CHAPTER 3

238 19 0
                                    

Chapter 3

Mabilis na isinara ni Eyra ang pintuan ng dorm pagkapasok na pagkapasok namin. Rinig na rinig ko ang pagkahangos ng bawat isa sa amin.

"That old woman is crazy!" Cheska piqued nang makaupo ito sa kama.

Good thing is nagkailaw rin agad pero nawala na lang bigla sa paningin namin iyong matanda.

We do not know what she's talking about. Maybe she's just crazy to scare us like that.

Pagkabalik namin sa dorm ay agad na nahiga ang mga kasama ko. Double deck ang hinihigaan namin dito sa dorm. Kasya naman ang dalawang tao at si Eyra ang madalas na katabi ko.

Seconds, minutes and hours had passed, pansin kong sobrang himbing na ng tulog ng mga kasama ko samantalang ako, heto, mulat na mulat pa rin ang mga mata at hindi ko magawang matulog.

Dahil hindi naman ako makatulog, tumayo ako sa higaan at naisipang lumabas. Pagkalabas ko pa lang, kinilabutan agad ako sa lamig ng hanging tumatama sa aking balat.

Madaling araw na kasi kaya siguro malamig na yung simoy ng hangin. Subalit mas kinilabutan ako at nanindig ang mga balahibo ko dahil sa kaluskos na naririnig ko hindi kalayuan dito sa kinatatayuan ko.

Binalot ng takot ang aking dibdib pero hindi ko alam kung bakit naisipan ko pang puntahan kung saan nanggagaling ang kaluskos na iyon.

Tinignan ko ang paligid at talaga namang sobrang tahimik. Isa-isa kong inihakbang ang aking mga paa. Gamit ang ilaw ng cellphone ko ay napadpad ako sa pinakadulong kwarto. May mga ilaw naman sa hallway pero sadyang hindi na abot ng liwanag ang banda rito sa dulo.

Nanginginig man ang kamay ko, tumungo pa rin ako sa bandang iyon habang dahan-dahan ang mga paghakbang na ginagawa ko. Papalapit nang papalapit ay papalakas rin nang papalakas ang kaluskos. May narinig pa akong nahulog na parang lata dahilan para mas lalong dumoble ang aking kaba.

Palinga-linga ako sa paligid, umaasang baka may iba pang tao rito bukod sa akin pero paglingon ko, isang pares ng mga mata ang nakita ko, huli ko ng mapagtanto na pag-aari iyon ng itim na pusang tumalon sa harapan ko na nanggaling sa bintanang nasa gilid ko.

Sa sobrang gulat ay napaupo ako at nabitawan ko pa ang cellphone na hawak ko.

Nang mahimasmasan pagkaraan ng ilang minuto, mabilis akong tumayo at tumakbo pabalik sa kwarto.

Tahip-tahip ang kaba sa aking dibdib, dali-dali akong humiga sa kama at nagtalukbong gamit ang kumot. Kahit na nawala na ng tuluyan ang antok ko, pinilit ko pa rin ang sarili kong matulog mawala lamang ang aking takot. Shit. That cat. Tinakot niya talaga ako!

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa sunud-sunod na katok mula sa aming pintuan. Nagmulat ako ng mata at napansin kong tulog na tulog pa ang aking mga kasama. Pipikit-pikit man ang aking mga mata, pinilit ko na lamang ang sarili kong tumayo upang pagbuksan kung sinuman iyong kumakatok.

"Good morning newbie! It's nice seeing you for the third time!" Napahinto na lang ako dahil sa taong ngayon ay nakatayo sa harapan ko.

Siya na naman? Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito?

Bago ko pa siya tanungin kung anong ginagawa niya rito, nakita ko na lamang si Ate Fritzy na nakatayo sa tabi nito at sa likod naman nila ay may apat pa silang kasama.

"Good morning Millizen. Sorry kung naistorbo ka namin sa tulog mo. They are seniors and old students here at sila ang magiging dorm mates niyo." Sagot nito at wala sa sariling napatango na lamang ako.

The Curse of 11:11Where stories live. Discover now