Mga Maiikli Kong Tula

633 20 12
                                    

28/01/2015 11:45 PM

Sa pagbagsak ng damdamin nag-uumapaw,

Para sa lalaki sa puso'y nakapukaw,

Waring gusto ko nang mawala sa mundong ibabaw,

'Pagkat tanging kasiyahan ko sa'kin na'y naagaw.

*****************

Bakit ba kasiyahan sa'kin ay naging mailap,

Ikaw lang naman ang aking pangarap,

At tanging pinag-aalayan ng pag-ibig ko na naglalagablab;

Ngayon kalungkutan sa'kin ay yumayakap.

*****************

Isip ay tuliro,

Puso'y nagdurugo,

Tuwa'y naglaho,

Luha'y tumutulo,

Kalagayan ay magulo,

'Pagkat sa pag-ibig ay bigo.

*****************

Malamig na ihip ng hangin waring sumisipol,

Habang tinatangay ang mga kahapon,

Kahapon na 'di na mahahabol,

Sakit, hapdi at kirot sa puso'y lumalamon!

*****************

Bakit hindi na lang tayo?

Ako naman ang iyong gusto,

H'wag mong sabihin 'yan ay biro,

'Pagkat pag-ibig ko'y alay lamang sa'yo,

Kahit pa mundo ko'y gumuguho,

Sa t'wing makikita kayo....

*****************

Sa paglipas nang panahon,

Dagat ay patuloy pa rin sa pag-alon,

Hangin ay patuloy pa rin sa pagsipol,

Halaman ay patuloy pa rin sa pagsibol,

At ako ay patuloy sa paglalakbay habang iniiwan ang mga kahapon.

*****************

Ikaw ay aking ginugusto,

Paano mo kaya ito matatanto?

Dapat ko pa bang sabihin sa'yo?

O hintayin ko na lang na maramdaman mo?

*****************

Sa puso ikaw ay gumigiit,

Kahit hindi ko naman ninanais,

Lagot, ikaw pa naman ay may iniibig,

Kaya ako na lang ay magmamahal nang tahimik.

*****************

O Florante, sa nakaraan mo ikaw nakagapos,

Kaya pag-ibig ko ay hindi mo matalos,

Alam mo ba, ikaw na lang ang iniisip ko halos,

Kaso... kaso katotohanan sa'kin ay yumayapos,

Na imposible ang pag-ibig mo na sa'kin ay iyong ibuhos.

*****************

Puso ko'y nag-Huhuhu,

Sapagkat damdamin ko'y naninibugho;

Sinta, pansinin mo naman ako,

Pakiusap, kahit isang minuto.

*******
Updated: 06.20.15 9:38 AM

Kakaibang Ganda
Hindi man ako kasing ganda't sexy ni Darna,
Hindi rin naman ako kapara ng isang bruha,
Sadyang ganda ko lang ay naiiba,
Na mapapalad ang nakakakita,
At ang kamandag ko'y mas matindi pa sa mga ahas ni Medusa.

Kumpara
Hindi ko maiwasan ika'y ikumpara,
Sa lalaki aking tunay na sinisinta,
Tila ako kasi sa'yo ay tunay na mahalaga,
Kabalintunaan ng sa iniirog kong binata,
Na pagpapahalaga niya'y 'di ko madama.

Pantasya
Umaga na naman aking sinta,
At ikaw na'y hinahanap ng aking mga mata,
Sapagkat sa puso ko ikaw lang ay nag-iisa,
Kaya sa mukha mo ako'y napapanganga,
Sa ngiti mo ako'y nahahalina,
Init mo'y gusto ko nang madama,
Mata mo'y tititigan hanggang maging gabi na,
Ngunit ikaw nga lang pala ay isang pantasya.

Naguguluhan
Sino nga ba ako sa likod ng maskara?
Nadarama ko ba'y natutugma sa aking ipinapakita?
Puso ko nga ba'y 'di madaling mahiwa?
Sa mga sinasabi ko ba ika'y dapat maniwala?
Tiwala ko nga ba'y 'di madaling makuha?
Ako nga ba'y pantas at hindi tanga?
Mga luha ko nga ba'y totoo at 'di lang drama?
Malakas nga ba ako at 'di mahina?

Isasarado
Pagkatapos puso'y magkapilas-pilas,
Ako na'y babalik sa rehas,
Magkukulong at 'di na muling lalabas,
Hangang buhay na'y magwakas!

Baliw na
Sa muling pagbulusok ng damdamin;
Hindi alam kung papaano pipigilin.
Iwaksi ba ito'y akin pang gagawin?
Kung puso ko sa'yo na'y baliw na baliw,
O sintang aking ginigiliw!

Mga Tula ni MeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon