[06] So I'm hiding what I'm feeling.

Start from the beginning
                                    

Natawa tuloy ako. "Salamat. Goodnight."

Pagkapasok ko ng bahay, naabutan kong nanunuod ng TV si Kuya Troy. Wow ha! Bumalik pa ako sa school para kunin yung bag ko, tapos andito na rin pala siya agad. Haaay. Sabagay, andun rin naman yung cellphone ko.

Teka nga! Hindi naman niya siguro ako napansin sa mall kanina diba. Eh siya nga eh, may dinedate siya! Tsaka kung napansin niya ako, dapat i-interrogate niya ako. 

"San ka galing? Diba half day lang kayo?" Tinignan niya ako ng nagtataka.

"Ah ehh, naiwan ko kasi yung bag ko sa school. Binalikan ko lang. Sige kuya, akyat na ko eh. Mag-focus ka lang jan. Hehe." At tumakbo na ako pataas ng kwarto. Mamaya kung anu-ano pang itanong niya sa akin at madulas pa ako.

HAAAAAYS. Buti nakaiwas agad ako kay Kuya. Naligo muna ako at nag-ayos ng pantulog. Mag-aaral na ako. Next week na kasi ang exam namin at kailangan walang palakol. Hehehehe. Binasa ko rin yung Greek Mythology kasi kasali yun sa exam namin sa English. Eh sa di ko maintindihan kwento ng teacher ko eh. Konti na lang at magtu-twelve na. Gora lang sa pag-aaral. 10am pa naman ang pasok ko bukas eh. 

Maya maya, may tumawag sa akin. Psh. Yung unknown number na nantakot sakin kanina. Tss. Sino pa ba tong epal na to?

Si Sage (=__=)

xxx

SAGE

Hay nako! Marahil halos lahat sa inyo ay nag-iintay sa aking Point of View. Uy! Aminin! Haha. Salamat naman at nabigyan rin ako ng exposure dito. Maaari ko na ring ibahagi sa inyo ang nilalaman ng aking puso. Psh. Puso? Haha. Tae. Joke lang. Eto na nga, chill lang, magkukwento na ako.

Pagkahatid ko kay Aicel, dumerecho ako sa tambayan naming magbabarkda. Dun sa bar nila Zion. Oo, nakipag-kwentuhan lang ako sakanila at uminom ng konti. Konti lang naman. Hindi naman ako lasing e. Madaya nga kasi wala si Lewis. Di tuloy ako makatanggi kay Zion. Ayoko pa namang uminom. Hehe! Oo nga, hindi ako nainom ng madami. Goodboy kaya ako. Haha!

Pagkauwi ko, dumerecho agad ako sa kwarto ko at nag-shower. Ang lagkit ko lang. But, I had so much fun with Aicel today. Kaso bukas, patay tayo jan. Alipin ako ng amazona na yun. 

I grabbed my phone and dialled her number. "Alam mo ba kung anong oras na at nakukuha mo pang tumawag?" Pagsusungit niya agad agad pagkasagot ng tawag ko. Sungit talaga e!

"Wala man lang bang Goodevening?" Grabe naman kasi makabati to. Kakaiba! Hahaha. Pero nakakatuwa kasi naiimagine ko siyang nakataas ang kilay. 

"Istorbo ka kasi, nag-aaral ako."

"Almost twelve pa lang naman ah. Nako baka panda ka na bukas sa laki ng eyebags mo ha. Ilang kilo na ba yan dinadala mo? Haha."

“Nagsalita ang walang eyebags!” She chuckled. "Kahit magmuka akong panda, papasok ako dahil alipin kita. Ohh, I can't wait. Actually, inaayos ko na ang mga to-do-list mo. Humanda ka, kumag!" 

"Excited much lang? Hahaha."

"Naman. Teka nga, ibababa ko lang tong phone ko, magsalita ka kung gusto mo. Basta mag-aaral muna ako. Mambwisit ka hanggang gusto mo." Tapos hindi ko na siya ulit narinig. 

"Hoy Aicel, andiyan ka pa ba?"

"Aiceeeel, malapit na mag-12. Alipin mo na ako maya maya lang."

"Magcountdown ka na diyan, magagantihan mo rin ako sa wakas."

"30 29 28.. 5 4 3---"

Bigla akong nakarinig ng malakas na ingay at kalabog nag pinto sa kabilang linya. Lalo pa akong kinabahan nang marinig kong sumigaw si Aicel. Feeling ko nanlamig akong bigla. Sheet. What’s happening?

"Aicel, anong nangyari jan? Okay ka lang ba?”

No answer.

“Anjan ka pa ba? AICEL! AICEL! SUMAGOT KA NAMAN!"

Shiz. Mapuntahan na kaya to! Baka kung ano nang masamang nangyari dun eh. Putek! Bakit ba hindi niya sinasagot yung tawag ko?  Kukuhanin ko na sana ang jacket ko at ready na akong puntahan sila Aicel sa bahay nila nang agad na tumawag si Aicel sa akin. I immediately answered her call.

"Sage?"

"Hey, Aicel! What's going on? Are you okay? Anong nangyayari dyan?"

Aba tumawa lang ang amazona. Geez! How can she laugh like that habang ako’y kinakabahan dito. "Haha. Oo, family ko yun eh. Surprise lang kasi ano, hmm, basta. Sige, got to go! Kita na lang tayo bukas. I mean mamaya. Bye." And she hung up.

Ugh. God, she’s okay. I feel relieved.

Bumalik na ako sa kama at humiga. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Nilagay ko ang kamay ko sa aking dibdib at pinakiramdaman ang sarili kong heartbeat. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko at hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Kung bakit ba naman kasi ako pinag-aalala ng babaeng iyon ng madaling araw? 

“Aicel, nakakainis ka!”

I tried calling her again pero hindi na niya iyon sinasagot. Napatitig na lang ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ako makatulog. Badtrip! Hindi pa rin kasi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Kung pwede lang hilahin ang araw para makumpirma kong okay lang siya, I'll do it. Pero ano pa ba ang magagawa ko? All I can do is to wait. I hope she's okay. 

 xxx

Bizarre Love SquareWhere stories live. Discover now