[06] So I'm hiding what I'm feeling.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Putek ka! Akala ko naman kung sino na! Akala ko kung ano ng balak mong masama sakin e! Putek ka talaga!" Hinampas ko pa siya ng malakas. Si Sage lang pala.

"Aray ko! Lagi ka na lang nanghahampas ha?!" Pilit siyang umiiwas sa mga hampas ko. Aba, dapat lang sakanya yan no! Halos atakihin na kaya ako sa takot kanina!!

"Bwisit ka! Bakit ka ba kasi nanggugulat? HA?!"

"Nagbibiro lang naman. Parang nakita kasi kitang papasok ng school kanina. Tumatawag ako upang makumpirma kung ikaw nga yung nakita ko kaso hindi mo naman sinasagot tawag ko. Akala ko kung may masama nang nangyari sayo! Andito ka rin pala sa school."

"What?! Ikaw yung tumawag? Paano mo nalaman ang number ko?"

"U-uh. Wala pinagtanong ko lang. Syempre, dapat may communication ang slave at ang master. Teka umiiyak ka ba? Hahaha. Takot ka pala sa mga ganito." Lalo pa niya akong pinagtawanan. Ang sarap hampasin ulit.

"Tse! Bukas humanda ka!! Ako ang master mo!" I gritted my teeth.

“Hindi ka ba pwedeng makipag-usap ng hindi sumisigaw? Baka mamaya akalain ng mga guard dito, may kung anong milagrong nagaganap.”

“Tse!! Nakakainis ka kasi! Basta bukas!!”

"Heh. Ano bang ginagawa mo dito? Gabi na ah. Akala ko ba hinatid ka na ni Lewis sa inyo?" 

"Hinatid nga nila ako, kaso nakalimutan kong naiwan ko pala yung bag ko sa room. Bigla ka kasing nagsabi ng lakad kaya naiwan ko. Ayun binalikan ko na lang. Ikaw bakit ka ba andito?"

"We have the same reason."

"Sige, uuwi na ako!" Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.

"Teka, ihahatid na kita!" 

That somehow tickled my emotions. "Eh? Bakit naman?"

"Delikado na sa daan eh. Baka kung mapano ka pa. Promise, dahan dahan lang talaga pagpapatakbo ko ngayon sa motor."

"Sure ka ba jan or ineechos mo lang ako?"

"I'm serious here." Seryoso niyang sabi. Wow! Capable pala siyang mag-seryoso. Haha. Infairness, hindi halata.

In the end, pumayag na rin ako. Makalibre lang sa pamasahe. Hahaha. Inabot niya sakin ang helmet at unconsciously yumakap na naman ako sakanya.

"Tsansing na yan ha!" Natatawang sabi ni Sage sa akin.

Agad ko namang inalis ang kamay ko na nakayakap sakanya. Feelingero tong impakto na to ah! "Tse. Feeler mo naman." 

"Eh bakit mo inalis? Kumapit ka lang sakin ng mabuti and you'll be safe with me." Hinawakan niya ang kamay ko at unti-unting niyakap sakanya. 

DugDugDug.

WAIT, ANO YON? Bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko? Ahhhh! I shooked my head. Siguro, sobra lang akong kinakabahan kasi nakamotor na naman kami. Nadala na kaya ako kay Sage. =____=

Totoo naman yung promise niya sa akin. Dahan dahan lang ang pagpapatakbo niya hanggang sa makarating na kami ng buhay sa bahay. Thank you, Lord!

Huh? Alam niya kung saan ako nakatira? 

Anyways, binalik ko na sakanya yung helmet niya.

"Thank you sa paghatid." Sabi ko.

He just smiled at tsaka siya nagsalita, "You're welcome. Pero hindi libre yon. Wala ba akong goodnight kiss?" 

Magsasalita pa lang sana ako pero inunahan na niya agad ako. "Oh joke lang! Mamaya, mas masahol pa sa aksidente ang mangyari sakin dahil sa cariño brutal mo."

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon