon na rin naman siya naglalagi dahil madalas ay doon siya nito pinapatulog. Hindi naman daw kasi matatawag na bahay ang bahay niya dahil wala naman daw iyong kalaman-laman at hindi raw iyon kumportableng tulugan. Kaysa makipagtalo pa siya ay pinagbibigyan na lang niya ito.

"Don't worry I'm fine. Pero sa tingin ko hindi naman kailangang lumipat talaga ako rito. I don't want to impose on you too much," nakangiti pa ring paliwanag niya rito. Ilang beses na nilang pinag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon pero sa tuwina ay tumatanggi siya. Kakasimula pa lamang niyang maging independent at ayaw niyang umasa ng husto sa iba lalo na kay Jet dahil importante ito sa buhay niya.

Kumunot na naman ang noo nito. "Geez I really can't believe your pride," naiiling ng sabi nito.

Ngumiti na lang siya at pinisil ang kamay nito. "Well, that's because pride is all I have right now."

Sinalubong nito ang mga mata niya. "Are you saying you don't have me?" Napamaang siya rito. Nahulog yata ang puso niya sa sinabi nito. At mukhang hindi ito aware doon dahil bahagya pa ring nakabusangot ang mukha nito. Napahagikhik siya. "What?" tanong pa nitong tila naguguluhan sa kaniya.

Nakangising tiningnan niya ito. "Alam mo, you can be sweet at times and you don't even know it," aniya rito.

Nang tila makuha nito ang sinabi niya ay nag-iwas ito ng tingin at tumayo. Lalo lang siyang napangiti dahil alam niyang bigla itong nahiya. "Finish eating para maisabay na kita. Maaga ang klase ko ngayon," sabi nito.

Tumawa siya. "Okay fine."

"And one more thing," pahabol nito. Nilingon niya ito. Nakatingin na itong muli sa kaniya. "Hindi ka papasok sa Biker's Grill bukas. Day off mo ," sabi nito.

Siya naman ang napakunot noo. "Ha? Kailan pa ako nagkadayoff?" Siya mismo ang nagsabi sa tiyuhin niya na hindi niya kailangan ng day off dahil bawat swweldo para sa kaniya ay mahalaga kaya paano siya nagka day off? At hindi man lang iyon binanggit ng tiyuhin niya sa kaniya.

Nagkibit balikat ito at tumalikod na. "Sinabi ko kay Bob. May gagawin tayo."

"Ano? Hindi ako puwedeng hindi pumasok kung hindi mahalaga iyan," giit niya.

Nakakunot noong nilingon siya nito. "Kailan pa hindi naging mahalaga ang pagse-celebrate ng birthday mo? It's just for one night. Can't we spend a longer time together since it's your birthday? Don't argue," sabi nito at pumasok na ng banyo.

Naiwan siyang literal na nakaawang ang mga labi. Ni hindi niya alam na alam nito ang kaarawan niya. Kung hindi rin nito binanggit iyon ay hindi niya maalala na bukas na nga pala ang birthday niya. Kahit kailan kasi ay hindi siya nagcelebrate ng birthday niya. Pero nais nitong magcelebrate sila. Muli ay napangiti siya at napangalumbaba. Hay Jet, kaya mahal na mahal kita eh.

TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKERWhere stories live. Discover now