Pagbabalik

350 14 15
                                    

I

Sa iyong pagbabalik aking makisig,

Dibdib ay muling pumintig,

Ngiti ay sumilip,

Kasiyahan sa'kin ay lumupig.

II

Sa 'yong yapos ay lalong nasabik,

Labi'y nahinhintay ng halik,

Ngunit bakit may iba sa 'yong bisig?

Siya ba? Ako na pala talaga ay may kapalit.

III

Luha'y nangulit,

O bakit ang sakit?

Puso sa kirot ay namimilipit,

Isip ay pilit kang niwawaglit.

IV

Tatlong taon ako naghihintay sa 'yong pagbabalik!

Ngunit bakit ikaw ay napakalupit?

Ako'y ipinagpalit sa hindi singkit,

Ngunit siya'y mas marikit.

V

Makisig ang tanong ko lang ay bakit:

Bakit sa'kin hindi man lang nasabing "Pasensya na marikit"?

Bakit ako'y iniwan at ipinagpalit?

Bakit ba ikaw pa rin ang ipinipintig?

*****************

Bitin! Lol

Mga Tula ni MeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon