Asyumera Ako?

448 17 11
                                    

07/02/2015 3:07 AM

Ako ba ang iyong sinusulyapan

O ang pader na nasa aking likuran?

Ikaw ba sa'kin lang ay nagagandahan,

O baka naman napapangitan?

Hahaha! Ako na ba ay iyong hinahangaan?

T'wing Huwebes at Linggo, sa pagpasok pa lang,

Ikaw na ang hinahagilap,

Ng mga mata na sa'yo lamang gustong sumulyap.

O anong klaseng titig 'yan?

Parang ako ay dinadala sa alapaap.

Minsan naman iba ang iyong masdan,

Nahihiya na kasi ako sa'yo Adan,

Este Topper pala ang iyong ngalan,

Paano ko nga ba nalaman?

Hahaha. Tiningnan ko sa listahan.

Hoy, h'wag kang asyumero hindi pa kita mahal,

Hmp! Hindi rin kita hinahangaan,

Iniibig lamang kitang masilayan,

At... At syempre maging katipan,

Ngunit ang alam mo nga pala ako na'y may kasintahan,

Hay... Paano na 'yan?

Teka! Wala ka bang balak ako'y lapitan?

Tayo hanggang titigan na lang,

Ang saklap naman kung ganoon na lang ang kahahantungan,

Balak pa naman kita sanang sabihan,

Sabihan ng isang kalokohan:

"Tara, pakasal na tayo sa simbahan,

Sige na, h'wag ka nang umangal kundi ikaw aking hahalikan."

Hoy! Baka naman ang sinabi ko'y iyong paniwalaan,

Isa lamang 'yon kabulaanan,

Pero kung gusto mo gawin na natin isang katotohanan,

Hinding-hindi kita tatanggihan,

Ha-ha-ha! Ako kasi sa'yo ay nababaitan at nagwagwapuhan,

Oo na, mansanas, ikaw ay aking pinagnanasaan.

Kailan mo ba gustong kwento natin ay simulan?

Na aking nang mapaghandaan,

Na lalapit na ba o wala kang balak?

Kung wala kang balak h'wag na h'wag mo na akong titingnan,

Kahit saglit ay hindi na kita pwedeng pagbigyan,

Ako na kasi ay nasasaktan,

Nagpagtanto ko kasi ako ay isang asyumera lamang?

*****************

Mansanas = makamundong pagnanasa

Crush ko lang siya. Lagi ko kasi siyang nahuhuli na nakatingin sa'kin. Ibig sabihin lagi rin ako tumitingin sa kanya kaya nahuhuli ko.

Mga Tula ni MeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon