Paasa nga ba?

486 17 8
                                    

07/02/2015 10:10 AM

I

Paasa nga ba akong tunay,

Kung ang mga matatamis na salita ay aking binitiwan,

At agad mo naman pinaniwalaan,

Anong saklap, binigyan ng maling kahulugan.

II

Paasa nga ba akong matuturingan,

Kung ang salitang "Mahal kita" sa'kin iyong napakinggan,

At lubos mo iyong dinamdam,

Binigyan ng malisya sa isang saglit lamang.

III

Paasa nga ba akong matatawag,

Kung ikaw naman ang may kasalanan,

Na ang mga kilos ko'y binigyan ng kahulugan na 'di nararapat,

Ikaw at hindi ako ang may kamalian!

IV

Paasa nga ba akong kaibigan,

At ikaw naman ay punong-puno ng katangahan,

Sapagkat puro kalokohan isinaksak mo sa iyong isipan,

At puso mo ako'y kinakamkam.

V

Paasa nga ba ako o tanga lamang?

Sapagkat nadarama mo'y hindi ko agad nalaman,

Ngunit turing ko sa'yo ay kaibigan lang,

Patawad, ako siguro ay kailangan ng magpaalam.

*****************
"I don't mean to offend,
But for my right I will defend!"

Mga Tula ni MeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon