[11] I Got your Love this Christmas.

8.2K 94 10
                                    

Chapter Eleven

Normal POV

Napag-usapan ng barkada nila Lewis na sina Sage, Patrick, Zion, Pen at Bench na magsimbang gabi ngayon. Ito na kasi ang huling araw nilang magkakasama bago maganap ang Christmas Ball mamaya.

Lingid sa kaalaman ng anim, napag-usapan rin pala nila Patch, Aicel at ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Ella, Thea at Clarisse (Let’s call her Reese) na magsimbang gabi. Katatapos lang ng Examination Days nila and they need a break. Ito na rin ang huling araw na magkakasama sila after the Christmas Ball dahil magkakanya-kanyang bakasyon ang mga magkakaibigan.

xxx

AICEL

WOOOOOOO!

Ano ba namang klaseng pambungad yan, Aicel? Muntimang lang e. Haha. Kidding aside, masaya ako ngayon sapagkat natapos na rin ang examination days namin. Hopefully, pasado ang mga exam ko dahil ng-aral naman ako. Grade Conscious kaya ako. Baka sapakin ako ni Kuya pag may bagsak ako.

After one week ay gumaling na rin ang sprained ankle ni Patch. Kung itatanong niyo kung kamusta kami ni Sage? Sinasabi ko sainyong, he’s the usual Sage Padilla. Yung malakas mang-asar. And don’t worry about me guys, hindi naman niya ako masyadong pinapahirapan. I’m totally cool with it.

Sa ngayon, Christmas Ball na lang ang aming pagkakaabalahan na gaganapin mamaya. At dahil may free time na kami, naisipan naming magsimbang gabi. Yun nga lang, hindi nakumpleto ang nine days na misa. Super busy kasi e. But at least we found time to relax and praise the Lord for keeping us alive and kicking!

Anyways, maaga pa lang ay nandito na kami nila Patch, Ella, Thea and Reese sa tapat ng simbahan. Hindi pa nag-uumpisa ang misa at hindi pa naman masyadong marami ang mga tao sa loob. Masyado kasi kaming maaga pumunta upang makakain na rin ng mga traditional foods tulad ng mga puto bumbong, bibingka at iba pa.

"HI GIRLS!" 

Napatingin kaming lima sa sumigaw. Si Bench Sandoval lang pala. Remember him? Yung tropa nila Sage at Lewis. Andito rin pala siya, kasama ang barkada nitong sila Sage, Lewis, Pen, Zion at ang boyfriend ni Ella na si Patrick.  

Thea: "Uy Bench, nag-simbang gabi rin pala kayo?" Tanong nito nang makalapit sila Bench sa amin. Kung hindi niyo naitatanong, may something sa dalawang yan. Next time ko na lang ikukwento sainyo.

Bench: "Ay, hindi halata!" =____=

Thea: "Korni mo. Buti pa tong si Pen, matinong kausap." Inirapan niya si Bench saka binalingan ang kapatid nitong si Pen. (Penshoppe is the real name.)

Pen: "Pagpasensyahan niyo na yang kapatid ko ha. Alam niyo na, pag medyo kinakalawang na ang utak. Hahaha."

Bench: "At least hindi looks ang kinakalawang."

Reese: "WEH?"

Bench: "Sige Reese, wag kang umagree sakin." Kunwari’y nagtampo pa ito.

Reese: "Mas gwapo naman kasi talaga ang kapatid mo kesa sayo."

Bench: "Excuse me, magkamuka lang kami no."

Thea: "Pero mas lamang pa rin siya."

Pen: "Wag ka na kasi makipagtalo Bench, nagsasabi lang sila ng totoo, hindi naman masama iyon. Ang masama, ay magsabi silang gwapo ka kahit hindi naman. Pagsisinungaling ang tawag don."

Inulan ng asar si Bench mula sa tropa. Magkamuka naman kasi talaga si Bench at Pen. At pareho lang sila gwapo. Yun nga lang, masarap asarin si Bench.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon