Chapter 9

5.5K 331 30
                                    

"WOW, ito ang unang beses na pumasyal ka rito sa akin ah." Umayos ng upo sa sofa si Jet nang pumasok sa loob ng opisinang kinaroroonan niya si Yuuji.

"This is also the first time I saw you on a suit," balik niya rito. Tumawa ito at niluwagan ang kurbata nito. Pagkatapos ay pabagsak itong umupo sa katapat niyang sofa. "Dumaan ako sa main branch ng Sweet Fantasy pero ang sabi ng assistant mo 'don kailangan ka dito sa opisina mula ngayon."

Nagbuga ito ng hangin. "Oo nga eh. Geez I could not believe na pipilitin ako ni daddy na manatili sa opisina ng mas mahabang oras kaysa sa shop. Hindi ako sanay," reklamo nito. Pagkuwa'y tumingin sa kaniya. "E ikaw ba't naligaw ka rito? Usually gabi ka nagpapakita sa amin ah," komento nito.

"Ikaw na lang ang puwede kong abalahin dahil abala sa ibang bagay sila Cedric," sagot niya rito. Lahat kasi ng barkada nila at kahit na si Cedric ay masyado ng masaya kasama ang mga pareha ng mga ito kaya naiilang siyang makipag-usap sa mga ito lately. Masaya siya para sa mga ito pero tuwing nakikita niya ang kuntentong ngiti sa mukha ng mga ito at pagkukwento ng mga ito tungkol sa mga babae sa buhay ng mga ito ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pangungulila kay Sissy.

"Hmm point taken. So ano ang gusto mong pag-usapan natin at napasugod ka dito?" tanong nito.

Hindi siya agad nakasagot dahil sumagi na naman sa isip niya ay nangyari kanina nang makita niya si Sissy. Akala niya magiging maayos na ang lahat kapag nakita na niya itong muli. Pero hindi ganoon ang nangyari. It was only when she pushed him away did he realized that not because he missed her so much means that she feels the same way too. Parang malakas na suntok sa sikmura niya ang paraan ng pagtingin nito sa kaniya noon at maging ang mga salitang binitiwan nito. Na para bang hindi na siya mahalaga rito. Na sa loob ng mahabang panahon ay siya lang ang naging miserable na nawala ito sa buhay niya.

At nang biglang sumulpot ang kapatid niya at tinawag ito sa pangalan nito na para bang malapit ang mga ito sa isa't isa at akbayan ito ay parang nagdilim ang paningin niya. Nagkaroon siya ng ideya kung ano ang dahilan ng kalamigan ni Sissy sa kaniya, hindi na siya ang mahal nito.

Naisandal niya ang ulo sa sandalan ng sofa at itinakip ang braso sa mukha niya. Isipin pa lang niya iyon ay parang hinahalukay na ang sikmura niya. "Nakita ko na si Sissy," simula niya.

"Then that's great!" masayang sabi ni Yuuji. "Anong problema?"

Nagbuga siya ng hangin. "It wasn't what I expect it to be. Nang makita ko siya akala ko magiging okay na. Pero mali ako. She doesn't feel the same way to me anymore. And... she seems to be together with my brother now," mapait na sabi niya.

"Ha?! Paano naman nangyari iyang sinasabi mo?" gulat na tanong nito.

Sa mahina at pinakamaiksing kaya niya ay sinabi niya rito ang sitwasyon. "Though I said I will not let her get rid of me, I still don't know how to win her over again. Compared to my perfect brother I'm no match. Shit, sa lahat ng ayoko ay ang ganitong pakiramdam," frustrated na sabi niya. Isa nga sa mga dahilan kung bakit lumayo siya sa pamilya niya ay dahil ayaw niya ang pakiramdam na mas nakakahigit sa kaniya ang kapatid niya sa lahat ng bagay. Matagal na niyang alam iyon pero nakakafrustrate pa rin kapag iniisip niya iyon.

"Actually Jet, tingin ko hindi naman ganoon ka lamang sa iyo ang kapatid mo," sabi ni Yuuji dahilan upang mapatingin siya rito. Seryoso ang mukha nito na mukhang nag-iisip. "Kung itsura ang pag-uusapan may laban ka, pareho rin naman kayong nag-aral sa magandang eskuwelahan at pareho kayong matalino. Well, mas cool at sociable lang siya kaysa sa iyo pero kaya mo naman sigurong baguhin iyon. Isa pa ay magkasing yaman lang kayo dahil hati naman kayo sa kumpanya niyo. Kung ang problema mo ay palagi kang nakukumpara sa kaniya then do something to make those people know that you are great in your own way."

TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKERWhere stories live. Discover now