CHAPTER 26

115 4 0
                                    

WOOOHHHHH!!!” SIGAW NI LEE KASABAY NG IBA PANG FANS na nanonood ng concert. Pakiramdam niya ay gasgas na ang kanyang lalamunan sa kakasigaw.

“Excited na ba kayo sa surprise guest namin?” Tanong ni Sandara Park na miyembro ng 2ne1 na nanirahan noon sa Pilipinas kaya marunong mag-tagalog.

“Si Vice Ganda yan!!!” Narinig niyang sigaw ni Ella sa kanyang tabi.

“Oo nga!!!” Sang-ayon nilang magkakaibigan dito. Iyon kasi ang hula nilang sinasabing surprise guest ng grupo.

“Eto na sila! Ang surprise guest namin… let’s all welcome…” Inantala pa ni Sandara ang pagsasalita upang pakabahin ang audience. Sabay-sabay silang nagsigawan na magkakaibigan. Maya-maya ay sabay-sabay na nagsalita sa mikropono ng mga ito ang mga miyembro ng grupong 2ne1. “BIGBANG!!!”

Pagkabanggit ng mga ito sa pangalan ng surprise guest ng mga ito ay lalo pang lumakas ang sigawan ng mga tao sa concert hall. Sabay-sabay naman silang natahimik nina Ysa, Hazel, at Ella. Para silang de bateryang laruan na biglang na low battery. Si Marian na lang ang walang habas na tumitili sa kanilang magkakaibigan.

“Woohhh!!! Shemay ang gugwapo!!!” Narinig nilang sigaw ni Marian habang nakikipagsabayan sa pagsigaw ng mga fans. Nang walang sumagot sa kanilang apat ay nilingon sila nito. “Hoy!!! Bakit ang tahimik ninyo?” Pasigaw na tanong nito upang marinig nila ito. Sobrang lakas kasi ng sigawan ng mga audience na animo masisiraan na ng bait ang mga ito.

“Sis…” Tawag niya sa pansin ni Ysa na katabi niya sa upuan. “Pakisampal ako…” Patuloy niya saka humarap dito.

“Seryoso ka?” Tanong nito ng lingunin siya. Tumango siya sa tanong nito.

“Aray! Syete! Ang sakit!” Reklamo niya ng sampalin nga siya nito. “Bakit mo nilakasan?”

“Para magising ka kung panaginip mo nga ‘to. Langya ka sis! Dinamay mo pa ko sa panaginip mo! Ano? Panaginip ‘to di ba? Di ba? Hindi totoong nandito sila… panaginip to…” Nagpapanic na sabi ni Ysa. Lumingon siya sa stage para kumpirmahin ang tanong nito. VIP seat ang ticket na ibinigay sa kanila ni RM kaya naman kitang-kita nila ang mga nasa taas ng stage. Napabuntong-hininga na lamang siya sa kanyang nakikita. Gee had his hair dyed with color pink, but the odd thing is, it suits him well. He still managed to look good despite the weird color of his hair.

“Sis… hindi confused eh… confirmed. Nandito nga sila.” Mangiyak-ngiyak na sabi niya kay Ysa.

“Hello Philippines!!!” Sabay-sabay na sigaw ng mga lalaki sa mikropono ng mga ito. Tahimik lang siyang nakatitig kay Gee.

Alam niya kayang nandito ako? Asa! Sa dami ng tao dito ngayon imposibleng makita niya ako. Ganito ka na lang Lee forever, tahimik na manonood sa kanya habang nagpeperform siya sa stage. Pakikipag-usap niya sa kanyang sarili. Naririnig na niya ang pagkanta ng mga ito. Nililibot ng mga ito stage habang nagpeperform. Maya-maya pa ay napunta na ang mga ito sa parte ng stage kung saan sila nakatapat na magkakaibigan.

“Oh my god! Nakatingin sila sa atin! Lee!!!” Hindi pinansin ni Lee si Marian na sige sa pagtili habang niyuyugyog siya. Nagulat siya ng mapadako ang tingin sa kanya ni Gee. Napatigil ito bigla sa pagkanta ng magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya magawang magbaba ng tingin kahit sige na sa pagwawala ang mga nasa first row ng VIP seat. Naputol lamang ang tingin nila sa isa’t isa ng hilahin ito ni TOP habang kinakanta ng lalaki ang parte ni Gee na hindi na nito nagawang kantahin. Nang matapos ang kanta ng mga ito ay agad na umalis ang mga ito sa stage.

Taming The DragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon