[15] The more I talk to you, I fall in love with everything you do.

5.2K 59 4
                                    

A/N: Tulad nga ng sabi ko, may idadagdag ako, may babawasan, may babaguhin. Ito yung isa sa mga chapter na idadagdag ko :)

xxx

Chapter Fifteen

NORMAL POV

December 24, 20XX

Habang busy ang ilan sa paghahanda para sa noche buena mamaya, ibahin niyo ang trip ni Reese. Ganito kasi ang ginagawa niya bago mag-christmas, pupunta siya sa bookstore upang bumili ng mga libro. Madalas kasing sale kapag Holiday Season at yun na rin ang regalo niya para sa sarili niya. She loves reading book. 

Tinignan nito ang checklist niya. Hmmm. John Green’s Paper Towns and The Fault in our Stars pala ang gusto niyang bilhin ngayon. Lumapit si Reese sa counter upang magtanong kung saang section nakalagay ang mga libro ni John Green. 

Agad naman iyong tinuro ng babae sa counter. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Reese, pumunta na agad siya sa section na iyon. Nangingiti siya habang papalapit ng papalapit. Tanaw na kasi niya ang Paper Towns at The Fault in our Stars! Sino na naman kayang fictional character ang magiging boyfriend niya this Holiday? 

Kinuha nito ang librong Paper Towns. Napangiti na naman siya. Mukang magkaka-lovelife na naman siya with Q, bidang lalaki sa novel. Binasa nito saglit ang trailer ng libro, saka siya dumako sa librong TFIOS. She’s about to the grab the book nang may mauna sa kanya. Kung minamalas ka nga naman, yun ang huling libro sa section na iyon. 

“I found it first.” She said. Totoo naman e. Naunahan lang siyang kunin, pero siya ang naunang makakita. 

(O////////O) Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung sino ang humawak sa librong iyon. 

He smirked. “Nauna mo lang nakita, pero nauna kong hawakan. Akin na to.” 

“Edi isaksak mo sa baga mo.” Iniwan na niya ito. 

She sighed in defeat. Magtatanong na lang siya sa counter kung may stock pa ba ng librong The Fault in Our Stars.

“What? Next week pa po ang delivery?” 

“Sorry po ma’am. Pero pwede niyo naman pong iwan ang contact number niyo sa amin. Itetext po namin kayo agad pag nakapag-deliver na ng The Fault in Our Stars.”

Tumango na lang ito sa babae sa counter. Nakakainis! Gusto pa naman niya ng rebound kapag nakipag-break sa kanya si Q. Alam niya kasing mamahalin rin siya ni Augustus Waters kahit panandalian lang. Inis na inis itong lumabas ng bookstore pagkatapos bayaran ang Paper Towns. Next week pa? Eh isang araw nga lang tapos na agad niya ang isang novel. Hindi na siya makapag-intay! Ugh (--/)

“Huy! Bakit mo ako iniwan don?” Natigilan siya ng may kumalabit sa kanya. Ohhh. Naiinggit siya sa lalaki. Hawak kasi nito ang kahuli-hulihang The Fault in our Stars! Parang gusto na niyang i-snatch ang librong hawak nito. 

“Eh ano naman?” Inirapan niya ito saka naglakad. 

“Ang sungit mo. Meron ka ba ngayon?” Nasa tabi na pala niya ito. 

“Hindi ko sasagutin yan.” Naiinis na naman siya. 

“Hahaha! Galit ka ba? Dahil dito sa libro?” Tawa ng tawa ang lalaki. Ang sarap lang sipain. 

“Asar ka kasi. Lumayo ka nga sa akin, Zion.” Naglakad ito ng mas mabilis upang iwasan si Zion. Ngunit, mabilis itong maglakad kaya nakasabay pa rin sakanya. 

Crush ni Reese si Zion. Simula 2nd year pa lang ay may lihim na itong pagtingin sa kanya. Ngunit, hindi naman siya napapansin nito. Kapag lumalapit sa kanya si Zion, pilit lang niya itong tinataboy. Natatakot kasi siyang mas lumalim pa ang nararamdaman niya dito kapag mas naging close sila. Alam niya kasing kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan. 

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon