CHAPTER 22

120 12 2
                                    

Chapter 22

Patakbo akong dumiretso roon sa direksyong itinuro ni Yves at naghanap agad ako ng paraan para makaalis sa lugar na ito. Masyado pang maliwanag ang buong kapaligiran dahil mag-aalas dose pa lang ng hapon pero heto kami't hindi malaman kung paanong lulusutan itong sitwasyon namin ngayon.

Hindi ko alam kung nasaan na ang mga kaibigan ko. Hindi ko rin alam kung anu-ano na ba ang mga ginagawa nila ngayon dahil nagkahiwa-hiwalay kami kanina.

Umaasa na lang akong sana ay magkakasama pa rin iyong kambal at ang magpinsan dahil alam kong lalakas ang loob ng mga iyon kapag magkakasama sila.

"Argh!" I whined when one of the killers attacked me.

Dahil iyong medyo may kalakihang kahoy ang una kong nakita, dinampot ko iyon at ipinangpalo rito sa killer na ngayo'y umaatake sa akin. Hindi pa nakuntento sa ginawa ko sa kanya ay muli ko itong pinalo ng malakas hanggang sa tumama ang ulo nito sa pader.

Mabilis akong kumilos matapos ko iyong gawin sa kanya. Agad naman akong nagtago sa isang gilid na hinintuan ko at inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, pasikretong nagmamasid.

Hindi ko lubos akalain na darating ang araw na ito na kung saan lahat kami ay makikipagsapalaran sa aming buhay. Na wala kang ibang katulong kundi ang tanging sarili mo lamang.

"Millizen! Millizen!" Napalinga ako sa paligid dahil sa mahinang bulong na iyon at nakita ko iyong magpinsan na katulad ko ay nakasiksik din sa isang gilid.

Sinenyasan ako ng mga itong pumunta sa kanila pero agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita ko iyong isang killer sa likod nila. I immediately picked up a stone. Iyong sakto lang ang laki at iyon ang ipinambato ko sa killer na iyon.

Dahil sa ginawa kong iyon ay agad na napaharap ang magpinsan sa kanilang likuran. Natatarantang dumampot din ng bato ang mga ito at binato iyong killer pero hindi iyon sapat para matalo iyong kalaban.

What Eyra did was to pick up a big stone, a sharp one. Since the killer was facing Cheska, agad na inambahan niya ito and she smashed that stone on the killer's head. Napaatras pa ito sa kanyang ginawa nang may tumulong dugo sa gilid ng ulo ng killer hanggang sa dumami nang dumami iyon.

"Come here!" Agap kong tawag sa kanila because I can see that they're shivering from what they did.

I know that feeling but right now, hindi dapat kami matakot dahil itong takot ang siyang magpapahamak sa amin. We have to be brave in order to save ourselves.

"Where are the twins?" I asked them but they answered me that they do not know.

Noong nagkahiwa-hiwalay kami kanina, sa magkaibang direksyon ang pinuntahan ng mga ito kaya hindi na raw nila alam kung nasaan iyong dalawa.

"The dorm's near. Go there and get some of your weapons. We can't fight those killers with our bare hands. We're not used to killing but we have to, we need to for us to save ourselves." Tumango iyong kambal sa sinabi ko at agad ko silang tinulak para kumilos sila. Pero bahagya ring natigilan iyong dalawa at hinarap ako.

"How about you?" They asked me worriedly. Hindi lang ang boses nila ang makapagsasabi na nag-aalala sila. I can read it in their eyes too.

"I will be fine. After this, let's see each other in the dorm. All of us should be alive. Alright?" I smiled at them for them to feel assured. They once nodded at me and told me to take care bago tumakbo ang mga ito.

Without wasting any second, agad na sinundan ko iyong matanda. Yes, I've seen her earlier at hindi ko alam kung bakit parang binabantayan nito ang mga galaw at mga pinag-uusapan namin kanina.

The Curse of 11:11Where stories live. Discover now