CHAPTER 15

117 9 0
                                    

Chapter 15

"What's the noise—Shit." Anang isang kalalabas na teacher na nasa tapat naming room dahil sa pagsigaw na ginawa ko.

Her students also went out and all of them seemed so shock. Na parang masusuka ang mga ito dahil sa nakikita. Saka nila akong tinignan lahat.

"What's happening?" Napalingon ako sa nagsalita. It's Damon. Saka ito dali-daling lumapit sa amin. Upon seeing that girl's state, rinig ko ang mahinang pagmura nito.

That girl's blood splattered. Kitang-kita pa kung paanong dumaloy ito sa sahig.

When I roamed my eyes, doon ko lang napansing halos lahat ng mga estudyante ay nasa may hallway na, ang iba pa ay nakasilip sa pintuan at sa may bintana. Maging ang ibang mga guro ay nasa labas na rin.

"Call them now." I heard Damon commanded with the other officers.

Hindi ko alam kung sinong tinutukoy nito. Pero 'di nagtagal, dumating iyong mga kalalakihang nakaitim at binuhat iyong bangkay ng babae, saka nila ito inilayo. They also cleaned those splattered blood on the floor.

"Millizen, you need to go to the office." Saka ako nilingon ni Damon. His eyes were serious as well as his voice.

My forehead creased. Then tinignan ko siya nang may nagtatanong na tingin. Napansin kong iyong mga estudyante ay napatingin ulit sa akin and I hate the kind of look they are giving me.

I gazed back at Damon, not minding other people.

"Are you suspecting me that I killed her?" I frankly asked him, my body is now shivering.

He can't just suspect me like this. They can't suspect me without knowing what really happened. I, myself don't even know what happened!

"It's not what you're thinking, but—"

"I didn't kill her!" Malakas kong sigaw sa kanya, napapailing. Because whatever words he's using, it won't change the fact that they are suspecting me!

Still looking at him, at this moment, I wanted to cry. I just saw how that girl died in front of me but why they are accusing me now?

"Millizen—" Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin nito at mabilis ko siyang tinalikuran.

Hindi ko na rin pinansin pa ang ilang mga estudyanteng nagbubulungan tungkol sa akin sa tuwing nadadaanan ko sila. Napatigil lang ako sa paglalakad nang makita ko ang mga kaibigan ko.

"I didn't kill her." Mahina kong sambit and when they hugged me, that's when my tears rolled down my cheeks.

I kept telling them that I didn't kill her, that I can't do it. Alam kong paniniwalaan nila ako pero hindi ko matagalan ang mga mapanghusgang tingin na ibinibigay ng iba sa akin.

"We know, Zen. Alam naming hindi mo 'yon magagawa." Veyda tried to calm me with her words. Napatango-tango naman ako, pilit ding kinakalma ang sarili ko.

"Millizen Montana." Nagulat ako sa nagsalita. Nang lingunin ko ito'y blanko lamang ang ekpresyon ng kanyang mukha. "Black Mistress is waiting you in the office." Malamig nitong saad. I gulped.

"Pero Ate Fritzy—"

"Don't let her wait you." Saad nito saka niya ako tinalikuran. Bumagsak na lamang ang dalawa kong balikat dahil sa ginawa nito. I guess I really need to go in the office.

I faced my friends and smiled at them, telling them na magiging okay lamang ako. Wala akong ginawa. Wala akong kasalanan. Wala akong dapat na ikatakot.

The Curse of 11:11Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ