Tagged by: mei_blu
Paksa: Ulan
11-Jun-15 9:43 AMI
Ang mga talang nagniningning ay 'di mahapuhap,
Natakpan ng makapal na ulap,
Tubig mula sa itaas ay unti-unting pumatak,
Pilit sinasalo ng mga palad.II
Nag-iisa sa pusikit na daan,
Animong kapaligiran ay 'di mawatasan,
Umaalingawngaw ang kulog ng agam-agam,
Kumindat ang kidlat ng isang mapait na balintawtaw.III
Sa isip, damdamin ay pinaglalaruan,
Binabagtas ang nakaraan,
Naghahanap ng kasiyahan,
Subalit kalungkutan pa rin ay 'di natatanggal.IV
Tuluyan na nga nilipad ng hangin ang katuwaan,
Maya-maya pa'y bumaha na ang kapighatian,
Nalulunod sa unos ng kasawian,
Wala man lang makapitan.V
Wasak na puso'y kailan kaya matatauhan?
Na ang pag-asa'y nasa muling pagsikat ng araw,
Laksang-lungkot din ay makakalimutan,
Ulan sa mga mata'y titila rin nang 'di namamalayan...
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Mei
PoetryHindi masabi ng bibig, Sana'y iyong waring marinig, Sa pamamagitan ng tula nitong dibdib, At hayaan na ikaw rito ay bumilib.